Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.
Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?
"Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel.
Totoo ba na may third party involved sa hiwalayan nila ni Luis?
"Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," paliwanag ng aktres.
May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?
"Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun."
Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?
"Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari 'yon," sagot ni Angel.
RUMORED TRANSFER TO VIVA. Pangalawang isyu na sinagot ni Angel ay ang balitang nagpirma niya diumano ng kontrata sa Viva Films.
"Nagulat na nga lang ako na may ganun. Hindi po totoo. Kagagaling ko lang sa transfer [from GMA-7 to ABS-CBN], parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako!" natatawang sabi ni Angel.
Dagdag pa niya, "Ang alam ko, si Tita Becky [Aguila, her manager] ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie [Concepcion] and Jennylyn [Mercado]. Baka siguro dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka akala, ako."
Masaya naman daw si Angel sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN. In fact, magre-renew na siya ulit ng panibagong kontrata. And by next year, uumpisahan na niya ang first movie niya with Aga Muhlach na ididirek ni Olive Lamasan.
"Excited na ako. Siyempre Aga Muhlach yun, di ba? Gusto ko talagang ma-experience na makatrabaho siya," sambit niya.
Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye katambal si John Lloyd Cruz.





hahaha
love nmeng mga tga-quezon c angel!!!!!!!!!
go ANGEL!!!!!!!
kaw aman para ka aman inchiqyur sa comment mo. tawagin daw ba silahis si crush ko and fyi hindi nag-iingay si Angel regarding jan... ang gumagawa ng ingay un mga reporter para may mabasa ang mga PEPsters.
kung walang foundation ang relasyon ek ek nila Angel at Luis... ano naman meron sa relasyon nila sa pagkakalam mo? concealer? eye shadow? or lipstick?
jajajajajaja~~~
sus eh di sadsad to d core ang galit mo kay Angel na para bang inagawan ka nya ng kendi. hahahahaha!!!
may tawag jan.. ang tawag jan henggetz to d core!!!
makati ang lola nino? hindi ba nasa mandaluyong ang lola ng may lola? nyar! nyar! nyar!
keep up the good work mga artistang may mabuting kalooban. TC Ms.Angel