"Malacañang doesn't have to say bigyan ng  honor ang mom ko dahil yung honor, nanggagaling sa bayan natin," says Kris Aquino about her mother, former President Corazon Aquino, who passed away last Saturday, August 1.

Photo: Noel Orsal & Paul Mata

Binigyang linaw ni Kris Aquino kahapon, August 2, sa The Buzz ang tungkol sa umano'y pagtanggi ng pamilya nila sa alok ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ng Malacañang na bigyan ng state funeral ang kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Lumabas kasi ang balitang nag-alok ang Malacañang sa naulilang pamilya na maiburol sa palasyo ang dating lider ng bansa para magkaroon ng state funeral. Pero diumano'y tinanggihan ito ng pamilyang Aquino. Tuloy ay nabahiran ito ng isyung pulitikal.

Matatandaan kasing nakasama pa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Tita Cory sa pagpapatalsik noon kay dating Pangulong Joseph Estrada sa liderato. Pero makaraan ang ilang panahon ay isa na rin si Tita Cory sa tumutuligsa kay PGMA hanggang sa maging kaalyansa siya ng mga taga-oposisyon at nag-sorry pa kay Erap sa pakikibahagi niya sa pagpapaltalsik dito.

"AYAW NAMIN NG GULO." Bilang representative ng pamilyang Aquino at hindi bilang isang pulitiko, inako na ni Kris ang pagpapaliwanag tungkol sa naturang isyu. Kahapon nga ay isiniwalat niya ang kanyang damdamin habang kaharap ang co-host at kaibigan na si Boy Abunda.

Nilinaw ni Kris ang mga salitang "they didn't allow" na magkaroon ng state funeral ang kanyang ina.

"It's not that we didn't allow it, Boy," simula niya. "We just said code proper na lang. Para wala na lang gulo. Ayaw namin ng gulo. Ayaw ng mom ng gulo, for the people especially."

Inamin din ni Kris na totoong may representative from Malacañang na lumapit at kumausap sa kanila tungkol sa pagbibigay ng state funeral kay Tita Cory.

"I want to say something and I really hope na hindi ito mabigyan ng kulay-pulitika. I just want to explain some things about our decisions sa family. May mga lumapit po... Kasi, hindi naman just because you're on the opposite side of the political bed, it doesn't mean na may mga tao sa administrasyon ngayon na hindi namin kaibigan. There are those who have remained friends.

"So, somebody came... I won't name the person anymore, who was quite close to mom, asking... Sabi niya, 'It was not proper but, you know, it has been talked about. But if she goes, would you want na may state funeral, na the wake will be held in Malacañang?'

"Noy [Senator Benigno "Noynoy" Aquino III, Kris's brother] was there, but I said ako ang magsasalita para hindi sabihin na namumulitika kami, na pulitika ang dahilan. Medyo na-ano ako, Boy, nasabihan kasi na, 'damn if you do, damn if you don't' daw kasi ang sitwasyon nila. Kung hindi mag-offer, parang masama. Kung mag-offer at tumanggi kami, masama pa rin.

"I'm sorry, but at that moment, I really said, 'Hindi ko problema ang problema n'yo. Ang problema ko lang, ang mom!' And I said, I'm speaking on behalf of everybody. Malacañang doesn't have to say bigyan ng  honor ang mom ko dahil yung honor, nanggagaling sa bayan natin," saad ng bunsong anak ng dating Pangulong Cory Aquino.

ISSUE ON CORY'S SECURITY. Inilahad din ni Kris ang tungkol sa isyu ng pagpapabawi raw ng security ng kanyang ina. Ang mga dating Pangulo kasi ng bansa ay may karapatan at pinapayagan magkaroon ng security bilang bahagi ng pribilehiyo ng isang dating lider.

Ani Kris, "I will share this so that you will understand as a daughter how I feel. It is my mom's right na mayroon siyang security. Every former president has that. July, Boy, I don't know but it was explained to me na the unit daw taking care of presidents was being dissolved. So, parang tinatawag back. Hindi ko na maintindihan kung saan... Basta, anyway, they were made to explain, hinihingan ng written letter ang mom ko kung bakit mare-retain si Mel at si Cris [Cory's bodyguards], dalawa lang yun. Noy was the one who took care of it.

"Kasi pinaba-back sa mother unit, something. Tapos, may prosesong pagdadaanan. But this was already July, na nasa ospital na ang mom. It was explained to me nga na hindi naman daw nire-recall yung security ng mom. Inaayos lang daw for accounting purposes."

Hindi raw maiwasang maging emotional ni Kris nang malaman ang tungkol dito.