Lucy Torres-Gomez joined the telethon of GMA Kapuso Foundation yesterday, September 27, and also tried finding rubber boats for the stranded family of Sweet Life executive producer Mildred Natividad.

 

To all PEPsters, we are launching a donation drive project for the victims of Ondoy. If you wish to give in-kind donations, we listed down various drop-off points. Please CLICK HERE.

Photo: Noel Orsal

Sina Demi Moore, Ricky Martin, pati na rin ang writer na si Paulo Coelho, ang ilan sa mga international celebrity na nanawagan  para tulungan ang mga biktima ng bagyong Ondoy (international code: Ketsana).

Sa pamamagitan ng kanilang mga Twitter account, nanawagan ang tatlo sa kanilang mga follower na magbigay ng donasyon sa mga Pilipino.

Ito ang isinulat ni Demi sa kanyang Twitter account: "Typhoon victims in Philippines in dire need of food/clothing. Call the American Red Cross to help. 18004357669."

Inilagay naman ni Ricky sa kanyang Twitter account ang sumusunod: "If u want help the victims of the typhoon Ondoy/Philippines go here http://ow.ly/riCU quieres ayudar? directamnt a la cruz roja en philipnas."

Dalawang beses nabisita ng Puerto Rican pop singer ang Pilipinas. Una, kasama ang grupong Menudo noong '80s, at bilang solo artist naman noong late '90s.

Nahirapan ang sikat na writer na si Paulo Coehlo na magpadala ng tulong dahil walang online link for donations ang Philippine National Red Cross. Nagbigay ng tulong ang sikat na writer—na ilan sa mga best-selling work ay ang The Alchemist, By the River Piedra I Sat Down and Wept, The Valkyries, The Witch of Portobello­—sa pamamagitan ng bank order.

Ito ang mga mensahe na naka-post sa kanyang Twitter account: "Philippines flood causes dozens of deaths. You can help: http://bit.ly/1VhJak (Red Cross). I already made my donation by bank order. Ur link does not have online donations. Paypal is not an option. Open online link. I had to send a bank order. Jurassic! Ppl can't act on impulse.

"Filipinos talk to Red Cross: donations online! Fil Red Cross does not have a link to donate online, ppl cannot act on impulse. I had to send a bank order. Can't u talk to them?"

LOCAL CELEBRITIES AS GOOD SAMARITANS. Samantala, ang ginagawang pagtulong at pagkakawanggawa ng mga artista para sa mga biktima ng bagyong Ondoy ay maihahalintulad sa naging partisipasyon ng Hollywood celebrities sa pangangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng Hurricane Katrina sa New Orleans noong 2005.

Pinupuri ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil gumawa sila ng paraan na matulungan ang kanilang mga kaibigan—ang pamilya nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Lumangoy pa nga raw si Ryan sa tubig baha para matulungan ang mga maliliit na anak nina Gladys at Christopher.

Isa-isa namang pinuntahan ni Benjie Paras ang bahay ng kanyang mga kaibigang nangangailangan ng tulong.

Samantala, naghanap si Lucy Torres ng mga rubber boat para matulungan si Mildred Natividad, ang executive producer ng kanyang show sa QTV 11, Sweet Life.

Pero panatag na ang kalooban ni Mildred dahil nagpasabi ang kanyang asawa, ang ABS-CBN TV director na si Arnel Natividad, na wala siyang dapat ipag-alala dahil ligtas na sila ng kanyang ina.

Si Arnel, na direktor ng SNN, ay halos dalawang araw na na-trap sa bubong ng kanilang bahay sa Rosario, Pasig, kasama ang kanyang 74-year-old mother at dalawang kasambahay.

At press time, hindi pa nakakaalis sa location si Arnel at ang mga kasama nito pero napuntahan na sila ng kanyang pinsan, na matapang na nilangoy ang mataas na tubig-baha para madalhan sila ng bottled water at mga biscuit. Dalawang kilometro ang layo ng nilangoy ng pinsan ni Arnel para mabigyan sila ng pagkain.