Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.
Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?
"Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel.
Totoo ba na may third party involved sa hiwalayan nila ni Luis?
"Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," paliwanag ng aktres.
May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?
"Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun."
Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?
"Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari 'yon," sagot ni Angel.
RUMORED TRANSFER TO VIVA. Pangalawang isyu na sinagot ni Angel ay ang balitang nagpirma niya diumano ng kontrata sa Viva Films.
"Nagulat na nga lang ako na may ganun. Hindi po totoo. Kagagaling ko lang sa transfer [from GMA-7 to ABS-CBN], parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako!" natatawang sabi ni Angel.
Dagdag pa niya, "Ang alam ko, si Tita Becky [Aguila, her manager] ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie [Concepcion] and Jennylyn [Mercado]. Baka siguro dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka akala, ako."
Masaya naman daw si Angel sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN. In fact, magre-renew na siya ulit ng panibagong kontrata. And by next year, uumpisahan na niya ang first movie niya with Aga Muhlach na ididirek ni Olive Lamasan.
"Excited na ako. Siyempre Aga Muhlach yun, di ba? Gusto ko talagang ma-experience na makatrabaho siya," sambit niya.
Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye katambal si John Lloyd Cruz.





if GMA did not give her goody goody roles, di rin naman madaming mabubulag tong girl
na to, nung gumanap na darna, kala nila, tutoong life yon, kala nila mabait at heroine talaga.
marami pa rin talagang fanatics who cant see somebody's true colors.
ANG BABAW, aliw na aliw sa gawa gawa nilang emmy daw!sus!
ganyan talaga ung mga pinagpipilitang sikat PA daw, konting bagay, ginagawang grandiose!
Nag back read ako kanina, all I can say may katwiran kang mang asar, dahil grabeh talagang manglait ang detractors ni Angel..sobra, kulang na lng. tanggalin sya ng life, lalo na yung time na lumipat sya sa Kabila and until now kita mo naman kung pa'no sila manglait yung na dengue sya may nag wi wish na mawala na lng. daw sya..below the belt talaga ang tira...kahapon nga may nakasagutan din ako dyan, at aba binabaligtad pa ko, magaling pa silang magpalusot at magpaligoy-ligoy roll eyes..mayron naman na nasa itaas ang nakatingin sa atin at alam ya kung ano ang totoo, so fr. there di ako maghihiganti, di na kailangan, alam mo na at the end of the Day, kabutihan pa rin ang mananaig okie..thy will be done.
anung sinabi mo mabuti syang tao? kaya pala ang plastik nya sya na yata ang pinaka plastik na tao sa showbiz puro ngiwe lang ang alam nya.at talagang malaki ang nawala sa knya since lumipat sya sa abs ang popularity nya biglang naglaho na parang bula.
compare to marian di hamak na mas sikat at mas magaling sa acting c marian..at totoong tao..at higit sa lahat may utang na loob.!
one's success does not mean failure for the other and one's failure does not entail success for the other.
basta all i can say is...
i dont like her..