"Queen of Primetime!"
Ito na ngayon ang bagong bansag sa hottest female star ng Kapuso network na si Marian Rivera sa grand launch ng Darna kagabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Hindi naman kataka-taka na tawaging "Queen of Primetime" si Marian. Napatunayan na niya ang hatak niya sa mga manonood sa tatlong primetime shows na pinagbidahan niya sa GMA-7. Inilunsad siya bilang female lead star sa Pinoy adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar. Sinundan ito ng telefantasyang Dyesebel, at ang pinakahuli niyang ginawa ay ang TV adaptation ng komiks novel at pelikula ni Carlo J. Caparas, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa tatlong nabanggit na proyekto ay si Dingdong Dantes ang nakapareha ni Marian.
Pagkatapos ng presentation ng story at cast ng Darna ay nagpalit muna si Marian ng kanyang Darna costume sa isang pulang gown bago siya humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Ano ang pakiramdam na tinawag na siyang "Queen of Primetime?"
"Happy ako, happy ako!" sambit ni Marian. "Salamat na sinabi nilang ganun, di ba? Kung ganun ang tingin nila, thank you talaga."
Kung siya ang itinuturing na Queen of Primetime, sino naman sa tingin niya ang King of Primetime?
"Siyempre, may sasabihin pa ba akong iba? Malamang si Dingdong ang gusto kong maging King!" natatawang sabi ni Marian.
LIFTING KAPUSO PRIMETIME SHOWS BACK TO TOP. Hindi man binanggit sa presscon ng Darna kagabi, malaki ang expectation ng marami sa pinagbibidahang telefantasya ni Marian.
Ilang araw na kasing nauungusan sa ratings ang primetime shows ng GMA-7 ng mga katapat nitong programa sa ABS-CBN. Ito ay base na rin sa mga pinakahuling survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.
Tuloy, marami ang nagsasabi na si Marian at ang Darna ang magtatayong muli sa Kapuso network bilang number One TV network, lalo na sa primetime.
Pero ani Marian, "Hindi naman sa ako sa magtatayo. Ayoko na lang isipin kasi ang hirap, pagod ka na, hirap ka, sugat ka na, tapos ipe-pressure mo pa yung sarili mo... Enjoy na lang. Tulad ng sinabi ko, hindi lang sa akin, siguro marami kami sa cast na magtataguyod sa Darna."
Papalitan ng Darna simula August 10 ang timeslot ng action-adventure series ni Richard Gutierrez na Zorro, na magtatapos naman sa August 7. Makakatapat ng Darna ang family drama na May Bukas Pa, na isa sa mga nagungunang shows ng Kapamilya network ngayon. May pressure ba kay Marian ang tapatang ito?
"Hindi ko rin masabi, e," sagot niya. "Basta tulad ng sabi ko, enjoy-in ko na lang. Iba naman siguro yung sa kabila, iba naman itong sa atin na pinagbubutihan, hindi lang ako, kundi lahat ng cast, lahat ng staff. To be honest, hindi na sila magkandaugaga sa ginagawa nila para mas maganda, mahabol talaga yung airing nito, yung editing, para maipakita sa inyo. So, dun pa lang, nakikita na naghahanda talaga."
Tinanong ng PEP si Marian kung sa tingin niya ay kasabay ng paglipad ni Darna ang paglipad ulit ng primetime shows ng GMA-7 sa ratings.






balugababe
August 4, 2009
14:29 PM 736
shakshark
si eritha parang yung isang pepster din sa isang thread ni marian...kailangan ng ibalik sa Mandaluyong, may mga split personalities mga yan...isang marian lover at isang marian hater hahahaha
----
LOL! ibalik nga dapt yan sa mandaluyong.
4th floor, panglimang kwarto sa kaliwa paglabas mo ng elevator.
wag ka maliligaw ah!
pag may mga kasabayang abno, hala bira siya!
pero pag siya nlng at tinira na ng fans, ayan at instant fan na rin siya kuno ni marian.
dospoako
teka bru, nasabi mo na sa akin yang panadols pero ano yang patans?
hahahaha, paturo siya kay Manny ng english yung silingan nyo hehehe
Sino ba inahas? hahaha. So do you mean to say anaconda si K nung naging sila ni DD na wala pang closure sa kanila ni Tony?
Sa tough ten sa the buzz ni Boy A.
Boy Abunda: May kinalaman ba si Marian sa break-up nyo ni DD?
Karylle: No, wala.
Boy Abunda: Kahit konti?
Karylle: Wala.
Oh anong inahas pinagsasabi mo. Wake up story telling a lie hahaha.
shakshark
si eritha parang yung isang pepster din sa isang thread ni marian...kailangan ng ibalik sa Mandaluyong, may mga split personalities mga yan...isang marian lover at isang marian hater hahahaha
malaking pressure nasa balikat mo ngayon
we're always here to support you
sana talaga maganda result nito sa ratings game
advance happy birthday
manilaphils
tru story na ba...naa mis silingan sa davao, syalan kaayo ug name, irish joy or something, mestisa din kay anak ug merikanong GI nga giabandon maong hilabihan kakabos...pero ang iyahang inahan ginasanay nya mag english iyang anak bisan way mga angay kay matud pa nya 'anak, one bullet day [balang araw] your amahan will make a return of the comeback, makapunta ka rin ng estets.
nagstart siya up to now sa showbiz..
WALA SIYANG KA-EK-EKAN,WALANG TRYINGHARD-AN,
MGA STATEMENTS NIYA TRANSPARENT AS IN
REAL NA REAL SIYANG TAO!!!
MGA BATIKOS NG IBA WALA SA KANYA YAN NOH!!SHE KNOWS THE TRUTH KC!HINDI SIYA
PARANOID SA INYO UN LANG UN!
ganyan qualities ang bumobongga ng bonggang-bongga ang CARREER!!
GO MARIAN UR SUCH A WINNER!!!!