Understandable naman kung may nararamdaman mang pressure at kaba si Bea Alonzo ngayong malapit nang ipalabas ang pinagbibidahan niyang pelikula, ang And I Love You So ng Star Cinema.
Minsan nang itinanghal na Box-Office Queen si Bea—noong 2007 para sa One More Chance nila ni John Lloyd Cruz. Pro ang kaibahan nga lang ngayon, tila testing ground sa young actress kung tulad ng kanyang ka-loveteam na si John Lloyd ay maisasampa rin ba niya sa box office ang bagong movie niya, kahit wala ang nakagisnang loveteam nila ng aktor.
"Ako, pressure. Tuwing maririnig ko ang kanta [theme song ng And I Love You So], parang nalulula ang tiyan ko. Ganun. At saka, si Direk [Laurenti Dyogi], nagsasalita ng magaganda about the project, about our performances, kinakabahan ako nang sobra!" pahayag ni Bea sa presscon ng And I Love You So, kagabi, August 5, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
PRESSURE TIME. Hindi itinanggi ni Bea na may pressure talaga on her part, lalo na't na-prove na ni John Lloyd na kaya niyang dalhin ang movie kahit wala ang perennial screen partner niya. Naging box-office hits ang back-to-back movie nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love at You Changed My Life.
"Oo, malaking pressure yun," pagsang-ayon ni Bea. "Pero para sa akin, naniniwala talaga ako sa destiny. Kung para sa 'yo, para sa 'yo. Ang sa akin lang, ibinigay ko lahat para wala akong pagsisihan sa bandang huli. Kasi, lahat ng hiniling nila sa akin, lahat ng kinailangan kong gawin, binigay ko."
Nakita naman daw ni Bea ang malaking tiwala sa kanya ng Star Cinema, lalo pa nga't anniversary offering ng film arm ng ABS-CBN ang movie niya kasama sina Sam Milby at Derek Ramsay.
"Happy ako sa kinalabasan. Alam mo, hindi sa nagmamayabang, pero confident talaga ako sa pangyayari," ani Bea.
Marami ang nagkagusto sa One More Chance nila ni John Lloyd, masasabi ba niyang mas maganda ang And I Love You So?
"Magkaiba sila ng story, pero hindi siya papahuli sa One More Chance," sagot ng young actress.
How hard it is for Bea na hindi na si John Lloyd ang ka-partner niya, kundi sina Derek at Sam na? Malaki ba ang naging adjustment niya?
"Malaking adjustment," pag-amin ng young actress. "Kasi kami ni John Lloyd, kapag nagkatinginan kami niyan, kahit bago mag-eksena, alam ko na kung ano ang gagawin niya. Paano ang attack at saka yung way ng pag-uusap namin kapag nasa set kami, very professional. Alam na namin kung paano ia-approach. Halimbawa, may ire-request ako na, 'Puwede bang halikan mo ako rito, or puwede bang bubulungan kita rito...' Ganun yun, e.
"But, nag-enjoy ako working with Derek and Sam, kasi parang naging raw ka ulit. Hindi na de numero. Since hindi mo alam kung paano sila iha-handle, naging challenge sa 'yo at mas na-push ka beyond their expectation."
ONLY GOOD WORDS FOR BEA. During the Q&A portion sa presscon ng And I Love You So, halos daig pa ni Bea ang kakandidato sa magagandang salitang binitawan ng co-stars niya sa movie at maging ng direktor nila na si Laurenti Dyogi tungkol sa kanya.
Isa sa naging very open sa paghanga sa kanya ay ang veteran actress na si Ms. Coney Reyes. Ayon dito, she thinks Bea would be "the next important actress and star."
Ano ang masasabi ni Bea sa hayagang papuri sa kanya ni Ms. Coney?






regarding sam milby naman, bea HE IS GAY so kwidaw ka, kung publicity lang 'tong mga lumalabas fine, but make sure you know magka-dress kayo okay...hehehe
GOOD LUCK BEAAAAAAAAAAA!!!! LOVE YOU GIRL !!! GO ! GO ! GO!
sila ruffing at johnlloyd na matagal na mayo pa sila na
di mo ba alam na madalas na sila mag motel noon pa?!?
kahit sa ibang bansa ngbeverly hills hotel rin sila.
XxranngofangelXx
ang idol mo ang lackluster!!!
anong akala mo di kaya ni bea mag isa?
anong tingin niyo kay johnlloyd na mahilig sa sex?!? hero?
drug adik daw yan at tomador!
goodluck sa movie Bei, we love you so dearly and u know that!
Unlike GMA, ABS hones their actors to be versatile, credible and very realistic to whatever roles handed over to them...
Congrats Bea.