Makalipas ang ilang minuto matapos ma-interview ng Startalk hosts, live, ang talent manager na si Annabelle Rama hinggil sa dismissal ng "grave oral defamation" case nito laban sa GMA-7 SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, marami ang tumawag sa show at nag-react, ayon kay co-host Joey de Leon.
Sa pamamagitan ng telepono, kinapanayam ni Joey si Galvante—na kilala sa industriya bilang Ma'am Wilma—upang kunin ang reaksiyon niya sa isang tanong ng marami: bakit pinahihintulutan ng lady executive pagsalitaan siya nang ganun ni Annabelle? (Click here to read related story.)
"SHE DIDN'T SAY ANYTHING NEW." "So, marami palang tumatawag diyan ngayon, nagtatanong kung bakit natin pinapayagan 'yan?" sabi ng TV executive. "Sa totoo, Joey, wala naman tayong dapat itago, di ba? Wala tayong itinatago and very fair, we give her the airtime she requests for. What she does on that time, what she says on the air, is her own responsibility.
"So, sasabihin naman kasi niya, kapag hindi natin pinayagan, hinaharang natin siya. O, di 'yan, let her speak and let the viewers judge for themselves. And besides, she didn't say anything new, di ba? 'Yang mga lahat ng accusations, lahat ng inulit diyan sa programa, 'yan ang mga accusations niya na nasa kasong isinampa niya na na-dismiss, di ba? So, na-dismiss yun for lack of probable cause, for lack of merit. Yun na lang. Ako, nandoon ako, yun ang rerespetuhin ko kasi that's the higher body.
"What I did was precisely to take it to higher ground, to higher level. So, kung yun na ang nag-decide, mga hukom na yun, di ba, mga prosecutors? Kung yun ang kanilang sinabi, yun ang kanilang desisyon pagkatapos nilang basahin ang affidavit niya, yung sinagot niya, yung sinagot ko at yung sinagot niya ulit, tapos lack of merit—ang sa akin, yun ang mahalaga. Kahit ano pa ang sabihin niya, kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, ang importante, kung ano yung desisyon ng korte.
"Kasi, sinumpa naman niyan 'yan, na sisira-siraan niya ako. So, I can't help that. That's her, that's not me. So, respetuhin na lang natin yung nasa korte," malumanay na pahayag ni Ms. Galvante.
"SHE CAN SAY WHAT SHE WANTS TO SAY." Tinanong din ni Joey kung ano ang masasabi ng SVP for Entertainment TV ng Kapuso network sa sinabi ni Annabelle—na kilala naman sa industriya bilang Tita Annabelle—na siya raw ang dahilan kung bakit apektado pati mga shows ng GMA-7.
Natawa muna si Ms. Galvante bago sumagot. Aniya, "Alam mo, Joey, let the ratings speak for itself. Ako, trabaho... Alam mo, ito ang maganda. I filed the case in court, tapos nag-countersuit nga siya ng ganyan. When I filed it, I was okay, tapos na ako, iba na. Ibang korte na ang magtatrabaho diyan, yung abogado ko na ang magtatrabaho diyan. At nakikita mo naman that truth will come out in the end.
"So, let us not be harangued, let us not be overbothered by pronouncements of people, including Annabelle. Kasi, siya yun, e. Kanya yun. She can say what she wants to say anywhere, anytime. That's her."
Patuloy ni Ms. Galvante, "Yung ratings, kita n'yo naman, ang ganda. Ang Darna, saan ka makakakita ng rating na 46.7 [percent], di ba? So, we're delivering the programs to our viewers. We are doing good programs. Lahat, pati ang mga programang nakalaan para kay Richard [Gutierrez, anak ni Annabelle], pinaplano na 'yan ngayon pa lang.
"So, kahit ano pang sabihin niya [Annabelle], alam ng lahat ng artista natin, mga talents natin how we work for them, how we produce our programs for them, how we work for the network. And the bottom line is always how to please our viewers. Yun lang, trabaho lang."
"I KNOW THAT WHAT I'M DOING IS RIGHT." Sa huli, tinanong ni Joey si Ms. Galvante kung may nais pa itong ipahayag o sabihin sa mga Kapuso at kay Ms. Rama na rin.
"Sa kanya, wala akong kailangan sabihin," sagot ng TV executive. "Yung kailangang gawin ko, dahil sa mga ginawa niya, nagawa ko na. So, umaandar nga 'yon. Kung may mga reactions siya, kanya 'yan. Ako, I'm okay. I'm fine. I know that what I'm doing is right. So, yun na yun. Labas na yun diyan sa trabaho.
"Tapos, masaya naman ako. Masaya lahat. Even the entire GMA, lahat ng mga Kapuso dahil ang ganda ng mga shows natin, lahat! For all the talents, we will only produce superior programs."
MS. GALVANTES'S LEGAL COUNSEL. Bago naman ang live interview ni Ms. Rama sa Startalk ay ipinalabas ang taped interview ng legal counsel ni Ms. Galvante na si Atty. Alfred Villamor.





If hindi totoo..
Gosh, Anabelle, UR SICK!
totoo nga yong saying quot; ang basura balutin mo man ng ginto basura pa rinquot;...mahirap talaga yong galing sa wala at biglang yaman coz super bagyo ang tama sa ulo.
tingnan mo yong mga tunay na mayayaman humble at simple pa rin....at mahinahon mg salita.
That's according to my Visayan friends. I believe them dahil malalambing at level-headed ang mga kaibigan kong Bisaya at hindi mga mal-edukada at butangerang gaya ni Rama.
In other words, ikinahihiya ng mga Visayan friends ko si toxic Rama.
That's according to my Visayan friends. I believe them dahil malalambing at level-headed ang mga kaibigan kong Bisaya at hindi mga mal-edukada at butangerang gaya ni Rama.
In other words, ikinahihiya ng mga Visayan friends ko si toxic Rama.
Buti sana kung ang complain or case eh isinampa ni Wilma sa GMA management, doon magkakaroon ng conflict of interest because Wilma is a GMA executive and the toxic woman somehow is also connected with GMA. Bobita!
So pag si Charo pala ang nagdemanda ng manager ng artista sa DOS dapat magresign din siya? Bobita talaga si Rama.
Palibasa bobita at bunganga ang pinatatakbo hindi ang bulok na utak.