Chynna Ortaleza missed out on playing Valentina in Darna, a role she had been vocal about, but now there's an online petition going on to help her get the role of Andi in GMA-7's latest Koreanovela under development, Coffee Prince.

 

Photo: Noel B. Orsal

Nang lumabas ang balitang ia-adapt din ng GMA-7 ang Coffee Prince, lumabas din ang pangalan niya sa sinasabing bagay na gumanap as Andi.  Nagkaroon din ng petition thread na siya ang kuhanin ng network.  Pero as we all know, may ibang young actress din ang sinasabing mas posibleng kuhanin ng GMA, such as Jennica Garcia.

Sa ganoong bagay, nag-e-expect pa ba siya or wala na lang at kung ano na lang ang dumating?

"I don't want to expect.  Yun din... that's why I'm not disappointed that I didn't get Valentina because I was vocal about it, but didn't expect it to fall in my lap. Yung mga tao na nagte-text sa akin, yung mga supporters ko na nagsasabing may online petition nga raw sila at marami rin daw ang nagsasabi na bagay ako for Andi, very thankful ako sa kanila.

"In fairness naman, tama naman yata ang desisyon nila na i-push ako for the role of bida, kasi very important din naman ang bida role. Yung sa Andi role, feeling ko, parang puwede, kasi physically parang kayang-kaya... ewan ko, bahala na network du'n. Kasi, wala rin namang news kung matutuloy ba yun."

What if sa iba na naman maibigay at hindi sa kanya?

"It's okay... I mean, sanay na rin naman ako na sa buhay ko, hindi lang sa showbiz, ha, kung ano ang ine-expect ko or kung ano ang ina-aspire ko, minsan, hindi yun nabibigay sa 'yo, so yung ita-trust mo lang si God na yun ang ibinigay niya sa 'yo, dapat yun yung happy ka. Hindi ka dapat maging bitter or galit.  The fact na araw-araw may blessing ka, ano ba, napaka-selfish naman pag di ka pa naging thankful."

LIKES PLAYING VILLAINS. Bilang kontrabida naman daw, Chynna can honestly say na isa raw ito sa dream role niya before na masasabi niyang tinupad naman ng network.

"Oh yes, and as a kontrabida, secure naman ako sa sarili ko. Kilala ko naman ang sarili ko at hindi naman ako naaapektuhan kung kunwari may nakakasabay akong ibang tao na ang impression nila, parang masama na ang ugali ko tulad ng ibang roles na nagagampanan ko.

"On the other hand, mas maganda nga siya dahil ibig sabihin, effective ako. Hindi nila sinasabi na, ah, hindi bagay. Palagi naman nilang sinasabi that I did a good job."

Kung experience sa public dahil kontrabida nga ang ginagampanan niya, marami na rin daw siyang nae-encounter na iba talaga ang impression sa kanya.

"Eight years na rin ako sa business. Nagtsi-change ang impression nila sa akin tuwing may role ako.  So, alam ko na it is because of my role.  Hindi ako naba-bother. Okey lang siya sa akin.  So, very transparent nga akong tao.

"Alam ng tao kung masaya ako or kung galit ako or ayaw ko siya or gusto. So, doon na lang ako nagre-rely ng side ng personality ko na yun para sane pa rin ako at hindi masyadong jaded sa industriya."