Isang rally ng suporta para sa director at komiks novelist na si Carlo J. Caparas ang idinaraos ngayon, August 7, sa harap ng National Commission for Cultural and the Arts (NCCA) building sa Intramuros, Manila.
Pare-pareho ang kulay at size ng mga kartolina na dala ng mga protester. Nakapaskil sa dingding ng NCCA ang mga kartolina, at uniform ang pagkakasulat ng mga letra na isinulat sa blue, black, at red pentel pen.
Nakasulat sa mga kartolina ang pagbatikos laban sa mga tumutuligsa sa pagkakapili kay Caparas bilang National Artist for film and visual arts.
Isinisigaw ng mga protester ang pangalan ni Carlo at lalong lumakas ang kanilang pagsigaw nang bumuhos ang malakas na ulan. Nagpulasan ng takbo ang mga protester para hindi sila mabasa. Bumalik lamang sila sa kanilang puwesto nang huminto ang ulan.
Isang presscon din ang ipinatawag ng mag-asawang Carlo at Donna Villa ngayong araw para ihayag ang kanilang nararamdaman sa mga diumano'y "mala-elitista" na nagpoprotesta sa mataas na karangalan na ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Caparas.
Samantala, nakatakda ring magsagawa ng sarili nilang protesta ang ilan sa pinamalalaking pangalan sa larangan ng sining dahil sa anila'y "pagkamatay" ng National Artist award. Tutol sila sa pagkakaluklok kay Caparas at sa NCCA executive director Cecile Guidote-Alvarez bilang National Artists ngayong taon.
(Click here to read related story.)






andami nyang paligoy-ligoy. obvious naman na naghahanap lang sya ng lusot. pero isa lang ang gusto nyang sabihin, hinding-hindi nya isosoli yung award.
I agree with you 100. Hay ganun ata talaga. Ang criticism kahit gaano ka-constructive ay mahirap tanggapin. Pero ang award/praise, kahit gaano ka ka-underserving eh always welcome. Btw, nabasa ko sa Inquirer na ipinagmamalaki ni CJC ung Maggie dela Riva Story na pinanood daw ng 4m katao dito sa Metro Manila nung panahong 10m pa lang ang population dito. Ang mga tanong: 1. Nagustuhan ba ng 4m viewers ang pelikulang yun? 2. Anong naging significance nun para mabuksan ang kamalayan ng taong-bayan sa pagmamahal sa bayan? 3. Pinanood ba nila ang pelikulang yun dahil maganda or dahil sa mga artistang sina Dawn Z. at Buboy?
Magbayad ba ng raliyista???? My gash!!! Lowest of low!!! You're a joke!!!!
zenblogger21
is mars ravelo a national artist? 'cause he's way better that CJC but CJC also did good kaya lang it's too soon for him to have that award.
----
Nope, Mars Ravelo has not yet been hailed as a National Artist. I very much agree with you that he deserves the award more than CJC does, or that Ravelo should have at least been recognized first. In both cases though, I think that it would be better fitting if they were categorized under Literature and not Visual Arts. CJC did not do the drawings for his more famous komiks titles and does not belong in the Visual Arts category.
It is CJC being a National Artist under the film category that irks me more. There are A LOT of other people who deserve it far more than he does. If GMA wanted to include a director she should have just chosen Mike de Leon. Please don’t make this about the elitists and the masses; Dolphy and Nora Aunor deserve the award a hundred times more than Caparas does.
1. Mukhang bayaran at orchestrated ng Caparas couple mismo ang rally...
2. hindi ito labanan ng eletista at masa. labanan ito ng prinsipyo at delikadesa
3. na ang award ay nabibigay kahit kanino kahit di deserving pero ang recognition and respect ay earned. Aanhin ang award kung ang principle behind it is tarnished and corrupted? Sige gets mo na at magpakasasa ka sa awrd na natanggap mo, sino ba ang lalabas na katawa-tawa at Joke ng bayan? ikaw mismo ang umuyurak sa pagkatao mo. Kay Guidote naman, sabi mo di ka idiot, pero oo oo oo idiota ka dahil di mo man lang binasa ang rules and regulations ng award na yan na isa ka pa manding head. Kung deserving ka, kahit appointed ka ng presidente walang magrereklamo!
ito naman asing si Caparas,nung panahong naghihingalo ang mundo ng pelikula eh hindi mahagilap. samantalang ang iba ay nagpumilit makalikha ng mga de kalidad na pelikula kahit kapos sa budget at ummusbong na nga ang indi-indi na 'yan. Eh kayong mag-asawa, hayun at nakatago at takot malugi sa pagpu-produce ng makabuluhang movie. nasaan ang pagiging Nationalist nyo? tapos ngayon atat na atat maging National Artist.
A true artist defies economic adversities and accepts painful rejection... never consumed by huge profits or any amounts that could be gained by his work of art.., imparting essential knowledge thru complex intellectual maturbation is first and foremost his main goal, all for the betterment of National visions and Patriotic actions that paints our selves as one and whole Filipino Nation. etchos!lolz!
next time nyan si Angel Locsin, Piolo Pascual,Santino,Willie Revillame,JLC, Sarah Geronimo,Toni Gonzaga,Pokwang,Phoo, Vice Ganda,Ai-Ai,etc... na ang mga tatanghalin?
magaaklas ang lahat ng Pilipino kung si Mariel Rodriguez ang mananalo!
maaaring marami kang nalokong manonod...pero hindi ibig sabihin noon ay MAY KARAPATAN KA NG MAGING NATIONAL ARTIST.
may naibigay ka bang prestihiyo sa bansa natin? kabulastugan oo; pero WALANG KARANGALAN kang ibinigay...maaring sa bulsa mo meron...
PERO SA NAKAKARAMING PILIPINO ISA KANG KAHIHIYAN.
Caparas and Donna...your union was not even right from the start was it?
ang mga bayaran ni caparas
How much was paid to the quot;protestersquot; and how much did it cost to get the National Artist title?
tylenol
August 7, 2009
14:38 PM mr.caparas bilib din ako sa kapal ng apog mo. hanggang sa tumanda ka at mawala ka sa mundo di ka kikilalanin na national artist. ang tumatak sa isip namin ay isa kang tuta ng pangulo na binigyan ng buto. shame on you.
---------------------------
well said
pinksheep
libre, staff and crew nila yan. pansinin mo yung isa naka apron pa...katatapos lang magsaing