Richard Gomez shares myriad views, from trying for 2nd baby naturally to pressing issues in film industry

Mell T. Navarro
Friday, October 30, 2009 @ 03:41PM  |  21097 views

 

"Si Juliana, it took us more than two years bago siya dumating. Itong pangalawa namin, ang tagal! But we keep on praying na sana dumating na kaagad, magkaroon na, kasi malaki na rin si Juliana, e," says Richard Gomez about their effort to have another baby.

Photo By: Melo Balingit













POLITICAL VIEWS. Observant din si Richard, na minsan nang sumubok tumakbo sa Senado ngunit hindi pinalad na manalo. Sa nagdaang kalamidad sa bansa dala ng mga bagyong Ondoy and Pepeng, ano sa palagay niya ang dapat gawin ng gobyerno?

"Alam mo, kapag dumating yung gano'ng kalakas na calamity, you can only prepare so much," sagot niya.

Wala bang dapat na sisihin na sangay ng pamahalaan?

"Siguro, on the part of the government, kailangan lang na mas equipped sila... Na alam natin na pag magkaroon tayo ng matinding baha, kailangan natin ng mas maraming rubber boats!

"Ang rubber boats sa buong bansa, we only have five pieces! Ang five rubber boats, are only good for one or two barangays. E, buong bansa na 'yon. Kawawa talaga tayo! Bottom line is, mahirap talaga pag tinamaan ka ng malakas na bagyo."

Wala na nga bang pondo ang government para sa mga ganitong calamity?

"I'm sure we do," palagay niya. "Pero it's all a matter of prioritizing, where to put these funds, kung saan sila ia-allocate. Kinakailangan natin ng mas maraming life crafts, kinakailangan natin ng mas [maraming] mga helicopters... Kailangan nating mag-train ng mas maraming  volunteers. Kung kulang sa sundalo, mag-train tayo ng volunteers para pag dumating yung time na kailangan sila, ready sila."

May relatives and friends ba siyang nasalanta?

"May mga friends akong tinamaan, pero okey naman sila. Lalo na sa Taytay," sabi niya.

MOVIE WORKERS' WELFARE. Active din si Goma sa Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP), ang grupong kinabibilangan niya na kasapi ang maraming maliliit na members ng movie industry.

President ng NMPP ang direktor na si Joel Lamangan. Officers din ang iba pang directors like Soxie Topacio, Maning Borlaza, Mel Chionglo, pati na ang aktres-director na si Gina Alajar, among others.

Ano na ang latest sa kanila?

"Today kasi, nagbigay ng additional donation si Senator Miguel Zubiri para sa housing program at saka sa educational... Yung unang ibinigay niya, two or three million pesos for scholarship and housing programs. Kaya I'm very thankful to Senator Zubiri. Ongoing na ang program na yun ng NMPP."

May plano ba ang NMPP to inspire or help uplift the movie industry ngayon?

"Ang sa amin kasi, welfare ng tao sa showbiz ang concern namin, e, na mapabuti ang buhay nila, matulungan sila na magkaroon ng konting livelihood programs, cooperatives... And eventually, pag meron kaming enough funds, baka makapag-produce na kahit  ilang indie films. Para yung mga magtatrabaho dito, meron din silang suweldo. Yun ang long-term plan namin," pagtatapos ni Goma.

« Prev  1  2  3  

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name