"Well, never ko namang naisip dati na makakapag-MYX ako, and then, naging posible siya. Pero sa ngayon, talagang ano, e, that happened only because of the promotion of the album. At bukod dun, I'm very much happy with GMA and I don't want to create any misleading moves," says Dingdong Dantes.

Photo: Rose Garcia

Muling tumapak sa bakuran ng ABS-CBN ang isa sa top leading man ng Kapuso network na si Dingdong Dantes noong July 27. Bago paman isipin ng marami nalilipat na ang aktor ng TV network, pumunta siya sa ABS-CBN para sa taping niya for MYX. Siya kasi ang guest VJ ng naturang music channel, na affiliated sa Kapamilya network, for the month of August.

From August 9 to August 22 ay mapapanood nga si Dingdong sa MYX, na may connection na rin sa promotion ng kanyang The Dingdong Dantes Experience music-video album.

Bagamat dumiretso na si Dingdong sa studio ng MYX sa 4th floor ng Talent Center Building, marami pa rin ang nagulat nang makita si Dingdong sa bakuran ng ABS-CBN. Although, bawat makasalubong na kakilala niya ay humihinto at bumabati naman ang Kapuso star.

Kasalukuyang nakapila noon ang gustong maging contestants for Wowowee sa mismong daan papuntang elevator ng Talent Center Building kaya nagulat ang mga ito nang makita si Dingdong sa loob ng Kapamilya network. Nangiti si Dingdong na kumaway na lang nang may sumigaw at tila hindi nakatiis na contestant: "Dingdong, bakit ka nandito? Lilipat ka na ba?"

Wala sa isip ni Dingdong ang lumipat, pero ang makatuntong muli sa ABS-CBN ay isang experience na hindi rin niya makakalimutan.

Nalaman din ng ilang TV crews ng ABS-CBN na nasa kanilang bakuran si Dingdong kaya pinuntahan nila ang aktor upang ma-interview kahit saglit.

Tinanong siya ng mga TV crew kung ano ang ginagawa niya sa ABS-CBN.

Sagot naman ni Dingdong: "Magiging guest VJ ako ng MYX for two week. Then, in a way, makakapag-introduce din ako ng ibang songs, masasabi ko sa kanila kung ano ang latest and, at the same time, natututo rin naman ako kung ano ang mga bagong kanta ngayon."

Hindi raw first time ni Dingdong, who has been a loyal Kapuso for his entire showbiz career, ang makatapak sa bakuran ng ABS-CBN. Naging semi-regular rin daw siya noon sa dance show na Keep on Dancing. Yun nga lang, matagal na panahon na raw yun.

"Maganda lang din na nagkaroon ng opportunity to do this for MYX," sabi ni Dingdong. "Para mas malawak din ang masakop at makaalam tungkol dito sa album na ito."

MEETING KARYLLE. The TV crew also asked Dingdong, since nasa ABS-CBN siya, puwedeng mangyari na magkasalubong sila ng ex-girlfriend na si Karylle na isa nang ganap na Kapamilya. Hindi ba siya natatakot na magkasalubong at magkita sila?

"Hindi naman," mabilis na sagot ni Dingdong. "Wala namang dapat ikatakot or iwasan. So, no problem."

In case na magkita sila, will Dingdong say hi?

"Siguro kasi by that time, paalis na ako," sagot ng aktor. "From here, diretso na 'kong palabas. So, sabihin ko, 'Nice place you got here.'"