"Queen of Primetime!"
Ito na ngayon ang bagong bansag sa hottest female star ng Kapuso network na si Marian Rivera sa grand launch ng Darna kagabi, August 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Hindi naman kataka-taka na tawaging "Queen of Primetime" si Marian. Napatunayan na niya ang hatak niya sa mga manonood sa tatlong primetime shows na pinagbidahan niya sa GMA-7. Inilunsad siya bilang female lead star sa Pinoy adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar. Sinundan ito ng telefantasyang Dyesebel, at ang pinakahuli niyang ginawa ay ang TV adaptation ng komiks novel at pelikula ni Carlo J. Caparas, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa tatlong nabanggit na proyekto ay si Dingdong Dantes ang nakapareha ni Marian.
Pagkatapos ng presentation ng story at cast ng Darna ay nagpalit muna si Marian ng kanyang Darna costume sa isang pulang gown bago siya humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Ano ang pakiramdam na tinawag na siyang "Queen of Primetime?"
"Happy ako, happy ako!" sambit ni Marian. "Salamat na sinabi nilang ganun, di ba? Kung ganun ang tingin nila, thank you talaga."
Kung siya ang itinuturing na Queen of Primetime, sino naman sa tingin niya ang King of Primetime?
"Siyempre, may sasabihin pa ba akong iba? Malamang si Dingdong ang gusto kong maging King!" natatawang sabi ni Marian.
LIFTING KAPUSO PRIMETIME SHOWS BACK TO TOP. Hindi man binanggit sa presscon ng Darna kagabi, malaki ang expectation ng marami sa pinagbibidahang telefantasya ni Marian.
Ilang araw na kasing nauungusan sa ratings ang primetime shows ng GMA-7 ng mga katapat nitong programa sa ABS-CBN. Ito ay base na rin sa mga pinakahuling survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.
Tuloy, marami ang nagsasabi na si Marian at ang Darna ang magtatayong muli sa Kapuso network bilang number One TV network, lalo na sa primetime.
Pero ani Marian, "Hindi naman sa ako sa magtatayo. Ayoko na lang isipin kasi ang hirap, pagod ka na, hirap ka, sugat ka na, tapos ipe-pressure mo pa yung sarili mo... Enjoy na lang. Tulad ng sinabi ko, hindi lang sa akin, siguro marami kami sa cast na magtataguyod sa Darna."
Papalitan ng Darna simula August 10 ang timeslot ng action-adventure series ni Richard Gutierrez na Zorro, na magtatapos naman sa August 7. Makakatapat ng Darna ang family drama na May Bukas Pa, na isa sa mga nagungunang shows ng Kapamilya network ngayon. May pressure ba kay Marian ang tapatang ito?
"Hindi ko rin masabi, e," sagot niya. "Basta tulad ng sabi ko, enjoy-in ko na lang. Iba naman siguro yung sa kabila, iba naman itong sa atin na pinagbubutihan, hindi lang ako, kundi lahat ng cast, lahat ng staff. To be honest, hindi na sila magkandaugaga sa ginagawa nila para mas maganda, mahabol talaga yung airing nito, yung editing, para maipakita sa inyo. So, dun pa lang, nakikita na naghahanda talaga."
Tinanong ng PEP si Marian kung sa tingin niya ay kasabay ng paglipad ni Darna ang paglipad ulit ng primetime shows ng GMA-7 sa ratings.






wildfire69
August 4, 2009
19:40 PM
Watch MAY BUKAS PA panigurado may mapupulot kayung aral galing kay BRO.
=======================================
Anung aral????Ang magsamba sa mga Reboltong bato at kahoy????
nakakasabik na talaga mga pamangkin ko
grabeee naiinip na sila!!!!
well SA MONDAY NA AUGUST 10 grabeee
GO MARIAN UR SUCH A WINNERRRRRRRRRR!
AUGUST 10 NA!!!
MARIAN FEVER NA NAMAN ITOH!!!!!!!!!!!!!
YYEEHHHHEEEEYYYYY
7 days 2 go nalng...watch na kaung lahat...waaaahhh excited na ko at mga family dyan sa pinas...dhil sa wakas llipad na c darna...
nakka - xcite na talaga..
flashy lang yung mga figures pero what really counts is yung quality ng mga shows.
pero ngaun n ng-number 1 ang mga shows ng ch 2, i think its time na mag-isip nman ng bago ang kapuso.
speaking of pag-iisip, pagisipan nila ng TAMA ung gagawin nila.
tulad na lang ng rosalinda na may bulol na fernando jose at ng mapakapangit na ending ng totoy bato last month.
unforgettable talaga totoy bato
tawa ako ng tawa dahil sa mga kabaliwang nilagay nila sa story.
BINABOY!
hehehe
dpat lng na number one siya sa lunes!
hope this show will lift ratings of Rosalinda and Adik Sa'yo
Sana dekalidad naman tong Darna di tulad ng totoy bato, joaquin bordado, tadyang at rosalinda.
Rosalinda MAY BUKAS PA kaya gandahan niyo yan.
Go Adik!
August 10 na
DARNA!
go marian!
go darna!
FLY HIGH DARNA!!!!!!!!!!!!!
AUGUST 10 NA PO YAN MGA KAPUSO... BONGGA!!!
magiging number na naman yan!!! greetings from kapuso
Lipaad paa! lipad! Darna Lipad!
Oooops! sorry, may poste pala!
_wala lang_ katuwaan lang, 4 myself..
wala akong masabe eh, to the highest level na kc c MR..