Carlo J. Caparas hits back at detractors: "Karamihan po ng National Artists ay sectoral at elitista."

Rose Garcia
Saturday, August 08, 2009 @ 02:46PM  |  20773 views

 

"Kung hindi ka makapag-aral nang mataas, hindi mo mababasa ang uri ng kanilang trabaho... Ako po, puwede kong katawanin, kaya kong i-represent ang ibinibigay sa akin na karangalan bilang pambansang alagad ng sining sapagkat sa pamamagitan po ng komiks ko naipapaabot sa sambayanan ang aking kakayahan at ang aking pagmamahal sa bayan," said the National Artist for Visual Arts and Film.

 

Photo By: Noel Orsal













Yesterday morning, August 7, director Carlo J. Caparas expressed his feelings on the issues and protests of some people surrounding his recent achievement of receiving the title of National Artist for Visual Arts and Film.

Sa opisina ng National Commision on Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros ginanap ang press conference kunsaan present din ang hinirang na  National Artist for Theater na si Ms. Cecile Guidote-Alvarez at ang current chairman ng NCCA na si Dr. Vilma Labrador na nagpaliwanag ng proseso ng pag-nominate at pagpili ng magiging posibleng National Artist.

Narito ang kabuuang speech ni Direk Carlo:

"Bago ako magsalita sa aking mga sasabihin, gusto ko munang pasalamatan ang aking mga kapatid sa media at gusto ko kayong pasalamatan sa inyong pagdalo. Dagdag na karangalan na makita ko ang aking mga kaibigan sa media na narito lahat. Kasama na ang mga photographer, mga reporter at mga kaibigan nila na kasama nila ngayon sa upuan.

"Isa lamang ang gusto kong unang itanong sa inyo na gusto kong sagutin ninyo... susundan ko ang linya na sinabi ni Gng. Vilma Labrador.  Ako ba ay may karapatan na maging National Artist?  Gusto kong marinig sa inyo ngayon kung ako ay may karapatan o wala. Meron ba?"

Isang malakas na "Meron!" ang naging tugon ng mga dumalo sa presscon na karamihan ay media at ang iba'y mga supporters ni Direk Carlo sa komiks.  Kasunod nito ay isang malakas na palakpakan.

"Ang mga palakpak niyo ang magbibigay ng lakas ng loob na harapin ko ang mga pamumuna, pamimintas, pagbatikos ng mga nasa hanay ng Pambansang Alagad ng Sining.  Kalungkutan para sa akin na sa hanay namin ay meron pa rin kapuna-puna at nagiging alipin ng pamumulitika.

"Unang-una po, ang karangalang ibinigay sa akin ay hindi ko hiningi.  Ang katangian ko po na napansin ng mga pumili, ang kakayahan ko na napansin ng mga pumili sa Palasyo, ang mga nag-nominate sa akin, ay pinaghirapan ko po.  Araw, gabi, kung puwedeng may ika-25 oras, gagawin ko pa para pagandahin ang aking kakayahan na yun at ang aking mga obra na iniaalay ko sa buong sambayanang Pilipinas.

"Inaaliw ko sila sa pamamagitan ng aking mga nobelang komiks. Inaaliw ko sila sa pamamagitan ng aking mga pelikula. Inaaliw ko sila sa pamamagitan ng aking mga teleserye sapagkat duty-bound ang isang nasa entertainment business.  First and foremost, kailangang maaliw niya ang kanyang mambabasa, ang kanyang manonood.

"Sa isang araw po, ilang oras lang ang maiuukol ng mga kababayan natin sa paglilibang dahil po sa maghapong pagtatrabaho nila, iilang oras lang ang inilalaan nila para makapagbasa ng makakaaliw sa kanila, makakalibang sa isipan nila. Kung nanonood sila ng dalawang oras habang nakakulong sa sinehan at habang nagpapahinga sa gabi, kailangan malibang din sila sa panonood ng telebisyon.

"May paaralan po tayo para bigyan sila ng edukasyon. May simbahan po tayo para matutunan nila ang relihiyon. Huwag po nilang hanapin masyado ang  edukasyon at relihiyon sa ginagawa naming pang-aaliw sa entertainment world. 

"Ang karamihan po ng national artists ay sectoral at elitista. Ngayon, yung tumututol po sa amin, kabilang po sa tinatawag na sectoral artist. Na kung hindi ka pa makapag-aral ng mataas, hindi mo mababasa ang uri ng kanilang trabaho, hindi mo makikilala ang kanilang persona.

"Ang mga elitista naman kung hindi kabilang sa makikinis ang mukha, sa may napakataas na edukasyon, hindi po nila kikilalanin sa hanay sa iba pa ang bibigyang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining.  D'yan po makikita natin ang pagkawatak-watak sa ating bansa.  At ang pinagmumulan po n'yan ay ang pulitika. Ako po, puwede kong katawanin, kaya kong i-represent ang ibinibigay sa akin na karangalan bilang pambansang alagad ng sining sapagkat sa pamamagitan po ng komiks ko naipapaabot sa sambayanan ang aking kakayahan at ang aking pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga kasaysayan na isinusulat ko."

Sa puntong ito, minsan pang pumalakpak ang mga tao sa loob ng conference room ng NCCA.

MASSACRE FILMS. At sa pagpapatuloy ni  Direk Carlo sa kanyang speech, "Sa pamamagitan po ng pelikula na tinatawag nilang massacre film, gusto kong linawin sa inyo na ang massacre na nangyari, during the commission of the crime, habang pinapatay ang mga biktima, yun po ang massacre na tinatawag. Kapag po binigyan na namin ng aming asawa—ng magandang si Donna Villa—ng version sa pelikula ang krimen na yun, ang massacre na yun, nagiging justice story. Nagiging kasaysayan ng pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

1  2  3  Next »

Related Articles

133 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name