"Marami, from head to foot talaga," sagot ni Joseph. "Buhok, ulo, makeup, yung dating niya, at tindig, iba na. Ang laki ng binago, fashionista talaga ang dating niya. Ang laki ng ginaling niya sa pagsasayaw. Biniro ko nga siya na puwede na siyang sumabay sa amin sa paghi-hip-hop, tawa lang siya nang tawa.
"Nung una, lahat ng mga balita, nanggagaling sa friends ko o sa TV. Tapos, sinearch ko sa YouTube. Napanood ko pa yung kinanta n'ya, yung 'In Or Out' [single ni Sandara] sa isa sa mga guestings niya."
BABALIK KA RIN... Proud daw si Joseph na kahit na nilisan na ni Sandara ang Pinas at pinili nang magkaroon ng career sa Korea ay bumabalik-balik pa rin ito sa Pilipinas.
"Yun nga ang nakakatuwa. Kasi kahit sikat na siya, hindi niya tayo nakakalimutan. Binigyan siya ng three-days vacation. Puwede naman sa ibang bansa na walang kamera, Pilipinas pa rin ang pinili niya. Proud talaga ako sa kanya at fan na nga niya ako," saad niya.
Aware ba si Sandara sa pagpapaseksi niya at kissing scene kay Polo Ravales sa pelikulang Walang Kawala?
"Hindi ko alam kung alam na niya, pero nahihiya ako siyempreng i-open," sabi ni Joseph. "Masyadong maiksi rin yung time. Puwedeng alam na niya, puwedeng hindi niya inalam."
Magandang alaala raw ang iniwang pabaon ni Sandara sa mga kaibigan nito sa SCQ, lalo na kay Joseph. Hindi pa rin daw nagbabago ang Koreana na kahit sumikat ay nanatiling totoo.
Bilang panghuli ay tinanong ng PEP si Joseph kung naroon pa ang feelings niya para kay Sandara. May posibilidad kaya na magkabalikan sila?
"Sa estado ng career niya ngayon, medyo malabo," aniya. "Pero hindi ko isinasara yung possibility. Nandun pa rin yung feelings. Iba talaga kapag nakikita mo yung tao. Bumabalik kung ano man yung naramdaman mo sa kanya ngayon. Sa ngayon, ang importante, okay siya at ako, okay rin naman sa career. Ang importante, okey siya dun, okey ako dito. Kung kami, panahon na lang makakapagsabi."
Dagdag niya, "Bumalik na rin ako sa ABS, kasama ako sa Tiagong Akyat at ibang shows pa."






pabook ka na lang kuya kaysa manggamit ka.
kapal ng mukha mo!! userr!!
deny to death na nga si sandy sau, pinagpipilitan mo pa rin sarili mo! if i were you, bumalik ka na lang sa paggawa ng porno movies ok?!? eewww!
2ne1 jjang!
but YoungBae is for me. belat! eheh
hayy... pero dinenay na siya ni dara sa korea, sabi nya hindi daw naging sila ni joseph dahil loveteam lang daw sila.
whatever..who cares about herosan or josephsan
Daragon! or TOPDara!
Go 2ne1!
daming mas bagay kay Dara dun sa korea!
WooDara, Daragon, Topdara
pili na!