Natutuwa ang actress-TV host-singer na si Toni Gonzaga sa magandang feedback ng afternoon series nila ni Derek Ramsay sa ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin.
"Siyempre, I'm really thankful and I also give credit to our director, Direk Wenn Deramas, because he was able to pull it out or pull it off sa amin ni Derek, yung mga ganoong kilig na eksena. So, it's a team effort," pahayag ni Toni nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang afternoon soap kahapon, September 9.
Sa naturang serye ay gumaganap bilang katulong si Toni, at si Derek naman ang amo niya. May halong comedy at romance ang timpla ng kuwento ng Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin kaya masaya raw sila sa set.
"Okey naman kami, masayang-masaya. Nagpasabi nga siya [Derek] na hindi siya makakarating ngayon dahil may commitment, may shooting. But it's always a pleasure working with Derek, kasi napakabait, napaka-down to earth at mahusay na actor."
Kung madalas na mapanood si Toni sa mga temang light romance and comedy sa movies, iba raw ang character niya rito sa Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin.
"I think konting-konti lang ang pagkakaparehas ng mga role na ginagampanan ko. Kaya siya naiba is because si Direk Wenn is known as comedy director talaga. So, dito siguro sa seryeng ito, mas nag-full blast kami sa comedy. Mas nag-concentrate talaga sa pagpapatawa."
SUPERFERRY 9 TRAGEDY. Si Direk Wenn din ang direktor ng kasalukuyang Star Cinema movie na ginagawa ni Toni ngayon, Ang Tanging Pamilya, which also stars Joseph "Erap" Estrada and Ai-Ai delas Alas.
Pero dahil nga sa paglubog ng SuperFerry 9, lulan ang equipment ng Star Cinema, na nagkakahalaga ng ilang milyon, at ikinasawi ng isang crew na si Ronnie Estrada, stop shooting muna raw sila ngayon.
"Actually, we're supposed to shoot last Monday, but because of what happened, siyempre, respeto sa crew namin. Pagpapahingahin muna namin sila and also, we're also mourning dahil sa pagkawala ng isa naming crew. So, yun, bibigyan muna namin ng panahon para mag-mourn at para sa pamilya rin nila."
Tingin naman ni Toni, hindi naman magiging dahilan yun para ma-delay ang showing ng movie nila. Ang mangyayari lang daw, malamang na mas maging doble ang shooting days nila. Pero may nag-inform sa kanya na mamu-move na raw on a later date ang showing ng pelikula nila.
How does she feel na halos positive lahat ng experiences niya shooting the movie, pero heto't may ganoong trahedya ngang naganap?
"Nakakalungkot. Siyempre, bilang isang artista, siyempre nakikita mo sila, na sila ang mas hirap at pagod sa mga shooting namin. So, nakakalungkot talaga na maisip mo na sila pa ang nagdanas ng ganoon. We just feel for them and we're always hoping for the best and praying na sana, maka-move on tayong lahat sa mga nangyari, and may this serve as a lesson," saad ni Toni.
Personally, may memories pa nga raw siya ni "Kulot," ang tawag kay Ronnie, dahil ito raw ang cameraman for E-Live nang interbyuhin ni Toni si Mommy Dionisia Pacquiao.
Paano niya nalaman ang trahedya?
"We were doing ASAP that day, then all of a sudden, may lumapit sa akin from ABS na, 'Did you hear what happened to the crew?' Siyempre, kapag ASAP, hindi mo naman alam ang mga nangyayari, sunud-sunod ang productions at spiels, hindi pa talaga nagsi-sink in.






Sana magka-movie silang dalawa. We'll definitely watch it.
Bagay saiyo bilang leading lady with Robin Padilla...hope u make movie with him. goodluck
greglocs -- I saw that episode in ELIVe.. Toni was caught unprepared.. oo nga naman.. well-rounded si Toni.
ano ba yung show ni Toni, ginaya ba ng ABS CBN ang Chacha Muchacha? ---- ano to??? Sang planeta to palabas?
quot;HELLO PHILIPPINES AND HELLO WORLD!quot; ni toni.. hehehe miss ko na yan....
miss ko na din yun seryoso nyang muka pag eviction night.... galing galing ni toni! hehehehe
Regardless, I think everyone is surprised with the super duper good chemistry of Toni and Derek. Ito ang team-up na WALA MAN LANG BUILD UP na ginawa, pero mas nakakakilig pa kaysa doon sa mga nagkukunwaring nagliligawan.
They should do a primetime teleserye together. This is really a REVELATION ! The Derek-Toni team-up is so good, they should be in primetime !