Judy Ann's multimillion peso kitchen in the home she shares with husband Ryan is a reflection of her new outlook on life. "Minsan nga, sa kusina na ako nag-e-entertain ng guests. Luto-luto, ang saya-saya! Parang fiesta! Kasi parang nawala na sa sistema ko yung nagtsi-chill out pa sa bars, ibang level na talaga."

 

Photo: Noel Orsal

Ang kusina ni Judy Ann Santos sa love nest nila ni Ryan Agoncillo sa Alabang ang masasabing pinakapuso ng kanilang tahanan. Balitang ilang milyong piso ang iginugol para dito, halos one-fourth ng kabuuang ginastos sa pagpagawa ng bahay nila.

"Bata pa kasi ako, pangarap ko na ang magandang kusina," sabi ni Juday. "Hindi ba't nagtayo ako ng restaurant noon? On the side, kapag namimili ako ng gamit, itinatabi ko na yung para sa bahay na titirahan ko kung sakaling mag-aasawa na ako.

"Kaya lahat halos ng makikita sa kusina ko, pinaghirapan ko nang ilang taon sa pagtatrabaho. Hindi 'yan binili lang nang minsanan. Inipon ko talaga ang ibang mga gamit," tuwang-tuwang ikinuwento ni Juday.

Hanggang ngayon, kinukumpleto pa rin daw nina Juday at Ryan ang mga kakailanganin sa bahay.

"Marami kaming naiisip, puwedeng padagdagan namin ng shelves," sabi ni Juday. "Sa rami ng gamit, kailangang may paglalagyan.

"D'yan naman magaling si Ryan, sa paglalaan ng space, kung paano magagamit ang iba't ibang espasyo sa bahay. Mas mahusay na mag-design si Ryan, at siya ang mas may alam d'yan tungkol sa akin.

"Basta, yung kusina, ipinapaubaya niya sa akin. Kaya sa lahat ng parte ng bahay, yung kusina yata ang naiiba," sabi pa ni Juday.

COUPLE ISSUES IN GEORGE & CECIL. Hindi lahat ay nagkakagusto sa sitcom nila sa ABS-CBN na George & Cecil, pero ang kapansin-pansin dito, malalim ang pagtalakay sa buhay ng mag-asawa.

"Mas nakakatawa talaga ang mga situwasyon every week," ani Juday. "'Yun naman ang gusto namin ni Ryan na mangyari, noong mag-usap-usap kami with Direk Joey Reyes. Ang gusto lang namin, mag-reveal ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ng young couple.

"Na hindi pa usually alam ng mga tao. Yung ibang situwasyon, pamilyar kaya nakaka-relate ang mga manonood. But we see to it, may mga bago silang mapapanood, at may bago silang insights na mapupulot.

"Mas gusto nga naming tina-tackle yung hindi alam ng masa para natututo rin sila. Pare-pareho ang situwasyon, iba-iba ang problema. Mare-realize mo sa bandang huli, iisa lang ang koneksyon ng lahat," banggit ni Juday.

Hindi naman mapi-please nina Juday at Ryan ang lahat ng manonood, pero successful na rin sila sa paraang nagiging parte na talaga sila ng pamilya ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng George & Cecil.

HAPPY MARRIED LIFE. Sa tunay na buhay, medyo may kalayuan ang situwasyon ng TV characters nila sa kanilang ugnayan bilang mag-asawa.

"Kasi, sa bahay, simple lang kami. Wala namang mga problemang ganyan. Nakakaloka naman na sa estadong ito, na ke bagu-bago pa lang namin, may mga isyu na. Nagpapasalamat ako sa Diyos na, generally, happy talaga ang married life namin ni Ryan.

"Kuntento lang ako basta lahat ng kailangan ko sa kusina, naroroon lahat. Minsan nga, sa kusina na ako nag-e-entertain ng guests.