Sa halip na masayang bakasyon, isang malagim na trahedya ang naranasan ng aktor na si Dennis Trillo at ng ilan niyang mga kasama nang masawi ang kanyang kaibigan na si Jollybee "JB" Borbajo kaninang bandang tanghali, September 9, sa Boracay.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo kaninang bandang alas-sais ng gabi ay ikinuwento nito ang pangyayari, ayon na rin sa lahad sa kanya ng aktor.
Nasa Boracay raw si Dennis sa dalawang dahilan—officially and unofficially.
"Una kasi, matagal na niyang gustong magpunta ng Boracay because he has never been in Boracay. He was there for a while, dumaan lang for Extra Challenge years ago. Pero he always wanted to go to Boracay. Ngayon, he found a chance kasi tapos na ang Adik Sa 'Yo.
"There was an event for Discovery Shores in Boracay that invited Dennis. So, parang he found it an opportunity para i-segue na 'yon into his vacation na matagal na niyang gustong gawin. So I allowed him. Sabi ko sa kanya, since he wants to go into a vacation, hindi na lang ako ang sasama sa kanya. Kasi, I usually accompany him sa mga out-of-town shows niya. Sabi ko, 'Since gusto mo ng break mula sa trabaho and all, I think you should bring someone na kaibigan mo o ano, di ba?'" kuwento ni Popoy.
Ang isinama raw ni Dennis ay ang kaibigan niyang si JB, ang road manager ng singer na si Gian Magdangal. Hanggang tatlong araw lang daw ang inilaang bakasyon ng kanyang talent at ng kasama nito.
"They went there yesterday morning, September 8," sabi ni Popoy. "Dennis did the event for Discovery Shores and after that, bakasyon na. They had fun, they went swimming and all."
THE INCIDENT. Patuloy ni Popoy, after lunch kanina ay nag-swimming ulit sina Dennis at JB sa may Station I. Kasama nila ang young actress at anak ni Mark Gil na si Maxine Eigenmann, na nandun din para sa event ng Discovery Shores.
"Apparently, malakas daw yung alon, yung mga waves. They were on this area na maraming bato, matatalim daw na bato. Tinanong ko naman siya [Dennis] kung umuulan, hindi naman daw.
"Tapos, parang si JB, nag-dive. He jumped from the rock, then when he was about get up again to the rock formation, may malakas daw na alon na humampas sa kanya. So, humampas siya sa mga bato. He asked for help, so Dennis dove in, he tried to save JB. Nahawakan naman daw niya. But then nahampas silang pareho dun sa mga batuhan at nagkahiwalay sila."
Sa lakas daw ng pagkahampas ng alon, tumama sila sa mabatong bahagi ng dagat. Nagkasugat at nagkapasa sa maraming bahagi ng kanyang katawan si Dennis, gayundin si Maxine. Samantalang tumama naman sa bato ang ulo ng kaibigan nitong si JB na siyang dahilan ng pagkamatay nito.
Sinubukan daw i-revive ni Dennis at ng kanyang mga kasama si JB, pero sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito, binawian na ito ng buhay.
Agad naman daw dinala sa pinakamalapit na pagamutan sina Dennis at ang mga kasama nito para mabigyan ng lunas ang tinamo nilang mga sugat at pasa sa katawan.
Nang makausap ng PEP si Popoy ay sinabi nitong kaka-discharge lang ng aktor. Dalawang beses na raw silang nagkausap magmula nang mangyari ang aksidente.
Kinumusta namin kay Popoy ang kalagayan ni Dennis.





A bitter lesson learned. That is why this is so called low peak season because of the bad weather condition prevailing always . People are enticed to travel due to low /budget in transport and accommodation.
my condolences also to the super ferry victims specially those who died.
also, to the kapuso fans, thank you guys for expressing your sympathies also both to this boracay and super ferry tragedies.
God bless us all! may God continue to give graces to dennis, JBs family and maxine and the victims of the super ferry tragedy so that they can all rise up above these challenges in their lives.
kung ang super ferry tragedy ay kasalanan ng star cinema
eh ang aksidenteng ito, kaninong kasalanan??
bumabalik lang sa inyo ang mga pinagsasabi nyu!
kung sa isang sugat lang sa body ko ay nasasaktan na ako. what more kung tadtad ng sugat ang katawan katulad ng nangyari kay dennis. sobrang hapdi and kirot ang nararamdaman niya.
sobrang kapit niya siguro sa bato and hanging on for his dear life. it is such a harrowing near death experience for dennis.
syempre sobrang nakakalungkot ang pagpanaw ni JB. it was so unexpected and for sure his family was shocked and very much unprepared which can make his loss so much more difficult to accept.
Next time hwag nang mag diving kung may alon.
Dennis, konting ingat na lang sa susunod..
To Dennis, di mo hawak ang destiny ng isang tao. God has great plans kung bakit ginawa nya ito. It might be an eye opener to all na it's dangerous to swim near the rocks. It's so sad this happens. Dennis you must be thankful, your still alive. :
benjie_m00re
September 10, 2009
10:11 AM 91
forevernice
AGAIN, nagkakamali ka dahil hindi ako nag-post sa article dun! At kung sakaling alam ko na may kapuso na ganun din ka-insensitibo eh tyak na magsasalita din ako tulad ng ginagawa ko ngayon!
========
Meaning hindi ka nagbasa about super ferry tragedy? Kasi parang in denial kang may kapuso nga na instead na makidalamhati ay sinisi pa ang Star Cinema or Si Aling Dionisia. Sorry kung hindi mo alam na marami sila.
sbihin m0 yan sa mga kapus0 fans na
pairaLin niLa ang pgi2ng ta0 niLa.....
hope ok si dennis.. emotionally .masakit nangyari...
hope ok si dennis.. emotionally .masakit nangyari...
hope ok si dennis.. emotionally .masakit nangyari...
hope ok si dennis.. emotionally .masakit nangyari...
kung makiki simpatya na.. wag nang umepal..!
also, sana naman meron respecto for victims of tragedies whether kapamilya or kapuso ka. isantabi ang mga network wars na yan please please please!!
HUWAG MAPAGHIGANTI KASI MERON KARMA YAN. LALONG MERON KARMA SA MGA WALANG RESPETO SA MGA MATINDING PAGHIHIRAP NA DINADAANAN NG MGA VICTIMS OF TRAGEDIES.