Ina Feleo directs celebrity parents Johnny Delgado and Laurice Guillen in a short film

William R. Reyes
Wednesday, July 29, 2009 @ 01:10PM  |  12411 views

 

"Sabi ko nga, nung nanonood ako, 'Ay, magaling talaga sila! Ang lalim nila. Kahit tinginan lang yung ipagawa mo, grabe!"says Ina Feleo about her parents.

Photo By: Noel Orsal













Dalawang magkasunod na events kamakailan ang naging mahalaga para sa young actress na si Ina Feleo, dahil patunay ang mga ito sa kung gaano na katatag at tumatatag pa ang posisyon niya sa larangang pinasok.

Una, noong July 25, nag-premiere showing sa Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater) ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang short film na Labing-Labing, na dinirek ni Ina mula sa isinulat niyang screenplay.

Ikalawa, sa gabi ng parangal kinabukasan, July 26, para sa 5th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition 2009 ay si Ina ang muling itinanghal na Best Actress para sa Sanglaan, na idinirek ni Milo Sogueco; mula sa screenplay na isinulat niya at mga kasamang sina Audie Gonzales, Jerome Lorico, at Gay Ace Domingo.

Hindi naka-attend sa Cinemalaya awards night si Ina. Instead, ang kanyang sister na si Ana Feleo, isang soprano at gumaganap sa mga zarsuela, ang tumanggap ng Balanghai trophy para sa kanya.

"Nanalo na naman siya!" tuwang-tuwang banggit ni Ana after the awards night. 

Pangalawang Cinemalaya best actress award na ito ni Ina. Noong 2007, siya rin ang nagwaging best actress para naman sa Endo, idinirek ni Jade Castro.

Simple and unassuming, at very accomodating si  Ina sa press. Nagpasalamat siya sa congratulatory message na natanggap sa kanyang muling pananalo.  

SANGLAAN. A day before the awards night ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ina at walang anumang inaasahang pananalo ng award na makakamit kinabukasan ang young actress.

Pero masayang-masaya siya nang gabing 'yon dahil naroon sa premiere night ng una niyang idinirek na short film ang kanyang buong pamilya, classmates, and closest friends.

Labing-Labing is actually Ina's thesis film para sa basic film course na tinapos sa Marilou Diaz-Abaya Film Institute.

Kinausap ng PEP si Ina sa lobby ng Tanghalang Manuel Conde minutes before the screening. Wala pa kaming idea noon how her debut short film would turn out, pero napanood na namin ang Sanglaan. Masasabing impressive ang pagkakaganap ni Ina rito bilang si Amy, ang jewelry appraiser at isang simpleng dalagang may lihim na pagtingin sa isang dating kaklase, si David (Joem Bascon), na isang seaman. 

Tulad nina Tessie Tomas at Jess Evardone (bilang si Kanor, ang security guard), ang character na ginampanan ni Ina ay mahalagang tauhan sa sanglaan na pag-aari ni Tessie, bilang si Olivia, Amy's aunt.

"Very wholesome talaga siya," pag-describe ni Ina sa ginampanang character. "Ang layo naman sa Endo na sobrang liberated siya [Ina's character in the film], contrast na contrast, na may confidence. Dito naman [sa Sanglaan], baligtad. Demure siya, pero meron ding ibang drive, ibang passion. Matindi."

Dalawa bale ang love interest ni Ina sa Sanglaan. Bukod kay Joem Bascon, ang former high school crush niya, nariyan si Neil Ryan Sese, ang loan shark na si Henry, na openly ay may gusto sa kanya at may tendency na mag-take advantage if given the opportunity. 

Sa isang eksena'y nakipag-inuman si Ina kay Neil at ang sumunod na pangyayari'y hindi inaasahan, pero consistent sa takbo ng narrative.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name