Dingdong Dantes understands fans who are turned off by his team-up with different actresses

Rose Garcia
Wednesday, October 21, 2009 @ 02:58PM  |  109 views

 

"Nakikita ko rin ngayon kung sino talaga ang loyal at hindi. People are there just for the moment and if the moment will not suit them anymore, they will turn their back around," says Dingdong Dantes about fans who get disappointed or angry whenever he is linked to other actresses.

Photo By: Noel Orsal













"Very," mabilis na sagot ni Dingdong. "Especially when I launched Yes Pinoy, dun ko talaga nakita ang suporta niya. Kumbaga, ipinakita niya it's beyond the limelight. Yun yung kaya ako natutuwa and I get inspired more because of people na talagang nagpapakita ng tulong na walang kapalit. Gayundin sa lahat ng volunteers, pamilya ko, talagang nagpapasalamat ako sa kanila, and Marian is one of them."

Member ba ng Yes Pinoy Foundation si Marian?

"Inspirasyon siya behind it, e," ani Dingdong.

UNDERSTANDING THE FANS. Diretsahan namang tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang nararamdaman niya kapag may mga fans siya o sila ni Marian na nagpapahayag ng disappointment o even galit kapag nali-link sila sa iba. Tulad na lang ngayon na natatanong siyang palagi tungkol kay Rhian na leading lady niya sa Stairway to Heaven.

"Well, I understand," sabi ni Dingdong. "But, posible 'yang mangyari. Pero ako naman, like with Rhian, ang importante lang sa akin, like sa working relationship ko with Rhian is that maging okey kami to the point that we're good friends.

"Unang-una, galing kami sa wala, tapos nagkatrabaho kami. And then, yung mga eksena namin, e, kailangan mukhang kailangan namin ang isa't isa. Ako, ang objective ko lang, maging magkaibigan kami."

Ano naman ang masasabi niya sa komento ng iba na bagay rin sila ni Rhian?

"E, iba naman kasi ang bagay sa scene at iba rin ang bagay sa totoong buhay. Para sa akin, gusto kong klaruhin ang acting at sa totoong buhay. And I am not trying to create any [illusion] na baka may posibilidad ngang ganoon. Kung meron man, I am not the type to do that, e.

"Siguro, it's okay to say good things about her, walang malisya, walang masamang ibig sabihin. Ako naman, confident naman ako that I love my work at seryoso ako. Nag-usap kami. Alam namin na gusto namin pareho 'to and nag-agree kami na we'll do our best," saad ni Dingdong.

Naaapektuhan ba siya kapag may pressure na nanggagaling from the fans?

"Tinanggal ko na, kasi kung iisipin ko yun, maaapektuhan ako," sabi niya. "At saka, nakikita ko rin ngayon kung sino talaga ang loyal at hindi. People are there just for the moment and if the moment will not suit them anymore, they will turn their back around.

"But it's something that I understand. Ang sa akin lang, I'm an actor. At ako naman, I still love them. Kung may nagtatampo, kung may nagagalit, I still love them and there's still more to look forward pa naman."

« Prev  1  2  

Related Articles

226 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name