Tuwang-tuwa si Rita Avila sa pagbabalita sa aming umani ng tagumpay sa unang gabi ng airing sa Mega Manila ang Darna, na nakakopo ng 44.1 percent sa ratings (AGB-Nielsen), matindi ang lamang sa nakalaban nitong May Bukas Pa ng ABS-CBN.
Kasama si Rita sa bagong tele-fantasya ng GMA-7 na nagtatampok kay Marian Rivera. Dito, gaya ng sa Marimar noon, siya ang gumaganap na ina ng bidang babae.
"I don't really mind, kasi, si Marian, parang anak ko na talaga. Ang trato niya sa akin, parang nanay o nakatatandang kapatid na talaga. Okey lang sa akin, kasi, wala naman akong anak sa tunay na buhay, e.
ADVISING MARIAN. "Misunderstood si Marian, kasi, iba yung pagkakakilala ko sa kanya. Medyo worried din ako kapag naba-bad press siya, and she confides about what and how she feels. In fairness, humihingi talaga siya ng advice sa akin," sabi pa ni Rita.
Sabi pa niya, ang lagi lang niyang sinasabi kay Marian, keep her feet planted on the ground.
"Huwag lalaki ang ulo, at saka laging papakinggan din yung criticisms. Kung sa tingin niya, makatutulong yun to lift her up, siya na ang bahalang mag-decide, and work on that.
"Naa-appreciate ko yung pagiging simple at totoo ni Marian," nasabi na lang ni Rita.
WANTS VARIETY. Nag-e-enjoy si Rita sa opportunities na ibinibigay ng Siete sa kanya. In fact, hindi siya nawawalan ng trabaho.
"Kaya lang, kung pamimillin ako, gusto ko talaga yung character roles na iba-iba naman. Napapansin ko kasing puro mababait na nanay ang role ko.
"I don't mind playing mother roles, pero, sana, yung naiiba-iba. Na-excite ako noon sa Luna Mystika 'cause I thought, magko-costume ako roon, magkakaroon ng ibang character.
"Hindi ko lang alam dito sa Darna, kasi, ang alam ko, after three weeks, babalik ang character ko rito, at ewan lang kung mag-e-evolve. Yun kasi ang sinasabi nila, kaya tingnan na lang natin.
"But, really, nag-e-enjoy ako sa set. Medyo malayo nga lang ang tapings palagi, sa Bulacan, and there was a time, walang nakukunang mga eksena dahil nag-uuulan.
"Nagkakaroon ng delays, pero everybody is patient. Kasi, gusto ng lahat yung ginagawa namin," nasabi pa ni Rita.
A KC FAN. Naikuwento pa ni Rita na naging instant fan naman siya ni KC Concepcion. Naisipan lang ni Rita na bigyan ng kopya si KC ng kanyang book titled 8 Ways to Comfort with Grace. Magiging available na ang hardbound copies sa bookstores.
"Natuwa lang kasi ako kay KC, pero, hindi ko ini-expect na magre-respond siya sa gesture ko. Ang ginawa ni KC, nagpadala ng note sa akin with matching bouquet of flowers.





congrats sa darna!
pati mga bata magagaling.
congrats darna cast lalo na kay MARIAN!
-----------------------------
napansin ko ang gumaganap ng batang valentina - siya ang magaling na artista. marami ang mga batang artista sa parehong networks pero itong batang ito na yata ako napahanga.
pati mga bata magagaling.
congrats darna cast lalo na kay MARIAN!
nwawala ang worries ko tuloy sa future...
In fairness mgnda nga yun Darna.C Iwa Moto ang tapang ha,hinawakan b nman yun cobra as in totoong cobra yun hawak nya.C Janice magaling pa din umarte.Mejo nandidiri lng aq sa mga scenes na may ahas,yoko kse tlga ng ahas lalo na pag gumagapang sa lupa tapos itim pa yun kulay..yikes!
in fairness , marunong mamili ng iidolohin si Ms. Rita...
congrats kay MR and KC
Maraming bata s ampunan na kailangan ng magulang...I bet kapg nagbigay ka ng love s iba babalik ng triple sayo yun....Look at juday meron cyan adopted child look at her now she's really happy...........
ang galing nilang lahat...grabe!
Dont give up Ms. Rita.
eversince like naman kita ms. Rita lalong lalo naman ngayon na like mo ang idol ko. Bait talaga ni PRincess KC marunong makisama kahit laking yaman.
Wish ko magkaroon ka narin ng anak na katulad ni KC at Marian. parihong maganda, simple at down to earth