Sabi naman ni JM, "Nakakatuwa po, kasi kapag may show noon sa Bacolod, lagi po akong nanonood. Ngayon, ako na ang pinapanood nila."
Dito sa Manila, may nakakakilala na ba sa kanya?
"Meron po. Kapag naglalakad po ako sa mall, may nakakakilala na sa akin, kinakamayan nila ako. Hindi man nila alam ang pangalan ko, sabi nila, 'Di ba, ikaw ang nanalo sa 'Birit Baby' sa Eat Bulaga?" kuwento niya.
Feeling ba niya, sikat na siya?
"Ewan ko po, siguro konti po," nahihiyang sagot ni JM.
LA CARLOTA. Born on August 27, 1997, 12 years old at kabi-birthday lang ni JM nang sumali siya sa "Birit Baby 2009." First year high school na siya sa Doña Hortencia Salas Benedicto National High School sa La Carlota.
Isang security guard ang papa ni JM na si Mang Wilfredo. Ang mama naman niyang si Aling Maria Georgina ay housewife at inaalagaan silang magkakapatid.
Sa video ni JM, kasama ring ipinakita ang pag-uwi niya ng La Carlota. Naroon ang dalawa pa niyang younger brothers na tulad niya ay ipinangalan din sa mga santo. Ipinakita rin ang bahay na tinitirhan nila roon.
"Iyon pong sumunod sa akin, si James Andrew, 11 years old, at ang bunso namin, si John Vincent, 6 years old," banggit ni JM. "Inuupahan lang po namin ang bahay sa La Carlota. Kapag umuulan at bumabaha, umaabot po hanggang baywang ko ang tubig."
Nabanggit din ni JM na sa hirap ng buhay nila, once a year lang daw sila nakakain ng hamburger sa Jollibee. Natawa siya nang tanungin kung ngayon ba ay araw-araw na silang kumakain sa Jollibee.
Ipinakita rin sa video nang dumalaw siya sa kanyang school at may kinakantahan siyang batang babae. Waring nahihiya si JM nang sabihing ang crush niyang classmate na si Mary Jane Fernandez ang kanyang kinantahan.
Biro sa kanya, liligawan ba niya si Mary Jane balang-araw?
"Opo, kapag fourth year na po kami," nakangiting sagot ni JM.
Ngayon, lumuwas na ng Manila ang buong pamilya ni JM. Iniwanan na nila ang La Carlota. Naka-enroll siya ngayon sa home study program ng Angelicum bilang first year high school student.
Sa isang hotel sa E. Rodriguez pansamantalang nag-i-stay sina JM, pero ililipat daw sila ng TAPE, Inc. sa isang condominium unit sa San Juan, malapit sa Broadway Centrum.






I was thinking about it too..nirequest ko sa EB ang HOME ni michael buble, this song remind me of all OFW na talagang nagsasakrepisyo sa ibang bansa maibigay lang ang magandang buhay ang pamilya..Nirequest ko na ang BEN ni MJ sa EB..Titingnan ko ang galing nya pag nakanta ni matthew ang HOME ni michael buble..me regalo sya sa akin sa pasko pag nakanta nya yan..a new shoes!..LOL
the best tlaga
kudos jude
taob n nman ang mga taga quot;ultraquot; jan?!?