Isang balita ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isang takaw-pansing insidente na kinasangkutan ni Richard Gutierrez sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3 sa Pasay City, noong Biyernes, ika-2 ng Oktubre.
Ayon sa isang sumulat sa PEP noong Sabado, Oktubre 3, na nagsabing may kilala siyang witness sa pangyayari, nag-iskandalo raw ang aktor sa NAIA. Ito raw ay nangyari noong napagsarhan si Richard at si Jewel Mische, na ayon sa showbiz circles ay girlfriend niya, sa boarding gate.
Sa pagdedetalye ng source, sinabi nito na sa galit ni Richard, dinuraan nito ang boarding pass at hinampas sa pader, at pagkatapos ay pinagsalitaan ng masama ang taong kausap.
Sa pag-verify ng PEP ng kuwentong ito, napag-alaman namin na may naglabas na nga ng ganitong balita sa social networking site na Facebook.
Sa pag-verify pa rin ng PEP, umabot kami sa ilang airport sources. Ang mga ito ay nagpatotoo ng nangyaring insidente, at sinabi ring nangyari ito sa departure area ng NAIA noong gabi ng Oktubre 2, Biyernes. Dahil nga raw nakakatawag-pansin ang aksyon at boses ng kilalang aktor, may ilang pasahero ng ibang flights na nagsisikuha na ng litrato at video ng pangyayari.
Ayon sa unang source ng PEP, hindi malinaw sa kaibigan niya kung bakit galit si Richard, pero ang dinig daw nito, "They were offloaded from their flight." Ang ibig sabihin nito ay natanggal sina Richard at Jewel sa flight manifest at hindi na maaaring maging pasahero sa flight na iyon.
Ayon naman sa airport records, papuntang Kuala Lumpur, Malaysia, sina Richard at Jewel. Eksaktong 8:04 ng gabi ng Oktubre 2 sila nag-check in ng kanilang bagahe. Subalit sa hindi malamang kadahilanan, nahuli sila ng pagdating sa boarding gate. Apat na beses na na-page ng Cebu Pacific ang dalawa. Ngunit nang nakita raw na nakikipag-argumento si Richard sa boarding gate, pasado 9 p.m. na. Ibig sabihin ay may pagitan ng isang oras mula ng pag-check-in at pag-board.
Sa nakapaskil na flight schedules sa airport, "8:55 p.m." ang EDT, or Estimated Departure Time, ng Cebu Pacific, ang eroplanong sasakyan nina Richard.
Malinaw namang nakasaad sa ticket at website ng Cebu Pacific Air na ang pasahero ay dapat nasa boarding gate "at least 30 minutes before the scheduled departure time." Ibig sabihin, dapat 8:25 p.m. ay nasa boarding gate na sina Richard at Jewel.
Kasali rin sa airline terms and conditions for boarding ang ganito: "gate will close fifteen (15) minutes before departure." Ibig sabihin ay 8:40 p.m. ay sarado na ang gate.
Ayon pa sa isang may koneksiyon sa airport na nakausap ng PEP, "Airlines need the '15 minutes' to do three things: (1) Redo the passenger manifesto; (2) Take out the baggage; and (3) Update any document relevant to the flight. Ang resulta raw ng hindi pagsunod sa procedure na ito ay mali-late ang flight. Sinabi rin niya na ang mga airline ngayon ay nagpupursiging maging on time.
Ganito nga ang nangyari kina Richard at Jewel. Dapat nasa boarding area na sila ng 8:25; dumating sila sa Immigration Counter 8:50 p.m., na last step before boarding stage.
Bagamat limang minuto na lang iyon bago ng departure time, pinilit pa ring gawan ng paraan ng airline personnel. Nakitang inuuna sina Richard at Jewel sa queue. Ngunit naabala na naman ang pag-usad nina Richard at Jewel dahil may mga airport employees na gusto pang makipaglitrato sa dalawang celebrity.
Nang ipinatupad ng Cebu Pacific ang patakaran nitong dapat nasa boarding gate na ang sinumang pasahero 15 minutes before estimated departure time, tinanggal na finally sa manifest ang pangalan nina Richard at Jewel. Noong nalaman ni Richard na napagsarhan nga sila, ayon sa original PEP source: "He started to get mad and demanded for the manager."
Ayon din sa kanya, mayroong nakakita mismo na nagbibigay-paliwanag ang Cebu Pacific manager, ngunit nanigaw na si Richard. Nang yakagin daw ng manager si Richard sa check-in counter upang makaiwas sa mga nakikinig at mga nagbi-video, tinuloy pa rin ng aktor ang panduduro sa manager. "Masasamang salita" raw ang ginamit nito at itinuturo pa raw nito ang dalawang daliri sa taong kausap.





mlini
ah okay...lapit mo pala
ingat ka dian pero mababait naman mga irish eh hehehe
east_central
ay sige na please. di bale ako sasangga...
sige na dahil ikaw tong nag work mismo sa airlines eh...kase although alam namin ang general rules ng airlines, di namin alam kung ano talaga yung mga infos sa loob di ba
mlini
indeed!
olachiks
wa pa nga eh. kanina pa ako nag hahanap. buti na lang ala akong pasok today...kaya oks lang di ako productive hahahaha
pero nakareceive ako ng cheka mula sa ating insider, ang sagot nya sa tanong ay: quot;not truequot; pero wala pa akong detalye so hindi ko alam kung not true na bumyahe si richard o not true na nagwala sya sa airport hehehehe
east_central
kwento ka naman! friend ko rin, stewardess ng Cathay...pero di ko pa sya nakakausap regarding this matter hehehe...
brad_peet
you're making it sound like i deliberately attempted to make the passengers wait for me. you have no idea how stressful it was and embarrassing as soon as i saw the passengers seated on the plane
there are always events we cannot control and good on you for being such a model citizen and travelling light. although in my case it was nothing to do with travelling heavy or light
I like travelling with British airways. they're not that strict with excess baggage and i've always managed to make pakiusap to them lalo na pag alam nilang balikbayan ka and they know you bring stuff for your family. kahit ano kabigat ang dala mo basta nasa isang luggage lang, papalampasin nila.