Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva


 
As a birthday surprise to the King of Talk Boy Abunda, Angel Locsin guested on The Buzz for a heart-to-heart interview with him during the advance celebration.

Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva

Glen P. Sibonga

Rating

Boy: Puso mo, kumusta naman ang lagay?

Angel: Okay naman siya. Hello. [sabay tingin sa kanyang dibdib.]

 

Boy: Daddy mo, kumusta?

Angel: Okey naman si Daddy. Ayun, nandun pa rin, nagba-bike sa bahay. Sobrang healthy pa rin siya. Binabantayan niya yung savings ko ngayon. Si Daddy, nakakatuwa kasi pinaplano niya lahat, yung investments ko, ganun. Para in the future kung hindi man ako magtagumpay dito sa ginagawa ko, meron akong mapaghuhugutan.

 

ANGEL SURPRISES BOY. Akala ng lahat ay tapos na ang interview pero may biglang ipinakiusap si Angel kay Boy.

 

Angel: Tito Boy, puwede bang humirit. Kasi parang lagi lang ikaw yung may tanong. Puwede bang ako naman ang magtanong sa iyo?

Boy: Teka muna, ha. Sorpresa ito.

Angel: Hindi naman kita papaiyakin. Pero okey lang, Tito Boy, feel free lang. Kasi di ba parang lahat, wala akong maisip na hindi pa dumaan sa iyo Tito Boy, di ba? Parang lahat nakaharap mo na at naitanong mo na halos lahat. Pero ano po kaya kung mag-isa ka lang, nakatingin ka sa 'Salamin,' tahimik ang lahat, nakatingin ka sa malayo, ano kaya yung isang tanong na tinatanong mo sa sarili mo, Tito Boy?

 

Boy: Wow... may mga panahon kasi, Angel, na kahit gaano ka kalakas, kahit gaano ka katapang, may mga bagay na hindi mo kaya. So, may mga bagay na hindi ka sigurado. May mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi ka puwedeng lumaban.

 

Ako pag mag-isa na lang ako, dalawang bagay. Una, parang when you're so blessed, I ask God na parang hanggang kailan ba ito? Pero you always say, I must have done something good in my life,  to deserve all the blessings. Pangalawa, ay walang iyakan, ha. But no, I always ask God. I always say, hindi tanong, sinasabi ko sa Diyos na sana'y pahabain pa ng konti ang buhay ng Nanay [Lesing].

 

Angel: Bago ko tanungin ang birthday wish, sobrang na-touch naman ako doon.

Boy: Alam mo, I stop wishing for myself. Dahil wala na akong mahihiling pa, di ba? Parang basta masaya lang at malusog ang aking ina, at sana'y masaya at malusog ang lahat ng nanay sa Pilipinas, at sa buong mundo. Dahil pag masaya at malusog ang nanay ko, parang masaya at malusog na rin ako. That's a wish.

 

Pangalawa, kapayapaan ng loob, katahimikan, dahil sobra nang maingay minsan ang ating mga mundo. Pagmamahal. And I want to be a better person, I still want to be a better person and a lot of things. I want  to be better to the people. I want to be forgiving. I want people to forgive me. Sana ako'y mapatawad din ng maraming tao na minsan ako'y nagkamali.

 

At sana'y mapatawad tayo ng ating kalikasan na matanggal na nating binabastos. Kaya tayo'y pinarurusahan. Yun lang yung mga bagay na sumasagi sa aking isipan. I realize na ang mga wishes ko para na sa mga tao mahalaga sa akin, mahal ko. Nanay, mga kaibigan, Pilipinas, this is a time in our lives I think when we have to love this country. Mag-isa lang yan, e.

 

Angel: Tito Boy, sobrang nakikita ko kung bakit maraming taong nagmamahal sa iyo kasi karapat-dapat ka naman talaga. Ako, Tito Boy, yung mga pinagdanan ko noon sa mga tao, hindi ko mapagdadaanan yun ng maayos kung hindi ikaw yung nasa tabi ko noon. Maraming salamat talaga. Pero yun talaga ang mensahe.

Boy: Di ba, this is the only country we have, the only life we have..? And it is our responsibility para maalagaan ito. Kaya sana malusog tayong lahat, lahat ng mga nanay at tatay na nagmamasid sa ating pag-uusap ngayon.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
543 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement