It has been six years since StarStruck Batch 1. Sina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang mga itinanghal bilang kauna-unahang StarStruck survivors. Magkakaroon na ng ika-limang batch ng StarStruck pero confident si Mark sa sarili niya kahit ilang batch na ang nagdaan.
"Siguro yung first to third batch, nandun yung kinakabahan ka pa. Pero ngayon, after Batch 4 and after six years, hindi na siguro. Especially ngayon, kasama ako sa mga host. Ako sa Batch 1 ang parang representative, then sina LJ Reyes, Arci Muñoz, and Paulo Avelino. Susubaybayan namin ang Batch 5, at mas maganda, we can give opinion or comments."
How does he feel na this time, host na siya at hindi na contestant?
"Exciting din... Actually, masaya, sobrang masaya. Kasi, makikita ko ang pinagdaanan ko before, di ba? Pero I'm sure naman, ilang months din ba tumatakbo ang StarStruck, I'm sure na mapapalapit din kami sa kanila. Mahirap din yun, especially, kung alam mo na may mga kaibigan ka na at hindi deserving matanggal, pero matatanggal. You're gonna feel bad also."
Nasa process si Mark ngayon of reinventing himself away from the teeny-bopper Mark we used to see. Unti-unti na nga niyang ginagawa kahit sa pag-tackle ng mga characters niya sa series. At sa bagong dance album niya sa Universal Records ay mas mature Mark na raw ang makikita. He's also preparing for next year's Cosmo Bachelor's Bash.
Sa ngayon, kasalukuyan pa rin umeere ang Ikaw Sana nila ni Jennylyn. We asked Mark kung hindi ba niya naisip na for a while, lumayo muna siya sa love team nila ni Jennylyn. Kapag silang dalawa kasi ang magkasama, hindi maiiwasan na yung teenage love team pa rin nila ang naaalala ng fans.
"Well, siguro kung mapapansin naman nila, ang ginagawa naman namin ni Jen ngayon, hindi na yung tulad dati na parang puro pa-cute lang. Kaya ako naman, kung saan nila ako gustong i-pair, wala namang problema. Siguro kasi, nakikita nilang yung chemistry namin ni Jen, nandoon pa rin, hindi naman nawawala."
JEN OR YNNA? Bigla siyang naging vocal sa kung anong feelings meron siya for Jen nang huli siyang makausap ng entertainment press. May impression nga na parang nanliligaw siyang muli kay Jen at parang kung sila pa rin pala, okey sa kanya.
Pero sa debut ni Ynna Asistio, nag-iwan naman siya ng impression na tila nanliligaw rin sa dalaga. So, ano ba talaga?
"I'm not courting Jen naman kasi. Kami ni Jen, parang open kami sa possibility, baka may plans. Pero ngayon, aaminin ko, wala naman akong courting stage with Ynna. Nandoon pa rin kami sa parang nasa isip ko ngayon, hindi naman kailangang magmadali na manligaw kaninuman. Hindi naman ako mauubusan.
"Ini-enjoy ko lang ang company with Ynna, with Tita Nadia [Montenegro]. Kung makikita n'yo naman ang bonding ko with her family, sobrang masaya ako. Masaya ako palagi lalo na kapag kasama ko ang mga bata.
"With Jen naman, I'm happy dahil yung relationship namin as friends, from the time na naghiwalay, heto, inaanak ko si Jazz [Jennylyn's son with Patrick Garcia]. So, masaya rin ang feeling na kayo yung halos mortal na magkaaway before, now, you're open to anything, kung anuman ang mangyari sa inyo."
Sa ganoong punto, ano pala ang mas may possibility—maging sila ni Jennylyn muli or maging sila ni Ynna?
"Siguro sa ngayon, wala muna...neutral muna. Hindi naman sa naglalaro. If the time comes na gusto kong ligawan ulit si Jen, siyempre, I will tell it to Tita Nadia or I will tell it to Ynna. Gusto ko, open ako sa ganoon.
"Kung manliligaw man ako kay Ynna, siyempre, magpapaalam ako kay Tita Nadia, pero, siguro naman, hindi ko naman kailangang magpaalam kay Jen. Open naman kami ni Jen."






SHINING INHERITANCE, lalong gumaganda at magbabago na ba ang suwail na tagapagmana ng isang mayang pamilya?
BUBBLE GANG, abangan ang 3 tv movies na ginawa for it's 14th Year Anniversary.
SATURDAY- EB, Pinoy Records, Bito's Showtime, Jessica Sojo, Imbestigador, Cool Center ang pagpapahayag ng damdamin ni Mr. carinoso kay Eugene? Ano ang gagawin ni Shivaker?
SUNDAY- Bandaoke, Show Me The Manny
Stairway To Heaven, ang pag-amin ni Jenna ng nararamdaman nya kay Cholo. Ano ang aggawing hadlang nina Charlie at Eunice?
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Sino ang pipiliin ni Rosalinda? Si Fernando Jose na asawa at mahal nya o ang pinagkakautangan ng loob nya na si Alex?
Sis,
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, ang nalalpit na paglaya ni Eliza sa tulong ng isang abogadong di nababayaran ang dignidad at ang duda ng lola nila sa half-sister nyang si Sofia.
24 Oras,
DARNA, malalaman na ba ni Eduardo ang sikreto ni Narda? Tuluyan na nga bang mahipnotismo si Ding nina Babaeng Tuod at maamin nya ang sikreto ni Darna/Narda? Bakit ayaw ipaalam ni Consuelo na anak ni Alicia si Narda? Magdududa na kaya sina Narda at Alicia sa plano ni Consuelo? Anong paghahasik ang gagawin ni Impy? Ang pagtanggap ni Valentina ng kanyang misyon na maghari ang mga taong ahas? Ang kanyang pagbabagong anyo bilang taong ahas. Ang plano ni Serpina. Ang pagpapalakas ni Lucifera para bumalik sa pagiging Babaeng Tuod. Ang pagbabalik ni Babaeng Lawin, makuha na kaya ni DARNA ang kapangyarihang bilis?
sobra pa sa babae kung mkagimik
wa talaga sa level ng mga hunks sa kapuso network
masyadong feeling.. sino ka ba? ngeks!
nagbreak n nga e..
nagkabalikan lng..
ahahaha..
tama ba ko??!!! :
and wid markjen d b nag try n kau magdate together sa shangri-la... :