"Secret!" ang kinikilig na sagot ni Marian Rivera nang tanungin kung ano ang ginawa nila ng nababalitang boyfriend niya na si Dingdong Dantes nang mag-birthday ang aktor noong Linggo, August 2.
Pero umamin din sa bandang huli ang aktres na kumain sila sa labas ni Dingdong kasama ang pamilya nito.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA-7 na Darna, kung saan ang aktres ang gaganap bilang Pinay superhero. Ginanap ang presscon sa Studio 5 ng GMA Network Center kagabi, August 3.
Treat daw ni Marian ang paglabas nila ni Dingdong at ng pamilya nito.
Nararamdaman na ba ni Marian na part na siya ng family ni Dingdong?
"Ang hirap naman nun!" natatawa niyang sagot. "Tanungin n'yo na lang sa kanya. Basta ako, happy ako, nag-enjoy ako. Malaki ang pasasalamat ko na nabigyan ako ng ganitong project. Dun muna ako focused. Kailangan ko talagang mag-focus sa Darna. Kasi sa akin talaga, kailangang mapasaya yung mga Kapuso natin."
Ano ang reaksiyon niya sa magandang trato sa kanya ng pamilya ni Dingdong?
"Siyempre, siguro kahit naman sinong tao, na matanggap ka ng kahit sinong tao at mahalin ka, ay napakahalaga at napakaimportante nun para sa isang tao," sagot niya.
Naibigay na raw ni Marian ang kanyang regalo kay Dingdong. Pero tumanggi siyang sabihin kung ano ang ibinigay niya sa aktor. Aniya, "Tanungin n'yo na lang siya. In fairness naman, nakita ko naman sa mga mata niya na masaya naman talaga siya."
Ano ang wish niya kay Dingdong?
"Sabi ko lang sa kanya, gusto ko palagi siyang happy at maging successful siya sa lahat ng ginagawa niya," saad ni Marian.
BIRTHDAY GIRL. Kung si Dingdong ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday last August 2, si Marian naman ay magse-celebrate ng kanyang 25th birthday sa August 12—dalawang araw pagkatapos ng pilot episode ng Darna.
Sa birthday ni Marian ay may taping siya para sa Darna. Pero may plano ba sila ni Dingdong?
"Hindi ko alam sa kanya," sagot ng aktres. "Pero kailangan ko talagang mag-taping ng Darna kasi naghahabol kami at eere na kami sa Lunes [August 10]. So, talagang naghahabol kami."
Nae-excite ba siya sa gagawin ni Dingdong sa birthday niya?






kilala nio ba ang kaloob2xan ng hinuhusgahan nio??????...
bago kau manghusga tingnan nio muna sarili nio...
Kung ikaw si dingdong..anu pipiliin mo Career or Kryle?
am super hapeee for them...
anong nakakakilig sa 2 taong parehong niloko ang mga karelasyon nila para maging sila??!!gt;.. hahaha!.. mga tao talaga!!.
ANG ARTE-ARTE MO, MARIAN!!!.... daaahh?!!gt;...
sobrang ARTE MO!!!...
totoo naman pala!
puklets talaga....
412
lauren09
August 7, 2009
04:12 AM why did they let these 2 cheaters get away with their relationship. obviously they had something going on long long time ago. it was a conspiracy.. to leave their respective partners .. buy some time.. then start going out.. eh matagal naman na sila.. everything this b e a t c h says is full of filthy flrts.. and lies... deceiving people specially their foolish die hards..
------------------
i agree
-------------------
agree din ako!!
naiirita talga ako pag nakikita ko ang babae no ito.