A HAPPY MOTHER LILY. Ang pagtanggap ng Megastar na gawin ang Mano Po 6 ay isang dream come true din daw para sa producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde
"Before I retire... It's coming from my heart talaga na I would like to say to Shawie na thank you for accepting this movie. This has been my dream and I'm so proud of you. You're one of a kind. Maraming salamat po... Mano po."
Ikinagalak din ni Mother Lily ang pagpiprisinta ni Kris bilang best friend ni Sharon sa pelikula. Matatandaang naging bida na rin ng Mano Po 1 and 2 si Kris.
"What will I say, this is a very... ang ganda ng combination. First time ito. This is the biggest movie of Mano Po," pagmamalaki pa ni Mother Lily.
SHARON-KRIS CLOSENESS. Sa mga pangyayaring ito, ikinatutuwa naman ng marami ang pagiging mas malapit ngayon nina Sharon at Kris, na binisita pa ng Megastar sa set ng SNN noong isang linggo.
Kuwento ni Sharon, "She is supposed to come to my studio. Sabi niya, 'You're finished na?' Sabi ko, 'Yeah, don't worry, I'll go na lang there.' So, parang paano-ano lang naman yun. Parang nakakahiya naman, e, siya nga pupunta. E, ano ba naman yung dalawin ko siya kahit na tatawid ako dun sa kabilang building?"
Kasama raw si Kris, marami pa raw dapat abangan ang sambayanan mula sa kanila.
"God-willing, marami kaming binabalak na surprises para sa mga tao. We are in a business partnership mode now. Marami kaming sorpresa. Maganda yung minsan may joined forces," sabi ni Sharon.
Kaya naman ang pagsasama raw nila sa Mano Po 6 ay patikim pa lang.
"I'm excited that my audience is looking for something different. And I'm doing it with Kris. Siyempre, makikita kami together on screen. That might develop later on into a full-length movie. Marami kaming sorpresa. Relax lang," huling sabi pa ni Sharon.






goodluck sa mano po 6 mega, heart, dennis, kris, zsazsa, chistopher, and direk joel l. plus of course mother lily
mano po 6 siguradong blockbuster sa darating na filmfest ang saya ng christmas sa RP
plasticity is beauty.. wahahaha!
ayos din eto gumimik para sa mano po at kandidatura ng asawang si kiko ano? sorry, you can never be first lady, in case you are toying with the idea of your husband being in malacanang in 2010 or in the future, di ka pwede, paea ka aparador hahaha! di naman lagi concert sa malacanang, ok?
/