Bagamat ilang linggo na rin ang nakalilipas nang maging biktima si Cristine Reyes at ang kanyang pamilya ng bagyong Ondoy, ang naturang pangyayari pa rin ang isa sa kinumusta ng entertainment press sa kanya sa grand press conference ng Patient X kahapon, October 15, sa Dulcinea restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.
Hindi na raw sila bumalik sa bahay nila sa Provident Village sa Marikina. Nakahanap na rin daw siya ng sariling bahay sa may Batasan Hills.
"Okey naman yung sa Batasan, safe siya, hindi siya binaha. Solo ko na yung bahay, pero katabi ko yung sa Mommy ko. Yung sa akin, ako ang solong magbabayad. Sa Mommy ko, hati kami ng Ate ko."
Ano na ang plano nila sa bahay nila sa Provident?
"Hindi ko pa napagpaplanuhan. Pero for sure, hindi na kami babalik dun," sagot niya.
Sa mga gamit nila, wala na raw silang na-save o nabalikan pa bukod sa mga alahas nila. Fresh start na lang daw talaga.
"Yun, nilinis na lang."
Wala ba siyang trauma na nararamdaman pagkatapos ng naturang bagyo?
"Hindi naman...hindi naman ako natu-trauma. Kasi, gusto ko naman yung weather na rainy, malamig. So, hindi problema sa akin if ever man na malakas ang ulan, hindi ako natatakot."
IRRITATING TALKS. Tinanong din namin si Cristine kung ano ang reaction niya sa mga naglalabasang balita na kesyo bumalik daw siya sa Provident, sakay ng army truck. May ilan daw sa mga residente ng Provident ang humingi ng tulong niya, pero nilagpasan lang niya. May mga nag-post pa nga ng mga litrato sa iba't ibang networking sites, gaya ng Facebook, although malayo ang kuha at hindi rin naman maaninag kung sino ang nakasakay.
"Hindi totoo yun," tanggi ng young actress. "Kasi, hindi naman ako sumasakay ng army truck. Kung totoong may picture, ilabas nila kasi hindi talaga ako yun. Baka naman maputi lang, sinabi na agad na ako.
"At saka noong magpunta ako dun, gamit ko ang car ni Ate. Kasama ko ang kapatid ko. 'Saka, sino ang hihingi ng tulong, lahat na nga okey na dun, di ba? Ako nga yung humihingi ng tulong that time. Yung mga nandun, naglilinis na lang. Anong hihingin nilang tulong? What's the point, para makapanira lang? So, ano pa ang gusto n'yo, nabaha na, nasiraan na at lahat, sisirain n'yo pa?" himutok niya.
Ano pa'ng kinaiinisan niya?
"Yung part na ganoon... yung parang may mga ibang tao na hindi pa kuntento sa nangyari sa amin. Parang gusto n'yo lumubog na 'ko nang todo. So, mas maganda kung huwag na lang nating pansinin ang isyu," sabi ni Cristine.
Itinanggi rin ni Cristine ang balitang nagtampo raw siya sa ABS-CBN dahil hindi siya natulungan ng kanyang home network during the time na nanghingi siya ng tulong.






bakit nabura ung dalawang comment ko.
ang summary lang naman ng message ko ay hindi desenteng babae itong si Cristine.. and Richard should know. hehe.
Haay, nakow... balik GMA ka na! Nobody wants you at ABS!
puckerlips
hindi ilong ang pinabago ni cristine,dati ng matangos ilong ni cristine at kung ilong ang pinabago nyan magkakaroon ng kunting epekto sa mata nya,sisingkit ng kunti ang mata dahil mahihila ang balat sa may bandang mata pag ilong ang binago,pero wala namang nabago sa mata nya at dati naman ng matangos ang ilong ng babaeng to..
ang problema ng babaeng to ay yung BABA nyang papasok kaya busakol tuloy yung nguso nyang tingnan dati, pero ngayon bumalanse na tingnan yung boong mukha nya,yung chin nya ang pinadagdagan nya..