"Queen of Primetime!"
Ito na ngayon ang bagong bansag sa hottest female star ng Kapuso network na si Marian Rivera sa grand launch ng Darna kagabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Hindi naman kataka-taka na tawaging "Queen of Primetime" si Marian. Napatunayan na niya ang hatak niya sa mga manonood sa tatlong primetime shows na pinagbidahan niya sa GMA-7. Inilunsad siya bilang female lead star sa Pinoy adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar. Sinundan ito ng telefantasyang Dyesebel, at ang pinakahuli niyang ginawa ay ang TV adaptation ng komiks novel at pelikula ni Carlo J. Caparas, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa tatlong nabanggit na proyekto ay si Dingdong Dantes ang nakapareha ni Marian.
Pagkatapos ng presentation ng story at cast ng Darna ay nagpalit muna si Marian ng kanyang Darna costume sa isang pulang gown bago siya humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Ano ang pakiramdam na tinawag na siyang "Queen of Primetime?"
"Happy ako, happy ako!" sambit ni Marian. "Salamat na sinabi nilang ganun, di ba? Kung ganun ang tingin nila, thank you talaga."
Kung siya ang itinuturing na Queen of Primetime, sino naman sa tingin niya ang King of Primetime?
"Siyempre, may sasabihin pa ba akong iba? Malamang si Dingdong ang gusto kong maging King!" natatawang sabi ni Marian.
LIFTING KAPUSO PRIMETIME SHOWS BACK TO TOP. Hindi man binanggit sa presscon ng Darna kagabi, malaki ang expectation ng marami sa pinagbibidahang telefantasya ni Marian.
Ilang araw na kasing nauungusan sa ratings ang primetime shows ng GMA-7 ng mga katapat nitong programa sa ABS-CBN. Ito ay base na rin sa mga pinakahuling survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.
Tuloy, marami ang nagsasabi na si Marian at ang Darna ang magtatayong muli sa Kapuso network bilang number One TV network, lalo na sa primetime.
Pero ani Marian, "Hindi naman sa ako sa magtatayo. Ayoko na lang isipin kasi ang hirap, pagod ka na, hirap ka, sugat ka na, tapos ipe-pressure mo pa yung sarili mo... Enjoy na lang. Tulad ng sinabi ko, hindi lang sa akin, siguro marami kami sa cast na magtataguyod sa Darna."
Papalitan ng Darna simula August 10 ang timeslot ng action-adventure series ni Richard Gutierrez na Zorro, na magtatapos naman sa August 7. Makakatapat ng Darna ang family drama na May Bukas Pa, na isa sa mga nagungunang shows ng Kapamilya network ngayon. May pressure ba kay Marian ang tapatang ito?
"Hindi ko rin masabi, e," sagot niya. "Basta tulad ng sabi ko, enjoy-in ko na lang. Iba naman siguro yung sa kabila, iba naman itong sa atin na pinagbubutihan, hindi lang ako, kundi lahat ng cast, lahat ng staff. To be honest, hindi na sila magkandaugaga sa ginagawa nila para mas maganda, mahabol talaga yung airing nito, yung editing, para maipakita sa inyo. So, dun pa lang, nakikita na naghahanda talaga."
Tinanong ng PEP si Marian kung sa tingin niya ay kasabay ng paglipad ni Darna ang paglipad ulit ng primetime shows ng GMA-7 sa ratings.






STOP JERKING AROUND AND GET TO WORK. DO YOU GET MY DRIFT?
Repondez s'il vous plait
ERITHA
Sabi pa ni Rizal ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa MABAHO at MALANSANG ISDA.
hahahahaha
Yes marami siyang fans abroad. Isa sa nameet ko na fan nya sa CAnada. Nagkita kami noong umuwi siya n Cebu for a couple of days. I was there in CEbu for a short vacation.
And she endorses Island pacific supermarket in the U.S.
Ikaw OA ka rin ba? Can you just comment in english so that we can gauge how far can you go.....
Oh siya siya....Patapos na rin naman ang Zorro. Ang next project nito diba yung FullHouse,bwisit favorite Koreanovela ko pa naman yun...
Yes marami siyang fans abroad. Isa sa nameet ko na fan nya sa CAnada. Nagkita kami noong umuwi siya n Cebu for a couple of days. I was there in CEbu for a short vacation.
DI MARUNONG MAG-ENGLISH SI MARIAN!!!hahaha
====================================
Then kung di marunong mag english si Marian? Ano ang effect?
Bakit english ba ang Darna? hahaha
bakit english ba ang language ng Pilipinas?
Eh ang japan kaya sila umasenso kasi sarili nilang wika ang inuna nila.
Kung di marunong mag english si Marian sana di sya nakatapos? hahaha
Kung di marunong mag english si Marian do u think lahat ng assignment nya pati exams nya di nya naintindihan?
Psychology ang course nya eh halos lahat english yun, papano nya pinasa kung di marunong mag english?
hello sourgraping ka lang. Another mind conditioning, style na bulok hahahaha