Isang simpleng thanksgiving merienda ang ibinigay ng GMA Films at APT Entertainment kahapon, October 1, sa Gerry's Grill along Eugenio Lopez Street, Quezon City, para sa success ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie," directed by Mike Tuviera.
Naroon si Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films and Mr. Jojo Oconer of APT Entertainment. Nasa feeding program daw kasi si Mr. Tony Tuviera para sa mga nasalanta ng bagyo kaya hindi ito nakadalo. Nagpasalamat sila sa mga entertainment press sa suporta sa pelikula.
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Annette sa box-office gross ng movie na nasa second week na ngayon. Hindi siya nagbigay ng exact gross pero last Sunday nagulat daw sila na sa kabila ng bagyong Ondoy ay malaki ang kinita nito. Kahapon, September 30, malaki pa rin ang kinita nito, siguro raw dahil wala pa ring pasok ang mga bata sa schools.
Mag-isang dumating si Ogie Alcasid. Hindi naman nakarating si Michael V. Nagpaabot na lang daw ito ng pasasalamat at humingi ng paumanhin sa hindi niya pagpunta sa party dahil nagti-taping ito noon ng "Yari Ka!" segment para sa show nitong Bitoy Funniest Video sa GMA-7.
Biniro ng naroong press si Ogie kumbakit hindi yata siya in character as Angelina sa pagdating niya sa party.
"Ayoko na," natatawang sagot ni Ogie, pagkatapos ay nagpasalamat sa mga dumalong press na naroon. "Nakakahiya mang mag-celebrate dahil sa nangyayari ngayon, pero gusto lang naming magpasalamat sa inyo.
"Ipapahinga na muna namin ni Michael V ang character naming sina Yaya at Angelina. May iniisip kaming bagong characters pero hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano iyon. Kahit sa Bubble Gang ay mawawala na rin ang mga characters naming ito kung saan ito nagsimula. Mawawala na rin sina Angelina at Yaya sa Hole in the Wall, dahil matatapos na ito sa October 16. Kung ibabalik man ang show, siguro next year na iyon."
Paano kung may humiling na gawan ng sequel ang Yaya and Angelina?
"Siguro, pag-uusapan muna naming mabuti ni Bitoy," sagot ni Ogie. "Iyon kasing susunod naming project ni Bitoy, pareho na kaming lalaki."
KAYA NATIN ITO. Humingi na ng tulong sa entertainment press si Ogie para sa binabalak nilang fund-raising concert sa November 14, titled Kaya Natin Ito, kasama sina Girlie Rodis at Direk Rowell Santiago to be held at the Araneta Coliseum.
"Mamayang gabi, makikipag-meeting kami sa mga talent managers ng mga artista, from GMA Network, ABS-CBN, mga OPM artists. We are looking for possible producers and sponsors dahil makikipagtulungan din sa amin ang Araneta Coliseum. Proceeds will go to the Philippine National Red Cross at sa Gawad Kalinga para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.
"May ginawa na rin akong song of the same title na gusto naming gawin into CD at may music video at ibebenta rin namin during the concert. Sana kahit sa sandaling paghahanda, maging successful ang fund-raising concert namin."
SONGBIRD BRINGS RELIEF. Natanong ng PEP kung paano siya tumutulong sa mga biktima ng bagyo?
"Last Sunday, hindi um-attend si Regine [Velasquez] ng SOP dahil may migraine siya, pero nagawa pa rin niyang mag-grocery at pinuntahan ko na lang siya after ng show. Ang dinalhan namin ng relief goods [bigas, bottled water, canned goods], iyong mga affected areas sa Old Balara na malapit sa bahay niya. Kilala na kasi ni Regs iyong mga nakatira roon.
"'Tapos dinalhan din namin ng relief goods ang mga affected areas sa Pasig City, sa lugar nina Dudut at Mikee Jaworski. Sila na ang nag-distribute sa mga tao. Kinabukasan, bumalik ako sa Old Balara, nagdala pa ako ng bigas at iba pang kailangan nila roon."






Naku naku ikaw naman palagi nyo sinasabi mga kapuso na padding lang ang kinikita ng Star Cinema,
eto isipin mo ha? kung WALANG KINIKITA ANG STAR CINEMA BAKIT PALAGING MAY PELIKULA ANG STAR CINEMA???
BAKIT ANG GMA quot;BIHIRAquot; LANG GUMAWA NG PELIKULA TAPOS HINDI PA KAYANG GUMAWA NG PELIKULA NA SOLO LANG ANG GMA LAGING KASAMA ANG VIVA OR REGAL??/ BAKIT GANUN? WALANG BUDGET? HEHEHEHE
i'm not a fan of yaya and angelina ang o.a nila and ang corny ng mga antics nila..yeah ang corny ng hole in the wall..dapat nga matapos na yun..napaka-impossible ng wall..pano ka naman mana2lo pag ganun??
hay naku yung alkris movie sigurado flopsina na naman..ewan kung bat sinasavi na magaling umarte yung 2 yun eh in reality yung isa super o.a umarte and yung isa naman batong-bato..walang emosyon!!hahaha
konting actors lang ng gma ang mas2bi mo na may substance as an actor/actress..mas magagling ang artista ng channel 2..but theres always room for improvement sana...
OA na sila ngayon at korny na minsan
tama lang na rest na muna
kaya pinanuod ko to
at fan ako ng yaya at angelina
madami naman nanood pero sa TOTOO lang
HINDI KAMI NAG ENJOY sa MOVIEW
PUNO ng ka CONYHAN, isa pang mali ng GMA 7 PINALABAS na lahat ng NAKAKATAWANG PART sa GMA 7 ADVERTISEMENT
HAAAY VERY DISSAPPOINTED AKO!! GMA FILMS STOP PUTTING YOUR NAME on a FILM THAT HAS NO QUALITY
PINABAYAAN nyo na lang sana ang APT hahahahaaay!!!
who you!?
pupurihin mo lng ang paborito mong istasyon kelangan pang siraan sng iba!
bitter!
Congrats! Panuorin ko kayo sa Sunday!
Yaya and Angelina movie is such a winner!
a very bad host why do they act like that
very unprofessional game hosting.why would they always portray a characters like that..shame to those people who laugh to an unprofessional acts.
local newstv patrol of local abs cbn news is better to watch! it rules the ratings!