Angel Locsin confirms breakup with Luis Manzano

Trisha Alvarez
Thursday, October 29, 2009 @ 11:04AM  |  144251 views

 

Angel Locsin reveals that it has been four months since her breakup with Luis Manzano. But the actress refuses to divulge details about it. "Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama na nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," she says.

Photo By: Elyas Isabelo Salanga













Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.

Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?    

"Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel.

Totoo ba na may third party involved sa hiwalayan nila ni Luis?

"Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," paliwanag ng aktres.

May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?

"Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun."

Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?

"Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari 'yon," sagot ni Angel.

RUMORED TRANSFER TO VIVA. Pangalawang isyu na sinagot ni Angel ay ang balitang nagpirma niya diumano ng kontrata sa Viva Films.

 "Nagulat na nga lang ako na may ganun. Hindi po totoo. Kagagaling ko lang sa transfer [from GMA-7 to ABS-CBN], parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako!" natatawang sabi ni Angel.

Dagdag pa niya, "Ang alam ko, si Tita Becky [Aguila, her manager] ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie [Concepcion] and Jennylyn [Mercado]. Baka siguro dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka akala, ako."

Masaya naman daw si Angel sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN. In fact, magre-renew na siya ulit ng panibagong kontrata. And by next year, uumpisahan na niya ang first movie niya with Aga Muhlach na ididirek ni Olive Lamasan.

"Excited na ako. Siyempre Aga Muhlach yun, di ba? Gusto ko talagang ma-experience na makatrabaho siya," sambit niya.

Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye katambal si John Lloyd Cruz.

1  2  Next »

Related Articles

1017 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name