This time, iba ang kaso ng Kinatay, na walang ipinaputol na eksena (not even "a fraction of a second," ayon kay Direk Brillante) ang review/classification body, at maaari nga itong ipalabas sa commercial theaters, ayon sa gusto ng producer at director.
Naiisip ba ni Direk Brillante Mendoza na tila mas maluwag ang MTRCB sa mga eksenang bayolente kaysa nauukol sa sex?
"Yeah, probably," sagot niya. ''Tsaka siguro, pag nananalo... siguro, nakakatulong; dapat pala, palagi akong nananalo sa labas, para approved palagi, ano?" at natawa si Direk Brillante sa sariling pagbibiro.
CHANGE THE LAW. More seriously, sinabi niya, "It's [censorship] really part of the law. Parang wala tayong choice, di ba? So, kailangan, palitan ang law. 'Yun lang.
"I mean, you get to congress, palitan ang law... [kasi] katulad ngayon, mayroon nang issue about CCP and about UP. Apparently, pati yung mga pagpapalabas ng mga pelikula sa UP at sa CCP, we have to go through censorship. So, may isyung ganyan ngayon, na 'yan ang pinag-uusapan."
Kaya muntik nang hindi maipa-premiere sa bansa ang Kinatay, dahil at the last minute, maging sa UP ay hindi puwedeng maipalabas nang hindi dadaan ang pelikula sa approval ng MTRCB.
"So, naipit yung pelikula ko. Before, wala naman. But, yun na nga, because of the issue, because of the case between UP at sa tatlong pelikulang ipinalabas [noon] doon, yun ang nangyari."
Sa UP open forum, nabanggit ni Direk Brillante ang naging maganda niyang pakikipag-usap sa MTRCB Chairperson (Consoliza Laguardia) at MTRCB member, Mario Hernando, kaugnay ng pagkaka-approve, without cuts, ng Kinatay.
"Kahit papa'no, napayagan tayong maipalabas. If only for that, I'm really happy na maipapalabas siya..." sabi ni Direk Brillante, na sa ngayo'y priority pa rin ang showing ng Kinatay sa mga eskuwelahan (para sa mga manonood na mag-aaral), bago sa mga pam-publikong sinehan,
Hindi man niya inasahan, sadyang naging mainit ang pagtanggap ng maraming taga-industriya sa pinakahuli niyang matagumpay na pelikula.
UNFORTUNATE TIMING. Pero hindi sinasadyang ang dalawang events hinggil sa Kinatay ay mataon sa dalawang panahon ng pagluluksa, sa daigdig ng showbiz at sa daigdig ng pulitika sa bansa.
Tamang-tamang pagdating ng grupo ni Brillante Mendoza sa bansa nitong unang dalawang linggo ng Hunyo, matapos siyang manalo as Best Director sa Cannes '09, ay siya namang pagyao ng kilalang talent manager na si Douglas Quijano.
Sa panahon ng Philippine premiere at kasunod na pagpapa-special screening ng pelikula (simula Hulyo 30, na kaarawan ni Direk Brillante), siya namang pagyao ni dating Pangulong Corazon Aquino, noong Agosto 1, 2009.
"Ah, palaging lahat... parang pelikula ko, lahat ironic," hindi lubusang nangingiti si Direk Brillante. Pero wala siyang kinalaman, at lalong walang magagawa hinggil sa sitwasyon.
"It's an example of what's happening, Yung mga ganu'ng sitwasyong nangyayari," sabi niya.






Question: Hulaan ninyo kung ilan ang jowa nitong si Brillante Mendoza kung saan kasali si Coco Martin na inagaw niya kay ihman esturco at ngayon ay pina loan niya kay deo endrinal?
Question: Hulaan ninyo kung ilang international film festival programmer ang pinasyal at inilibre ni Brillante Mendoza sa mga gay bar at massage parlors para sure na kasali siya sa main competition ng kani kanilang mga festivals?
Question: Hulaan ninyo kung bakit galit na galit si Julio Diaz kay Brillante Mendoza?
Question: Hulaan ninyo kung bakit puring puri ni Mario o Hara si Brillante Mendoza ngayon?
Papanoorin ko nga kung maipapalabas yan sa lahat ng sinihan pag uwi ko sa friday..