Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.
Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?
"Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel.
Totoo ba na may third party involved sa hiwalayan nila ni Luis?
"Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," paliwanag ng aktres.
May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?
"Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun."
Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?
"Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari 'yon," sagot ni Angel.
RUMORED TRANSFER TO VIVA. Pangalawang isyu na sinagot ni Angel ay ang balitang nagpirma niya diumano ng kontrata sa Viva Films.
"Nagulat na nga lang ako na may ganun. Hindi po totoo. Kagagaling ko lang sa transfer [from GMA-7 to ABS-CBN], parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako!" natatawang sabi ni Angel.
Dagdag pa niya, "Ang alam ko, si Tita Becky [Aguila, her manager] ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie [Concepcion] and Jennylyn [Mercado]. Baka siguro dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka akala, ako."
Masaya naman daw si Angel sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN. In fact, magre-renew na siya ulit ng panibagong kontrata. And by next year, uumpisahan na niya ang first movie niya with Aga Muhlach na ididirek ni Olive Lamasan.
"Excited na ako. Siyempre Aga Muhlach yun, di ba? Gusto ko talagang ma-experience na makatrabaho siya," sambit niya.
Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye katambal si John Lloyd Cruz.





yan pde na ang xmas greetings sa inyo kz tapos na ang UNDAS.
ygeh... kain me dun ng keyk at staphegi.
Belated Happy B-day sa'yu silip ka sa PEP community naghanda si Princess...Angel..labshu...lapit na ang Emmy's congrats.
so mga nagtatanong WHO'S NEXT? We would never know the future...
but there's only one thing we could wish for... sana un NEXT GUY na magmamahal kay AL eh un for keeps na at magiging sila na to start their own family.
PEPsters here have their own say and point of view but it boils to one thing... they wanted Ms. Angel Locsin to be more happier and have a stable relationship in the end.
haaallaaabbbssssyyyyuuuu AL.
luis is naturally sweet. that's how he was brought up and ganun ang environment na kinalikihan niya. and bago pa pumasok si angel sa buhay ni luis i'm sure alam ni angel na ganun na si luis na talagang friendly. and hindi naman ganun siguro ganun kakitid ang isip ni angel para pag isipan niya na na nakikipag flirt si luis sa mga kasama niya. May interview si Angel noon that she's very secured kay Luis and that she trust him.
And besides di naman natin alam kung iyan nga ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon sila ng misunderstanding. Karamihan naman sa mga articles may dagdag bawas. And trabaho ng reporters yan. They'll write anything just to attract readers. Nasa iyo na yun kung gusto mong maniwala at magpaloko.
No such thing as perfect relationship in this world. Pero I wish they can settle their differences and be together and have their own family.
angel kaya mo yan....ikaw pa!
luis is trying to reach out to her para may proper closure but parang hindi pa handa si angel na mag usap sila.