"I have nothing against it. Best In Swimsuit ako noong 2007 [sa Bb. Pilipinas]. It's just that it's my conviction na I'm okay. I think our generation nowadays needs a lot of people to look up to, na hindi naman niya kailangang mag-sexy, mag-daring. That's just me, that's just my stand."
PAOLO BEDIONES. Hindi pa rin nakakawala si Abby sa mga tanong concerning Paolo. Unang-una, may more than two years din silang nagka-relasyon at masasabing pinaka-link niya rin sa showbiz ang TV host.
Pero ayon kay Abby, even before na maging sila ni Paolo, nagta-try na raw siya sa showbiz.
"Even before po na naging kami, nag-i-start na ang showbiz career ko noon. And si Paolo naman, very supportive naman po siya. As in when I have guesting, okay, that's great. It's just that ngayon lang ako nabigyan ng break na sunud-sunod talaga," paglilinaw niya.
Ilang beses na ring sinabi nina Abby at Paolo na time ang isa sa naging reason ng hiwalayan nila.
"Indifferences talaga. Time, kasi busy siya with his career. Wala siyang masyadong time sa akin. Nagde-demand ako ng time sa kanya. Yung breakup, mutual po. We were ano na, e, we were fighting. Marami nang hindi magagandang things na naglalabasan sa ugali namin. So, parang kami, let's stop this muna. Parang pangit naman yung we pull each other down."
Sa palagay ni Abby, naka-move on na silang dalawa ni Paolo.
"Of course yung love, it will always be there. Pero ibang love na. We're over. We're done. Yun ang past natin. We had our good things. Love in terms of care na lang. 'O, this person has become part of my life.' Yung ganoon na lang. Pero hindi na yung so much."
Nakikita pa ba niya ang possibility na magkabalikan pa sila?
"I'm not closing any door. Pero sa ngayon, parang malabo, e. Separate lives na kami, e," sagot ni Abby.






open-secret naman na yun about paolo pero hindi lang napapalki ng mga press unlike kay piolo kasi si PB friendly sa mga press unlike PP. ask nyo pa si alfie. LOL!
gusto ko ang face nitong si Abby, pero mas gusto ko ang face nun bestfriend nya si Mikaela Lagdameo.
nauuso na yata ang mga TVC models na mag-artista na din, look at Maricar Reyes.
Hey si Maricar pala yun nasa latest print ad ng Globe ha? di kaya makasama sa image ng kumpanya yun?
gusto ko ang face nitong si Abby, pero mas gusto ko ang face nun bestfriend nya si Mikaela Lagdameo.