"Ang hirap magsalita nang tapos. Ayoko naman na ang tanda-tanda ko na wala pa din akong asawa, na wala pa akong anak, na baka 40 na ako, wala pa din akong pamilya. Huwag naman sanang ganun," says Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

Isa sa mga nakakapagpa-excite kay Marian Rivera ay ang muli nilang pagkikita ng kanyang ama na si Francisco Javier Gracia Alonso, isang Español na nakatira sa Spain. Ayon kay Marian, either siya ang pupunta sa Spain o ang ama niya ang dumating sa Pilipinas for a vacation.

"Yun talaga ang balak ko after ng Darna. Kahit ano ang mangyari, magkikita kami, hindi puwedeng hindi," sabi ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dahil dito, hindi naiwasang itanong kay Marian kung may chance ba na someday ay maisipan niyang sa Spain na manirahan kapag may sarili na siyang pamilya?

"Parang hindi ko yata kayang tumira sa ibang bansa," sagot niya. "Mas pipiliin ko pa din dito sa Pilipinas, mas masaya dito. Mahirap pa ring magsalita ng tapos, pero kung ako yung papipiliin, dito pa din ako."

Naitanong din kay Marian, kung totoong siya si Darna, saan siya unang-unang lilipad?

"Sa Spain," sagot niya agad.

MARRYING AGE. Speaking of pag-aasawa, ano ba ang right age para kay Marian para mag-asawa?

"Huwag lang 30... Mga 28-29. Ang OA kasi kapag 30 na. Twenty-five na ako, so three years na lang!" tawa niya.

Pero ani Marian, "Ang hirap magsalita nang tapos. Ayoko naman na ang tanda-tanda ko na wala pa din akong asawa, na wala pa akong anak, na baka 40 na ako, wala pa din akong pamilya. Huwag naman sanang ganun."

What if next year, at 26, maisipan na niyang mag-asawa?

"Huwag naman yung 26, sobrang aga naman nun, na next year agad? Huwag naman! Madami pa akong gustong i-invest at marami pa akong gustong bilhin," aniya.

What if 30 na siya at bonggang-bongga pa rin ang career niya, willing ba siyang ipagpalit ang career sa pag-aasawa?

"Mahirap, e, mahirap magsalita kung wala pa at hindi pa siya nangyayari. Ayokong pangunahan yung mga bagay-bagay. Basta ngayon, happy talaga ako sa lahat ng nangyayari."

Willing ba siyang isakripisyo ang lahat for love?

"Malay natin, tingnan natin," maikli niyang tugon.