"Madami na and growing, e. Kasi mula nung i-announce namin yung website, kung ano yung puwedeng gawin, nag-ano kaagad, bumuhos kaagad. Parang Ondoy, bumaha talaga. Ganun ang nangyari."
Sa mga contestant na sumali na, ano yung pinaka-extreme at pinaka-wild na napanood niya?
"So far, yung nakita ko si Boy Bato. Literally, kamakain siya ng bato. Kaya alam mo nung makita ko yun, ang sabi ko, ano ba 'to?" may halong patawa ni Bitoy.
Lagi naman daw may naka-standby na emergency team sa labas ng studio just in case magkaroon ng accident. May waiver at insurance din daw na pinipirmahan ang mga contestant.
VERSUS OTHER TALENT SHOWS. Hit na hit ang talent shows ngayon. Pero ano ang plano nilang gawin para kabugin ang existing nang Talentadong Pinoy ng TV5 at ang parating na Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN?
"Kami lang show na pang-international, kasi sinakop na namin, e. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bukod doon, we went out of our way para kami na mismo ang maghanap ng mahuhusay na mga Pilipino. Bukod doon, mas malaki ang premyo. Mahirap kabugin ang premyong ipamimigay natin. So, saan ka pa pupunta, e, di dito na," paliwanag ni Bitoy.
Paano niya iha-handle yung intrigang hindi sila ang nauna sa ganitong uri ng show?
"Meron kasing pagkakaiba dun sa ginagawa nila at sa gagawin natin ngayon. Ang pagkakaiba ngayon, ang bottomline lagi, ano ba yung mas maganda? Ano ba yung mas mainam na salihan sa mga ganitong kategorya ng mga shows," sagot niya.
Yung mga nanalo ba at hindi nanalo sa ibang talent shows ay puwedeng sumali sa show nila?
"Palagay ko hindi, e. Kasi kumbaga, naipakita na nila yung husay nila sa iba, e. Ang hinahanap namin dito yung bago at hindi pa nakikitang individuals. Kumbaga, nabigyan na sila ng break sa iba. So ngayon, iba naman ang bibigyan nami ng break."
YAYA & ANGELINA. Tuwang-tuwa naman si Michael V sa tagumpay ng movie nila ni Ogie Alcasid na Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie. Magkano na ba ang kinita nito?
"Hindi ko alam yung present figures. Pero nung last na sinabi sa akin, mga nasa P70 million na. Considering na nagkaroon pa tayo ng mga kalamidad, kumita pa rin ang movie namin. Siyempre, thankful kami sa lahat ng tumangkilik."
Ine-expect ba nila na kikita ng malaki ang movie nila?
"Nung una, may ganung expecatations talaga kami ni Ogie at saka ng buong production. Pero nung bumagyo, dun kami medyo nag-alala. Pero despite the typhoon, medyo humataw pa rin. Kaya nga blessed talaga, e."
Magkakaroon ba ito ng sequel?






pretty_pharma
2
October 15, 2009
17:57 PM
dami mo pang sinasabi wala ka naman evidence puro ka lang hearsay malamang GMA lang din nag papakalat na kunwari inoofferan yung mga artist niyo like regine
sabihin mo kaya nagreformat kasi natatalo na ng singing bee at tiyago
Mas marami tayong talent ng pinoy na mapapanood dito kesa dun sa dalawang talent show din.
congrats BITOY sure na naman LAGAPAK ang kalaban.....eh sino ba naman ang papantay sa kakayahan ni bitoy? haha ha
pangalawa kay CORY na pinoy na-feature sa READER'S DIGEST san kpa? ha ha ha
Go Bitoy!
Malapit Na.
PILIPINAS GOT TALENT!!!pang worldwide.
Malapit na rin.
Pinoy Bingo ni Kris, sino ba nauna di ba Go bingo ni Arnel sa GMA 7.
Ang mga network ok lang mang gayahan basta kung lalabas na maganda.
Well Michael V is creative kaya nga nalagay siya sa Reader's digest. The second Filipino next to Cory na feature dun.
Tingnan natin kung sino magrate. KUmusta naman ang bubble gang tagal na 14 years na ata this year. Eh ang kabila kumusta mga comedy shows?
hahaha
ano.....pilipas got talent?? hahahaha
see mas malala! ginaya ang gumaya! hahahaha!
+++
kaya pala nawala yung bingo ni kris. hindi kumita.
si JDL kasi nagcomment na gagayahin daw ng 2 ang talentadong pinoy.. yun pala ang pinakamamahal na GMA nya ang unang gagaya..hahaha
kahit yung lobo at ang mbp, ginaya lang yan. di yan orig.