Certified box-office success ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) ni Eugene Domingo. May unconfirmed report na kumita na ito ng P65 million, making the comedienne this year's Comedy Box Office Queen. Nang makausap si Eugene sa radio program na Wow! Ang Showbiz!sa DWIZ kahapon, September 11, at nabanggit sa kanya ang kinita ng pelikula, biro niya agad, "Ngayon ba 'yan? Naku, didiretso na ako kay Piolo [Pascual]! Hihingi na ako ng bonus."
Naibalita naman ni Eugene na patuloy na dinadagsa ang pelikula sa kabila ng masungit na panahon. "This week, kasing tindi ng first weekend namin, despite and in spite of this weather na inuulan tayo ngayon, e," aniya.
Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni "Kimmy/Dora" sa lahat nang tumangkilik ng kanyang launching movie. "Tuwang-tuwa po ang buong Spring Films, of course, headed by Mr. Piolo Pascual and Bb. Joyce Bernal sa napakainit na pagtanggap ng tao sa aming pelikula," pahayag ni Eugene.
Dagdag pa ng komedyana, "Nag-iisip din kami ng paraan na yung face-to-face ay mapasalamatan din sila nina Piolo. Yung sana makita lang sila sa lobby ng mga sinehan, yung matuwa man lang sila."
Sa naturang interbyu, naikuwento kay Eugene na may mga estudyanteng nag-iipon ng kanilang mga baon para makapanood ng pelikula niya. At nai-suggest na baka puwedeng may isang araw na discounted ang screening ng nakakatuwa niyang movie para sa mga estudyante. Sumang-ayon naman si Eugene dito. "Magandang idea 'yan. Sige, isa-suggest natin kay Direk Joyce," sabi niya.
Nai-share naman ng komedyana kung bakit effective ang pagpapatawa niya sa pelikula. Tulad na lang sa eksenang pinagpapalo siya ng tsinelas ni Archie Alemania. "Nagagalit si Direk Joyce 'pag peke [yung eksena]. Tatlong beses siyang tineyk, nagdadalawang-isip sila kung sasaktan nila ako. Ako na ang nagsabing sige na, totohanin n'yo na, kasi hindi tayo matatapos. Paulit-ulit yung sakit. Basta nakaganti naman ako, 'wag kayong mag-alala," masayang kuwento niya.
Patuloy ni Eugene, "Gusto ko ring pasalamatan si Ariel Ureta, kasi, tamang-tama ang bigay niya sa lahat, mapa-comedy, mapa-drama, at hindi natin dapat siyang kalimutan na isa siya sa pinakabeteranong aktor sa industriyang ito."
INTERNATIONAL SCREENINGS. May plano na bang gawan ng sequel ang Kimmy Dora?
"Sa ngayon, wala kaming iniisip na part two. Sa palagay ko, hindi mo talaga mapapantayan yung part one. Kung saka-sakaling makapag-isip, we will make sure na it's more exciting. Mas maganda kung lalabas ng Pilipinas, 'no?" biro pa niya.
"As of now, speaking of paglabas ng Pilipinas, our producer, si Erickson [Raymundo, manager din nina Sam Milby at Richard Poon], is trying to arrange mga international screening, para sa ating mga kababayan sa Dubai, sa Canada, o kung saan man merong request, di ba?" dagdag ng komedyana.
Nabanggit din ni Eugene na isa ring masasabing dahilan ng success ng pelikula ay ang grapevine. "Kasi, ang malaking bulk ng pagiging number one namin nationwide ay ang word-of-mouth," aniya.
Iisa ang nasasabi ng mga nakapanood ng pelikula—maganda ito.
"Kasi, kaya nasasabing maganda dahil biniyayaan kami ng magandang script, at saka very inspired si Direk Joyce. Hindi naman talaga parang pelikula ang pelikula dahil ganyan lang, kundi maganda talaga ang script. And this is headed by Chris Martinez and directed by the very inspired Direk Joyce Bernal," paliwanag at pagtatapos ni Eugene.
Samantala, may special participation si Eugene sa movie ni Mang Dolphy na Juan.
Trailer courtesy of Spring Films





dumadagundong talaga ang sinehan sa katatawa.
congrats uge! i love your brand of comedy. hindi nakaka-insulto.
Well magkaalaman naman yan sa kabuuang kita hahaha.
Good luck Uge.
ano ba gus2 mo??? GMA films maging blockbuster??? in your dreams!!! lol nkakatawa ka nman lawak ng imahinasyon mo. well wag kang mgalit kung ang tadhana ay di ayon sa taste mo.
xur ka bang wlang masyadong promotion yung sundo??? ehh. kahit commercial break lng sa dos ako nanunood ng 7 eh nkikita ko commercial nyan eh. yan talaga ang mga taong ayaw sa katotohanan negative plagi wlang transparency.
Paki request naman for international screening dto sa Guam pero mas mauna yata ang in my life..
Bakit naman maiinggit hahaha. Wala naman akong sinabi na hindi kumita. Ang sabi ko lang may padding pa rin to mind condition the viewers na panoorin sympre isa sa mga gimik yan.
SC talagang gumastos kaya pagdating sa promo malaki ang gastos. Ang Regal at GMA di masyado.
Example YCML 230M daw. Eh samantalang ang Harrypotter 189M plus lang eh mas maraming cinemas pinalabas yun.
Kumita pero hindi totoong figures sympre iba pa rin ang press release sa actual na kita talaga pag iless na gastos.
Ganun lang yun. Dapat lang naman talaga malaki ang gross ng mga SC movies kasi sobrang laki rin ng gastos sa promo.
As simple as that. haha
manilaphils
September 14, 2009
10:10 AM
alam mo manilaphils inggit lang yan eh! sige pano mo mapapaliwanag yung sinabi ng SM at ROBINSON dati na star cinema movie ang may highest grossing film nung 2009? cge na manilaphils pakipaliwanag para magkaalamanan na kung padding talaga ang star cinema.
aminin na kasing FLOP talaga ang tarot
Naku ganyan naman kayo palagi snasabi na flop at blockbuster ang kita ng Star Cinema.
Kahit Darna sabi nyo noon mega flop.
Pero ayun taob ang mga shows ng dos haha.
Blockbuster movie ng STar cinema sobra sa padding kasi lackluster ang kita.
Pinagloloko lang kayo ng sarili nyo hahaha.
Congrats Uge. Ang budget kaya nito more than 20M, eh yung Tarot less ang budget knowing mother lily. So hindi sa artista yun, sa script pa rin at promo yun.
She's a great actress!