Donna Villa on the National Artist protest: "This is a free country, they can do what they want."

Rose Garcia
Saturday, August 08, 2009 @ 04:38PM  |  10273 views

 

Donna Villa sees most of the protesters as people with too much time on their hands: "You know, this people, I think, mostly are retired. At ang iba... hindi sila successful sa field nila. Kaya nakagawa ng isang pelikula, wala na. Nakasulat ng isang script sa pelikula, wala na.  Sabi ko nga, ako, movie producer, hindi ko sila kukunin."

 

Photo By: Noel Orsal













"Naku, 'yang mga taga-CCP na 'yan, kainin na nila 'yang award na 'yan."

UNEXPECTED HONOR. Bilang maybahay ni Direk Carlo, na-expect ba niyang darating ang ganoong kalaking karangalan sa kanyang asawa?

"Ay hindi, I was surprised!  Sino ba naman ang hindi mag-aano kay Carlo, from komiks, komiks king, box-office sa ano... nakaka-set ng records, nakakaano sa TV. Pambihira naman sila.  Itong mga nagrereklamo, ano ba 'to?  Wala naman itong mga trabaho, jobless!"

May pressure ba ngayon sa kanya bilang movie producer at kay Carlo ang pagkakaroon ng award?

"Kay Carlo... sabi nga niya, lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang craft. Kasi, si Carlo talaga... alam naman natin, ako, marami akong ginagawa aside from movies.  Si Carlo, kahit na anong hila ko riyan, talagang, 'Donna, hindi ko puwedeng iwan itong ano na 'to... nandito ang mga kasamahan ko sa komiks, sa pelikula, I cannot leave this industry.' 

"So, ako, bilang asawa niya, sama lang din ako nang sama as a wife.  But, mind you, I have my own mind, I have my own business, and I have my own personality also. I also understand what's happening and what's going on.  So, nakikita ko, sino ba 'to?  Hindi naman natin kilala ang matatandang ito!  What are they saying?  Ano ba gusto nila?  E, mga retired ito, e. They have all the time. E, tayo, kulang pa tayo ng oras sa pagtulog.  E, lahat sila merong oras. Ang hina pang lumakad!  E, baka 'yang mga 'yan, maatake pa! Susmaryosep!  At meron pang ibang hindi naman ganoon katanda, e, forced retirement naman, kasi walang mga trabaho."

DOLPHY SHOULD GET HONOR, TOO. Ipinasok ang pangalan ni Dolphy noon pa para maging National Artist, pero nahahaluan ng kulay pulitika dahil daw mas connected ito sa dating Pangulong Joseph Estrada, kaya hindi ito makapasa. Anong masasabi niya rito?

"You know, itanong n'yo 'yan kay Chairman Labrador, she would know. Because we are not privy to the process, e. Ako, I'm just talking as Carlo's wife, ito yung feeling ko talaga."

Pero ayon sa kanya, deserving din daw si Dolphy na parangalang National Artist.

"Oh yes, very deserving! Pero tanungin n'yo si Chairman Labrador, pero, parang wala yatang nag-nominate sa kanya. Dapat nanggaling 'yan kina Atty. Laxa, Eddie Romero, pero, wala, e... si Carlo  sa mga taga-komiks, ang dami, e! Pati sa Malacanañg ang daming sulat. Ganu'n 'yan, e. 

"But Dolphy is very deserving.  At kahit si Carlo, sinabi niya na deserving si Dolphy, wala lang nag-nominate.  Let's face it, kung ako Presidente, gagawin kong 50 'yang National Artist. Para maraming ma-inspired."

Sa huli, ano ang pakiramdam niya bilang wife ng isang National Artist,?

"Well, for me really, hindi ko naisip na National Artist talaga.  Alam mo ako, movie producer ako, that's what's important to me. Honestly, ako, honest naman ako, e.  But for someone like Carlo, I'm sure, that's very important to him.  But for someone like me na nasa negosyo, that's not important to me at all. I'm just defending it because of my husband.

"Di ba, magkaiba kami ni Carlo talaga. I'm in the business world and he's in the artist.  Kapag ako nalugi, ah, yun, iintindihin ko. Kaya kung ako lang, yung mga awards, sa kanila na."

« Prev  1  2  3  

Related Articles

47 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name