Anne Curtis's manager, Veronique del Rosario-Corpus tells PEP that the actress is the final choice of the ABS-CBN management to be one of the hosts the new variety-game show Showtime.

Photo: Noel Orsal

Tuwang-tuwa at excited si Anne Curtis dahil sa dinami-rami ng ABS-CBN talents, siya ang napili ng pamunuan ng Kapamilya network na maging isa sa main hosts ng Showtime. Ito ang ipapalit na show sa magpapaalam nang Pilipinas, Game KNB? ni Edu Manzano, which will have its final telecast tomorrow, October 23, Friday.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone ang manager ni Anne na si Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artist Agency kanina, October 22, at ito ang nagsabing masayang-masaya at excited si Anne sa panibagong trabaho ng alaga sa telebisyon bilang host.

Ano nga ba ang Showtime?

"Hindi ko pa puwedeng masabi ang full details coz of confidentiality, pero yung genre niya ay pinaghalong variety and game show," sagot ni Veronique. 

Live nga raw ang daily show at magsisimula na ito sa Sabado, October 24, bilang pre-programming ng Wowowee. Ang dating nasa slot nito na Pilipinas, Game KNB? ay nag-last taping day na noong Monday, October 19, kung saan pinagsama-sama ang past winners ng naturang game show, na ilang taon ding tumagal.

Paano nga ba nagsimula ang offer ng Showtime for Anne?

"A month ago pa 'yang offer [ng Dos] for Anne, e," saad ng lady executive ng Viva Entertainment at president ng Viva Artist Agency na siyang nagha-handle sa career ng aktres. "Nag-present muna sila ng concept last month pa. Kaso, sumama si Anne sa Wowowee US tour, di ba?  Three areas yung pinuntahan nila doon—Reno, San Francisco, and Washington."

Matapos ang presentation, nagsabi ang Dos na willing silang maghintay sa pagbabalik-Pilipinas ni Anne, dahil siya daw talaga ang final choice ng management.

"Sabi nila, 'We will wait,' gano'n. Kaya si Anne, sobrang tuwang-tuwa dahil bago sa kanya ito and, at least, mari-reach siya ng masa."

May image kasi si Anne na parang sosyalista ang dating at hindi makamasa, kaya welcome na welcome daw ito para sa aktres.

"Nagkataon lang na ang circle of friends niya ay models, gano'n, kaya akala ng mga tao, sosyal siya. Pero jologs rin siya at heart!" natatawang sabi ni Veronique.

Hindi rin lubos akalain ng manager na ganito kabilis ang mga pangyayari ng negotiations for Showtime, at laking gulat nito nang sabihing airing na agad ito this Saturday!

"Recently lang, pagkadating agad from U.S., dire-diretso na agad si Anne. Briefing, technical rehearsals, mga gano'n... Tuluy-tuloy na ito last week. Akala ko nga, ika-can pa muna ang show at ipapa-approve pa sa management bago i-air, pero nagulat nga kami nang sinabing approved na nga at airing na! Happy naman si Anne, she's so excited talaga, dahil iba naman ito sa mga ginagawa niya sa mga teleserye niya dati," saad ng manager ni Anne.

Ang alam daw ni Veronique ay sina Anne at Vhong Navarro ang main hosts ng Showtime dahil ito ang nakakasama niya sa rehearsals. Maaaring may segment din o additional co-host ang napabalitang si Kim Atienza, nang magsanib ang puwersa ng Entertainment at News department ng ABS-CBN.

"A day after pagbalik niya sa bansa last week, final presentation agad. Hinintay pa ng production si Linggit [Tan, ABS-CBN executive] dahil on leave ito dahil namatayan 'ata, so we just waited. Yun namang plugging ni Anne was taped ahead, bago ang final negotiations namin."