Pasado alas dose na ng madaling araw nang makatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng update tungkol sa kalagayan ni Cristine Reyes at ng kanyang mga kasama—ang ina, ang 18 taong gulang niyang kapatid na si Mina Princess, mga pamangkin na may edad na walo at tatlo, mga kasambahay at kapitbahay—na mahigit 12 oras nang nasa tuktok ng kanilang bahay sa Princeton St., Provident Village, Marikina City.
Ayon sa text message ng sister-in-law ng aktres na si Claudine Cruz, ang ina ng dalawang bata, sa PEP contributor na si Allan Anthony Alterra (published as is): "Un mga bata ok na nreScue na pero c aa [Cristine] nandun pa."
Mula pa kanina ay marami nang nag-attempt na pasukin ang nasabing village. Isa na nga rito ay ang co-star ni Cristine sa Patient X na si Richard Gutierrez, na lulan ng rubber boat.
Subalit, delikado ang sumuong dahil bukod sa malalim ang baha ay malakas din ang agos.
Dalawang beses nang humingi ng tulong ang Kapamilya actress—una, sa special edition ng 24 Oras kaninang alas-otso; pangalawa, sa Kapuso Mo, Jessica Soho bandang alas diyes kuwarenta ng gabi—at malungkot nitong sinabi na "wala pa ring rescue."
Sa nauna niyang pahayag, "sobrang bilis" ang mga pangyayari, na kahit mataas ang kanilang bahay ay inabot ang ikalawang palapag. Sa kuwento raw ng kanyang ina, "taong 1978" pa huling nakaranas ng pagbaha ang lugar, at hindi raw ito kasing-taas at kasimbilis ng tubig na lumusob ngayon.
"Nung kinuha ko ang pamangkin ko, lumingon ako [sa garahe], lubog na car ko," ang salaysay pa ng 20-year old actress sa una nitong interbyu.
Bandang ala-una ng hapon noong magpasya ang kanyang pamilya na manatili sa bubong. "Mahangin" daw dito at wala silang nai-akyat na pagkain. Kasalukuyang gumagawa ng paraan ang mga rescue teams.
Samantala, isa pang biktima ay ang YES! writer na si Candice Lim, na nakatira rin sa Marikina. Sa ngayon, nasa ikatlong palapag na sila ng kanilang bahay, at ayon sa kanyang text message as of 7:30 p.m., "they're four steps away from being flooded."
Nakikiisa ang PEP sa pagdarasal na sana maging maayos ang lagay ng mga nasalanta ng bagyong si Ondoy, at sana ay tumigil na ang ulan.





Pero when he went there, he was trying to save his friend Cristine. Ang pagpunta nya dun bilang kaibigan di bilang artista, which kung sino man satin na may kakayanang kumuha ng rubber boat, mas uunahin mong puntahan yung pamilya or kaibigan nyo before other people. so let's not judge him too harshly,
hindi nga lang kasing admirable yung ginawa nya tulad ng kay Gerald Anderson and Jericho Rosales, pero he doesn't deserve to be condemned as well.
ang speedboat ay borrowed from the Army, di ang ibig sabihin noong GOVERNMENT PROPERTY ang speedboat na iyon. Nahiram iyon ni Richard, sa kalagitnaan ng pangangailangan ng mga taong ma rescue. Kung nagpaiwan si Christine, at na SUNDO siya ni RG, using this GOVERNMENT property, that could have saved more lives, what does that say, about the values of these people? Na mas mahalaga ang pa GIMIK nila to promote their movie???? NAGAGALIT AKO, dahil maraming nangangailangan na ma RESCUE, at hindi natugunan agad iyon ng gobyerno, dahil KULANG SA EQUIPMENT. Ang lumalabas yata, ginawang PERSONAL PROPERTY ang mga government equipments na ito. Bakit hindi nag triage, to prioritize who was in the MOST DIRE NEED of being rescued, rather than, kung sino ang SIKAT. NOW, I AM MAD. Who lent that ARMY SPEEDBOAT to the Gutierrez' , to be used as their personal property
nytimes
com
at hanapin sa se_arch box nila ang pangalang: Richard Gutierrez.
Click nyo ang article na : Filipino Actor Saves Real-Life Damsel in Distress, sept. 28, by the Associated Press.
Kung tutoong nagpaiwan si Christine, three hours after nakuha na ang mom, sister at ang dalawang pamangkin nya, para maSUNDO siya ni Richard Gutierrez, lumalabas na naKURYENTE, fed with false information, ang Associated Press, na nilabas naman ng New York Times newspaper. At government owned pala, iyong SPEEDBOAT na iyon. Bakit ginawang PERSONAL PROPERTY ni Richard Gutierrez. Kaya pala di na available para hiramin para i rescue si Direk, dahil kailangan nang gamitin siguro for the public.
Tayo din ang may hawak ng mga solusyon sa problemang ito no.
Naubos na siguro nila pondo na pambili sana ng emergency helicopters, boats , etc. sa milyong halagang advertisements nila kaya kabagal nilang nakasagip ng mga tao.
sa FB ni ali figueroa photo album quot;at last the storm subsidequot;
makikita nyo ang pic ng truck na ginamit ni CR pabalik sa bahay nila para kunin ng mga gamit nila.
quot;Cristine Reyes was inside, head back to her home to get stuff. the truck refused to stop to aid anybody, even if there were still many people desperate for helpquot; photo caption.
i find it very sarcastic of him to say those things pero napagisip isip k
saturday about 2pm, butch francisco startalk announced that cristine reyes and her family was starnded on their place they were already on the roof that time after a few min. a radio station i forgot teh station but it's an AM station announced again that CR is begging for help dahil lamig na lamig na daw sila at walang makain... may mga bata pa daw silang kasama... around 3pm the same station announced again, paging the rescuers to help CR and her family.. and after a few hours the announcer announced that the family was already saved... pero si cristine daw is naiwan??? the announcer asked, bakit naiwan si CR??? si CR yung humihingi ng tulong dahil gutom na gutom na daw sya at nanlalamig na pero bakit hindi pa sya sumabay sa family nya na na-rescue??? to think na iisa lang naman sya at hindi naman siguro kalabisan sa rescue vehicle kung sasama sya dun... that was the question of the announcer that time di pa nangyayari yung p
Nagpapabango lang yan si Richard sa public noh kasi nga diba sa gulo n kinasasangkutan nia at pra cguro gumaan ung loob nang tao sa knya, well nagkakamali sya!
--------
e itong si christine, isesave din sana ng ate ng boss ko e, andun sila e, kaso ayaw, hinintay talaga si chard, 3 hours sya tuloy naghintay..napakaarte..
hay naku, bagay sila ni christine, parehong epal
======================================
how true?????
scripted???
para sa movie???