Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Rhian Ramos sa isang event kamakailan. Masaya ang aura ng young actress. Elegante itong tingnan that night sa black long dress na likha ng designer na si Pepsi Herrera. Medyo na-late nga lang ng dating si Rhian at nakauwi na ang ibang mga bisita.
Kumusta na ang Stairway To Heaven, ang pambatong teleserye nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7?
"Well, ang ratings ng Stairway To Heaven ay pataas nang pataas. Sobrang grateful kaming lahat," masayang sabi ni Rhian. "Parang bawat araw, umaakyat, e. So, yun na nga, masayang-masaya kami.
"Maraming challenges ang nangyari, lalo na nung nag-start ang show namin. Pero ngayon, everything is okay na. Parang nagka-climb din daw sa stairway ang show. Yung trend ng show, parang stairway nga din. Sana umabot na ng heaven ang ratings namin!" tawa niya.
Matatandaang noong nagsisimula pa lang ang Stairway To Heaven, nasa 27-28 percent pa lang ang ratings nito sa Mega Manila (based on AGB Nielsen survey). Pero lately ay pumapalo na ang ratings nito sa 30-plus.
"Ang sinasabi ko nga, ang dami-daming challenges ang nangyari during the start of the show. Yung timing ng pagpasok namin, medyo may sablay, tapos yung bagyo pa, sobrang nakaapekto yun! And yun nga, ngayon, pataas na kami ng pataas... 34... gumagano'n.
"We're very happy! Buti naman, buti naman... Kasi, napakaganda ng kuwento. So siyempre, as much as possible, gusto naming ipakita ang best namin para mapakita namin sa lahat kung gaano kaganda ang kuwento," very proud na sabi ni Rhian.
TEAM-UP WITH DINGDONG. Kumusta naman ang samahan nila ni Dingdong sa teleserye?
"Very good also. Parang umiingay na kami sa set!" tawa ni Rhian. "Nag-iingay kami sa set... Sa bawat araw na magkasama kami sa taping, mas nagki-click kami, mas nagiging close kami, mas marami na akong puwedeng sabihin, kayang ikuwento, gano'n."
May "ilangan" factor ba sa pagitan nila ni Dindong nung simula ng taping?
"E, kasi, siyempre pagka-meet mo pa lang sa tao, hindi naman puwedeng lahat ng mga sikreto mo, sasabihin mo na lang bigla, di ba? Ngayon, kumportableng-kumportable na ako sa kanya.
"At saka ang masasabi ko, na ang malaking factor doon ay may tiwala talaga ako sa kanya, e. In a scene and outside of a scene, bilang partner onscreen at saka bilang katrabaho lang, in general... You know, kahit sa labas ng eksena. 'Yon!"
Sa isang interview naman kay Dingdong, may pahayag itong tila nais niyang magsimula ang isang magandang friendship sa kanilang dalawa ni Rhian. Ano ang reaction niya rito?
"Good! Yun din ang gusto ko. Very prepared ako na mag-grow pa ang friendship namin, kasi dito ko nakita kung ga'no siya ka-okay na tao!" hagikhik nito.
Dati-rati ba ay iba ang impresyon niya sa hunky at guwapong actor?






sabi mo kung saan ang article ni rhian nandoon din ang fans nina dongyan..
alam mo kung bakit nag e effort mag comment ang mga fans nina dongyan dito...
kasi si rhian since magsimula ang STH..
palaging negative effect sa dongyan fans ang mga press release niya...
ngayon, isinasama pa niya ang dongyanatics sa mga press release niya...
na lalong nakaka turn off sa grupo
mag press release na lang siya sa sarili niya ...
huwag ng mandamay ... that way hindi ma iinis sa kanya mga tao...
suerte lang talaga siya dahil malakas kapit niya sa GMA...
kawawa ang mga talents ng GMA na walang kapit...
maski meron kang talent...walang gamit dahil hindi ka naman mabigyan ng project kapares nitong kay rhian
Iha, hindi insecure ang mga tao kanya, totoo naman talaga na mas gaganda pa sana if hindi siya ang Jodi yung magaling sa acting talaga...
para kang si rhian na nagsasalita dito..
na may hidden desire kay dong...
masyado mo naman pinababa si marian...
tahimik nga iyong tao...mas sikat iyun ha sa rhian mo...
hinay hinay....
may rason na mag react ang mga dongyanatics
kasi hindi dapat si rhian ang magsalita nito...
masyado siyang adelantada.. kaya marami ang natuturn-off sa kanya..
hindi niya fans ang mga dongyanatics..
and I don't think makikinig ito sa kanya...dahil ayaw nga sa kanya!
sana lang tumigil na siya sa kasasalita
tungkol sa tandem nila ni dong..
at least iyong ibang dongyanatics..
binubuksan ang tv para lang magka rate ang sth maski hindi panoorin...
at iyan dahil kay dong...
hindi dahil sa kanya...
pagbutihin na lang ang arte niya at sana matapos na itong STH....
kasi kakasawa na ang mga publicity ni rhian at ida ... iyan ang tandem!
basahin mo ang article with comprehension para hindi ka ngawa ng ngawa diyan...hahahah
iha hindi ako membro ng quesehodang fans club na yan pero hindi ko siya gusto baka sabihin mong lahat ng ayaw sa kanya membro niyan...
they used Marian to promote the show ad nauseam. negatively I might add. it didn't work. now they're trying to have some kind of mea culpa by blaming the fans. typical..
for the last time, no one cares and no one is threatened that Rhian is DD's leading lady. it's the way they promoted it that left fans and viewers PO'D.
I'm happy na si Rhian ang Jodi/Jenna.. my chemistry sya kay dingdong at TJ... very refreshing! ganda tingnan!
kaya tuloy nasasabihan n bitter kayo... pag comment ng comment ..bitter yan..
I'm supporting STH! ito lang ang inaabangan ko ngaun. yun mga ayaw manuod, wag na manuod, wag na rin magcomment kasi off topic naman ang comment nyo.
Pinanood ko rin ito dahil kay Dingdong at kahit sino pang poncho pilato ang lumabas dito, panoorin din ito ng marami dahil sa istorya, hindi dahil kay Rhian or kay Dingdong lang.
Hindi sila bagay dahil malaki ang agwat ng edad nila at mas bagay si Rhian sa isang katulad niya ang age.
But I agree that Rhian gets meaty roles because of her connection with the higher management of GMA.
Magaling din si Glaiza and of course si Jean Garcia. Pero kung mapapanood lang ninyo ang Korean version, na buong buon sa you tube, naku makikita ninyo na mas magagaling ang version ng Korea.
As I said, the story is what makes it interesting to watch.