Nitong mga nalalabing buwan ng 2009 hanggang sa mga unang buwan ng 2010 ay magiging abala lalo si Dingdong Dantes. Bukod kasi sa Stairway To Heaven—na hanggang end of the year lang pero may balitang baka ma-extend until January 2010—ay isa rin siya sa host ng StarStruck V.
May isa pang unconfirmed project na gagawin si Dingdong. Pero nasusulat na rin ang pagbibida niya sa pelikulang Andong Agimat na co-production ng Unitel Productions at GMA Films.
Tuloy na ba ang Andong Agimat?
"Tuloy na," pagkumpirma ni Dingdong. "Yun nga, noong malaman kong may plano na for that, nag-panic akong bigla. Kasi nasa Stairway mode pa 'ko, e. May nag-text nga rin sa akin na nasusulat na nga rin daw."
Ano nga ba ang Andong Agimat?
"Ang Andong Agimat ay isang graphic novel ni Arnold Arre. Pinoy yung author. Tungkol siya sa isang lalake na galing preso. It's a graphic novel na binili ang rights ng Unitel. Recent lang siya at mahirap na siyang hanapin sa bookstores kasi sold out siya palagi. Ako naman, meron akong copy dahil ibinigay lang siya sa akin ng gumawa," kuwento ni Dingdong.
Hindi kaya magkaroon ng isyu dahil ang "Agimat" ay parang na-associate na sa mga Revilla?
"Well, hindi ko alam ang sistema d'yan. Hindi ko alam ang legalities d'yan. But I'm pretty sure, these big companies, like Unitel and GMA, e, hindi sasabak sa hindi sigurado."
ALL ABOUT MARIAN. Tinanong din ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa nasulat na rin na ang leading lady niya sa Stairway To Heaven na si Rhian Ramos pa rin daw ang magiging kapareha niya sa Andong Agimat. Ikinunsidera rin daw si Marian Rivera para sa role ng kanyang leading lady, kaso ay may Darna at Nieves ang aktres.
"Well, ang alam ko, puwede na siya dahil hindi na matutuloy ang Nieves, e," pagbabalita ni Dingdong. "But well, ang Andong kasi, ang love angle dun, very small portion. Kumbaga, naka-focus siya dun sa grupo yun, e... grupo ng magkakaibigan na mabibigyan ng lakas. So, yung love angle is really a small portion. It's only minor."
May nagbato ng tanong kay Dingdong kung for the record, gaano na sila katagal ni Marian?
"Ilang months? Hindi ako nagbibilang, e. Binibilang ko kasi yung seconds, e. Ngayon, kulang ang papel kapag isinulat natin, e!" natatawa niyang sabi, na halatang umiiwas siyang sagutin nang diretsahan ang tanong.
Pero kailan ba nagsimula na maging "sila," noong Dyesebel, Marimar, o Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?
"Nasa libro," sagot ni Dingdong, referring to his bookazine na incidentally ay magkakaroon uli ng autograph signing bukas, October 22, sa Filbars Megamall from 3 to 6 p.m.
Gaano ba ka-supportive sa kanya si Marian?






hinahanap kita last week..bigla ka kasing nawala..nagkaroon ng article ang idol mo...glad nandito kana ulit...nanood kami ng show ng idol mo...oh my goodness ang ganda talaga niya..kahit saang tingnan flawless pala talaga..inantay namin yong pag naka darna na...hehehehehe sexy pa talaga petite pala siya pero bagay na bagay sa kanya!
BRAVO!!! miss you girl...hehehehee
Goodluck Dingdong and Marian sa personal nyong buhay stay HAPPY and INLOVE wink
We're looking forward sa project na pwede nyo ulit pagsamahang 2 sa soap man or a movie importante kayong 2 together forever wink Godbless both