Dennis Trillo will find true happiness at the age of 30, says tarot reader

Nora Calderon
Monday, August 17, 2009 @ 03:43PM  |  13385 views

 

"Dati, hindi ako naniniwala sa hula, pero ngayon naniniwala na ako. Nagulat ako na lumabas na lahat bago pa man ako mag-artista hanggang sa ngayon. Shocked pa rin ako kung paano niya nalaman lahat, pero masaya akong aalis ngayon dito. Gagawin ko po itong guide sa buhay ko," says Dennis Trillo.

Photo By: Jocelyn Dimaculangan













Isang mini-presscon ang ipinatawag ng Regal Entertainment para kay Dennis Trillo kaugnay ng horror movie nila ni Marian Rivera na Tarot, kaninang tanghali, August 17, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites, sa Tomas Morato, Quezon City.

Inuna muna ni Dennis ang mini-presscon ng Tarot bago siya pumunta sa taping ng primetime series niya sa GMA-7 na Adik Sa 'Yo, na dun lang din sa Tomas Morato ang location.

HORROR KING? "Horror King" na ang tawag kay Dennis ngayon dahil pang-limang horror movie na pala niya ang Tarot. Nauna na rito ang Pamahiin, Text, Shake, Rattle & Roll IX, at Matakot Ka Sa...Kulam."

Hindi kaya ma-typecast na siya sa horror films?

"Hindi naman po!" natatawang sagot ni Dennis. "Nakagawa po ako this year ng Astig. At ang last movie ko this year, Mano Po 6: My Mother." Ang dalawang nabanggit na pelikula ay parehong drama.

Naikuwento ni Dennis na natapos nila ang shooting ng Tarot na wala naman siyang na-experience na hindi maganda, dahil siguro takot daw siya sa multo.

Takot din daw ang matinee idol sa ahas. Pero minsang naglalakad daw siya dala ang kamera niya sa location nila sa Tungko, San Juan del Monte, Bulacan—dahil may sinusundan siyang magandang paru-paro na may kulay na pula, dilaw, at itim—may gumalaw daw sa mga dahon doon, at isang Philippine cobra ang lumabas. Nakunan daw ni Dennis 'yon dahil malayu-layo naman sa kanya ito at naka-zoom ang kanyang camera.  Mahilig daw kasi sa macro photography ang aktor.

Gumawa rin daw ang direktor ng Tarot na si Jun Lana ng ibang set of tarot cards para hindi sila maka-attract ng negative force. 

TAROT READING. Speaking of tarot cards, si Dennis ba ay sinubukan nang magpahula sa pamamagitan ng tarot cards?

"Hindi po," sagot niya. "Ayaw ko kasing magpahula dahil ayaw kong pangunahan kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Ayaw kong i-depend sa hula ang buhay ko dahil, at the end of the day, ikaw pa rin ang gagawa ng buhay mo."

Pero pinagpawisan si Dennis nang sabihing nandoon ang tarot reader na si Arlene Oliveros at huhulaan siya. Nagkatawanan ang entertainment press nang mag-alis ng suot na jacket si Dennis, lalo na nang sabihin ni Arlene na guide lang naman ang ihuhula niyang past, present, at future ng aktor. Kung anuman daw ang lumabas sa hula ay magdasal na lang si Dennis.

"Gaano po ba ka-accurate ang hula sa tarot cards?" tanong pa ni Dennis. Pero sabi ni Arlene, aalamin muna niya kung ano ang mababasa niya sa cards, saka magtatanong si Dennis.

Pitong beses hinulaan si Dennis.

Three cards (family) - "Sa family, love na love ka niya, pero kailangan niya ang prayers dahil stressed pa rin siya. Naka-survive na siya, pero huwag mong ipakitang stressed ka pa rin." (Ang tinutukoy rito ay ang mommy ni Dennis na katatapos lamang ng open-heart operation, pero okay na ito ngayon.)

Four cards (lovelife) - "Minahal mo siya dati, sobrang nasaktan. Naka-move on na siya, tanggap na niya, pero hindi ka pa niya makalimutan. Puwede pa siyang pumasok, pero ikaw na ang dapat mag-control dahil good karma ka naman." (Si Cristine Reyes naman ang tinutukoy rito.)

1  2  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name