Matapos ang kontrobersiyal na interview ni Sharon Cuneta sa SNN (Showbiz News Ngayon) last week, hanggang ngayon usap-usapan pa rin ang naging rebelasyon ng Megastar tungkol sa ikinatakot niya sa lagay ng kanyang kalusugan. Inamin kasi ni Sharon na ikinabahala niya ang nakapa niyang mga bukol sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay naglabasan na sa mga tabloid na may breast cancer daw ang Megastar.
Kaya naman sa interview ng The Buzz, na ipinalabas last Sunday, October 18, nilinaw ni Sharon, kasama ang kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan, ang tungkol sa kanyang naging pahayag sa SNN.
Ani Sharon, "Noong shooting ng BFF [pelikula ni Sharon with Ai-Ai delas Alas], walang may alam. Kami ni Kiko lang at saka may ibang malalapit na kaibigan, talagang handful lang, kahit Mommy [Elaine Cuneta] ko hindi alam. Nakaramdam ako na meron akong tatlong lumps dito [sabay turo sa kanyang dibdib]. So, si Kiko sabi ko, 'Tingnan mo. Meron ba? Oo nga.'
"So, lumipad kami, nasa ibang bansa kami. Dito lang sa Asia, pero hindi ko na sasabihin kung saan. Tapos pina-check ko. So, wala. Ang daming lumalabas sa mga tabloid, nagulat ako. Nag-aalala tuloy yung mga Sharonians ko. Don't worry, I'm fine. It's not cancer," diin niya.
"Alam ko naman na wala," singit naman ni Sen. Kiko.
"Iyak ako nang iyak noong na-feel ko," sabi ni Sharon. "Pero nung umalis kami nung pinatingin namin, wala talaga, it's benign, sa awa ng Diyos."
MANO PO 6. Sa isa pang interview ng The Buzz kay Sharon sa first shooting day nito para sa Metro Manila Film Festival entry na Mano Po 6, ay masayang-masayang nagkuwento ang Megastar.
"Kanina, I had my first Fokkien lines. I have my tutor here, my Chinese tutor. Marami pa akong sasabihin later. But mainly gusto ko yung opportunity na magtaray ng konti. Nami-miss ko si Cherrie [Gil], ito pala yung ginagawa niya. Basta mag-e-enjoy kami rito. Then I was happy kasi this morning nag-shooting na sila Zsa Zsa [Padilla]."
Ipiagmalaki rin ni Sharon ang tungkol sa pagsasama nila ni Kris Aquino sa pelikulang ito, na first time mangyayari sa career nilang dalawa. Proud din si Sharon sa bigating cast ng movie.
"And then si Kris volunteered to play the role of my best friend for no payment at all. And then Zsa Zsa plays... medyo hindi kami magkasundo ni Zsa Zsa sa movie, but in real life, she has really remained as one of my best friends I have in showbiz. Christopher de Leon will make a very special guest appearance as my husband. This is a very strong cast. Who would have expected for Kris to, you know, join us? Who would have expected for Boyet to say yes to a special guest role? And nandiyan si Heart [Evangelista]."
Nagsalita na rin si Sharon tungkol sa naging kontrobersiyal na pilian bago mapunta kay Heart ang role ng anak niya sa pelikula.
"Actually, ako yung nag-insist na si Heart na. Huwag na nating puntahan yung mga detalye noon. Alam naman natin na nahirapan kami na i-cast 'yang role na 'yan. But when I said, si Heart, bakit nga ba hindi si Heart? I mean, she looks the part and I've seen her movies, I've always like her style. Alam mo, si Heart na rin siya."
HEART'S REACTION. Nakuha rin ng The Buzz ang reaksiyon ni Heart sa magagandang pahayag ni Sharon tungkol sa kanya.
"Na-starstruck po ako sa kanya. But I really, really... I don't know what to say. I'm proud of everything that has been happening. This is like the epitome of all happiness when it comes to my career. I'll do my best's best, you know, just because she said my name. It's a dream come true. Thank you," pasalamat ni Heart kay Sharon.
Nagpasalamat din si Heart kay Angel Locsin, na una sanang gaganap sa role. Pero dahil sa exclusive contract artist ng Star Cinema si Angel ay hindi nga nito magagawa ang movie sa Regal Entertainment.






but she's still very bankable. she's everywhere pa rin at hindi pa rn nagsasawa ang tao sa kanya kahit tumaba sya.
'hindi pa naman cancer'. She's still not advocating breast cancer society, 'hindi pa naman cancer'. Minsan talaga kailangan bigyan Niya ng 'something' ang isang tao, especially kung asawa ng senador, para makaisip lang na lumapit sa Kanya, 'bumisita sa lahat ng grotto'. Like what happened to Kris, sana matauhan na sila, at ang mga botante, dahil mageeleksyon kaya...alam nyo na.
rosabellz2008
grabe naman 2 magKomento - salitang bulok para sa GMA - Network yon - at kompanya na maraming pinapasweldo at natutulungan at halos mga titulado at manggagawa ang haligi ng GMA Network. Anu ka ba, sa panahon dikapa pinapanganak - kompanya na yan sa Pilipinas!
my mom had it. subukan nyo at buong pamilya nyo iiyak. the name is more than enough to shake your faith. understandable naman ang reaction ni sharon because her mom had it. but she thankfully survived.
so yung mga nega dito. naku! pray nyo that none of your family will get cancer. pray hard.
e kung ganyan ba ang mga bukol e di super ang tuwa ng mga tao nyan, hahaha!!!