Joseph Bitangcol renews bond with ex-girlfriend Sandara Park on her recent visit

Rommel Placente
Wednesday, August 19, 2009 @ 02:18PM  |  34399 views

 

"Three years din kami at may pinagsamahan. Masaya ako na reunion yun ng SCQ. Pero siyempre, mas masaya na nakita ko ulit si Sandy, na ang tagal kong hindi nakita dahil sa Korean na siya naka-base," says Joseph Bitangcol about his recent meeting with ex-girlfriend Sandara Park.

Photo By: Noel Orsal













Kamakailan ay dumating sa Pilipinas si Sandara Park, ang tinaguriang "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" noong kasikatan niya matapos maging first-runner up sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest (SCQ). Bumisita siya rito para muling makita ang mga naging kaibigan niya noong nandito pa siya at nag-aartista.

Ngayon ay unti-unti nang sumisikat si Sandara sa kanyang sariling bansa, ang South Korea. Kilala na siya bilang Dara sa all-female group na 2NE1.

Bago umalis ng bansa si Sandara ay naging malaking isyu ang breakup nila ng boyfriend niyang si Joseph Bitangcol, na ka-batch ni Sandara sa SCQ, kung saan si Hero Angeles ang itinanghal na Grand Questor.

SCQ REUNION. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joseph noong August 17 nang maging bisita siya sa birthday party ng movie writer at presidente ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na si Roldan Castro.

Ikinuwento ni Joseph sa PEP ang nangyari nang magkita sila ni Sandara sa reunion ng Star Circle Quest Batch 1, kung saan naroon din ang iba pa nilang mga kasamahan gaya nina Michellle Madrigal, Errol Abalayan, Raphael Martinez, at Neri Naig. Bagama't wala raw sina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, at Melissa Ricks ay nagkita na rin naman daw sila bago ang reunion.

"Nung dumating talaga ako sa venue ng pagkikita namin, na-excite ako kasi, siyempre, long time no see," umpisa ni Joseph. "Gusto ko kaagad siyang [Sandara] makausap para i-congratulate. Nung nagkita kami, medyo nagkahiyaan pa, pero okay naman. Siya din, nahihiya.

"Hindi ko naman siya kaagad makausap nang bigla-bigla kasi konting usap namin, tinutukso na kami ng mga kaibigan namin. Bulungan na, binibiro na kami ng lahat. Tapos, ako na yung nag-umpisa. Kinumusta ko lahat, pati yung family niya at yung grupo niya ngayon kung mababait ba sa kanya. Siyempre, hindi maiiwasan sa grupo yung may inggitan.

"Nung medyo tumagal, okay na, nakapag-bonding na nang konti. Kinabukasan, balak pa sana naming lumabas, pero hindi na kaya ng schedule niya kasi kailangan na siyang bumalik sa Korea."

Isa sa taong inabangan sa reunion na yun ng SCQ ay ang pagdating ni Hero Angeles, ang unang ka-loveteam ni Sandara. Bakit wala ito? May kinalaman kaya si Joseph?

"May taping yata siya sa Tagaytay, so hindi umubra," banggit ni Joseph. "Alam ko nag-try naman na ma-contact siya. Okey lang din naman kung nandun si Hero. Matagal naman nang isyu yung tungkol sa aming tatlo. Iba-iba na rin yung buhay namin. Hindi dapat mailang kung nandun man siya, kasi nagkita na rin naman kami few times ni Hero sa GMA at nagti-text pa rin naman kami at nagkakamustahan."

THE NEW SANDARA. Inamin ni Joseph na noong nakita niya ang ex-girlfriend ay may kilig pa rin siyang naramdaman, na dinagdagan pa ng tuksuhan ng mga dating kasama nila sa SCQ.

"Three years din kami at may pinagsamahan," sabi ng young actor. "Masaya ako na reunion yun ng SCQ. Pero siyempre, mas masaya na nakita ko ulit si Sandy, na ang tagal kong hindi nakita dahil sa Korean na siya naka-base."

Kuwento pa ni Joseph, nang huli silang magkita ni Sandara sa pagdalaw ng huli sa Pilipinas noong nakaraang taon ay wala pa raw nangyayari sa career nito sa Korea. Under workshop pa raw ito nang mga panahong yun.

"Yun yung huling balita ko sa kanya, tapos nawalan na kami nang communication. Kaya nga nagulat ako na may narating na pala yung paghihintay niya."

Ano ang nabago sa hitsura ni Sandy?

1  2  Next »

Related Articles

43 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name