Last Friday, August 14, sumalang na sa kanyang unang operasyon ang dating singer na si Selina Sevilla upang tanggalin ang silicon oil gel na itinurok sa kanyang puwet. Si Dr. Manny Calayan mismo at ang medical team ng Calayan Surgicenter ang nagsagawa ng operasyon sa singer na nagpasikat ng kantang "Nilunok Ko ang Lahat."
Nabulok kasi ito at naapektuhan ang kanyang kalamnan. Taong 1998 nang magpalagay ng silicon oil gel si Selina, lumabas ang masamang epekto nito sa katawan ng sexy singer noong 2005 lang. Dito na nagsimula ang kalbaryo ni Selina. Nabawasan ang kanyang trabaho at hirap na siyang kumilos dahil sa sakit na nararamdaman.
Kahapon, August 18, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang text message.ang kalagayan ni Selina matapos ang kanyang operasyon
"'Eto, natanggal na kahapon [Aug. 17] ang mga tubo," sagot niya, "kaya kahit papaano nakakalakad na ako, kahit penguin walk! At napakaganda ng mga pinaiinom sa akin ni Dr. Calayan. Nasa house na po ako. Malakas-lakas na. Seventeen stitches per butt [cheek] ang tahi ko, pero hindi naman masyadong Frankenstein. Na-save kahit papaano ang skin."
Dagdag niya, "Halos tatlong oras nila akong inoperahan, nilinis na mabuti at iningatan ang necrotic tissues at skin ko. Nakakahiya kay Doc. Nahirapan sila."
Lumapit si Selina kay Dr. Calayan dahil aminado siya na wala siyang malaking halaga para sa kinakailangang operasyon sa kanya. Laking pasasalamat niya nang hindi siya tanggihan ng cosmetic surgeon. (Click here to read related story.)
Bago operahan si Selina ay nakausap pa namin siya. Nabanggit niya na kapag tinanggal ang silicon oil gel sa kanyang laman, magkakaroon ito ng mga uka. Kailangan daw itong muling tapalan ng silicon implants. Pero this time, pag-iisipan daw muna nang mabuti ng sexy singer ang anumang ilalagay sa kanyang katawan.
"Sa hirap at sakit na dinanas ko, pag-iisipan ko muna. 'Katakot na! Pagawa man ako, dapat yung safe na," aniya.
Series of operations ang gagawin kay Selina para totally ay matanggal lahat ng silicon oil gel sa katawan niya. Kailan ang susunod na operasyon sa kanya?
"Depende sa healing ng first operation," sagot niya. "Naku, sana wala na po at napakasakit ng proseso. At sana talagang mag-heal ang skin at 'wag mag-brittle ang tahi para 'wag na ulitin. Aray ko po! Parang penitensya uli!"
Patuloy niya, "Mabuti nga sa upper part yung incision at tahi, kasi ngayon, nakakaupo na ako at nakaka-CR na."
Tuloy pa rin ba ang pagsasampa niya ng kaso laban sa doktor na gumawa nito sa kanya?
"Yes, lalaban po ako. 'Yan din ang gusto ng NBI [National Bureau of Investigation]," sagot ni Selina.





IT IS NOT WORTH IT!
no one has everything, and will not have everything. pag-aralan nyo ang self-esteem and have more self-confidence, kung wala kang IT, kahit ano pang e-pa retoke mo, bale wala.
stay active, eat healthy foods, be natural and be God fearing, wag masyadong vain...it's too much pain!
Pero ang hirap kaya kung meron stitches dun, di mk upo kc ma stretch ang skin..awry. Kaya tayo dapat ma kontento sa combi ni mom en dad... yan ang pinaka perfect na hulog ng langit :
kung ano ginawa nang doktor sa pisngi niya
at kung saan kinuha ang extra skin..
eh di naghanap ka sana sa katawan mo where may extra skin
yun sana yun..exacto..
pinangtapal o pinangdagdag sa
what a bounty butt....
sana all naturelle...
looking nice...
naku kaya takot na takot ako sa mga ganyan..
padagdag ng qng ano2,
buti nlng biniyayaan aq ni lord ng watta butt..hehehe
pr0 super cute na hinaharap hahaha..
ibang klase ang heading nito
as in but the butt...
buti na lang wala akong pera kung hindi naku malamang may silicone implant na din ako sa dibdib..joke...
nakita ko nga yung puwet nia sa tv one time..my gas..sobrang pangit..im sure, before nia pinagawa yun, maganda pa yun..forever nang scarred ang puwet nia nian..but anyway, maganda pa rin naman sia..
lesson for her and for vain girls around..
By Marvin Sy The Philippine Star Updated August 19, 2009 12:00 AM
MANILA, Philippines - Malacaņang admitted yesterday that the Office of the President had exceeded its budget allocation for travel expenses by over P1 billion from 2001 to 2009 but insisted that there was nothing wrong with it.