Kasalukuyang nasa Singapore ngayon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa promotion ng DVD version ng pinagsamahan nilang telefantasya sa GMA-7, ang Dyesebel. Alas-kuwatro kaninang madaling araw, October 30, sila umalis.
Mag-i-stay sila roon hanggang bukas, October 31. Sa November 1 hanggang 2 ay pupunta naman sila sa Malaysia. Magkakaroon din sila ng shows at fans day sa naturang mga bansa. Sa Martes, November 3, na raw ang balik nila sa Pilipinas.
Kuwento ni Marian, "Kasi ni-request kami ng mga tao doon para sa Dyesebel, kasi nailagay na siya sa DVD. Request kasi ng mga tao doon na sana makita nila ulit kami ni Dingdong together. So, dalawang araw sa Singapore, dalawang araw sa Malaysia. Tapos, uuwi na ulit dito. Tapos, taping na ulit. Naghahabol kasi kami dahil masyadong madugo ang Darna."
Nakausap ng PEP (Philippine Etertainment Portal) at iba pang press si Marian sa taping ng Darna kahapon, October 29, sa St. James Church sa Plaridel, Bulacan.
NUMBER ONE. Hindi na talaga matawaran ang kasikatan ngayon ni Marian. Balik siya sa pagiging Primetime Queen dahil simula nang mag-umpisang umere ang pinagbibidahan niyang Darna sa GMA-7, hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa Metro Manila ratings. Ano ang masasabi ni Marian dito?
"Talaga? Minsan kasi hindi na ako nakakatanggap ng ratings sa sobrang dami ng trabaho ko, hindi ko na napapansin. Pero pag may napagtatanungan ako, ano ba ang ratings, natutuwa naman ako kasi at least number one pa rin sa ratings," nakangiting pahayag niya.
Aminado naman si Marian na malaki ang naging epekto sa ratings ng nangyaring trahedya noong bagyong Ondoy, kung saan malaking parte ng Metro Manila ang nawalan ng kuryente.
"Oo nga, e, ang dami ngang nagte-text kay Ate Vangie, sa handler ko, na, 'Naku, pakisabi kay Yan-yan [palayaw ni Marian], hindi kami nakakapanood kasi walang kuryente.' Ang tagal din nilang nawalan ng kuryente. Yung ibang parte nga ng Marikina, sabi, hanggang ngayon wala pa ring kuryente."
Marami pa raw dapat abangan sa Darna, gaya na lang ng kinunang eksena during our set visit—ang wedding scene nina Narda at Eduardo, played by Mark Anthony Fernandez, na guguluhin nina Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Babaeng Tuod (Francine Prieto). Mas tumitindi pa raw ang mga eksena lalo na nga't mas dumadami pa ang mga kalaban ni Darna.
"Si Cobra kasi natalo ko na. Pero may iba pang kalaban na si Zandro ang pangalan, na si Paolo [Contis] din yun. Tapos ayan, matatalo ko na si Babaeng Tuod at si Babaeng Lawin, pero papasok naman si Linta [Maggie Wilson]. Tapos pag natalo ko si Linta, papasok na ulit si Valentina [Iwa Moto]. So, ang dami-dami, sunud-sunod sila. Si Serpina, lalaki rin at magiging kalaban ko."
Tumitindi rin daw ang mga fight scenes ni Marian.
"Ayan, may panibago na naman akong sugat at saka pasa. Hindi kasi talaga maiwasan, e. Kasi kahit naman sina Direk Dom [Dominic Zapata], ayaw din naman nila na masusugatan ako. Pero wala, e, pag fight scene talaga at bigay todo ka, hindi mo naman maiwawasan na sana huwag kang masugatan, huwag kang maano. So, sige, basta fight scene iba-block ni Direk, tapos gagawin na lang," sabi niya.
KATRINA & DENNIS. Nadadagdagan din ang mga bagong tauhan na pumapasok sa istorya ng Darna. Nabalita pa nga na papasok na rin sa Darna sina Katrina Halili, bilang bagong kontrabida, at si Dennis Trillo, na kababata ni Narda. Kinumpirma naman ito ni Marian at na-excite daw siya dahil makakatrabaho ulit niya ang dalawa na kasama na niya sa ibang projects noon.
Ano ang feeling niya na yung tandem nila ni Katrina as bida at kontrabida ay bumalik dito sa Darna?
"Nakaka-excite kasi nagsimula yun sa Marimar, e, siya yung kontrabida ko. This time, ganun ulit. 'Sige,' sabi ko, 'exciting 'yan,'" sambit ni Marian.






Stairway To Heaven, ang pag-amin ni Jenna ng nararamdaman nya kay Cholo. Ano ang gagawing hadlang nina Charlie at Eunice? Matutuloy ba ang kasal nina Jenna at Charlie?
ROSALINDA, patay na kaya talaga si Fedra? Sino ang pipiliin ni Rosalinda? Si Fernando Jose na asawa at mahal nya o ang pinagkakautangan ng loob nya na si Alex?
Sis,
Eat Bulaga, na magkakaroon ng Hall Of Fame award dahil sa pamamayagpag ng mahigit 30years.
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
Family Fued,
IKAW SANA, ang nalalpit na paglaya ni Eliza sa tulong ng isang abogadong di nababayaran ang dignidad at ang duda ng lola nila sa half-sister nyang si Sofia.
24 Oras,
DARNA, malalaman na ba ni Eduardo ang sikreto ni Narda? Anong gagawin ni Lucifera ngayong nalaman nya na na si Narda at Darna ay iisa? Bakit ayaw ipaalam ni Consuelo na anak ni Alicia si Narda? Magdududa na kaya sina Narda at Alicia sa plano ni Consuelo? Anong paghahasik ang gagawin ni Impy? Ang pagtanggap ni Valentina ng kanyang misyon na maghari ang mga taong ahas? Ang kanyang pagbabagong anyo bilang taong ahas. Ang plano ni Serpina. Ang pagpapalakas ni Lucifera para bumalik sa pagiging Babaeng Tuod. Ang pagbabalik ni Babaeng Lawin, makuha na kaya ni DARNA ang kapangyarihang bilis?
Marian doesn't owe Angel gratitude, she owes it the GMA who gave her Marimar, the fans who appreciates her talent and most of all to God who uses Angel as the instrument for the opportunity. Napaka OA ninyo kung sabihin ninyong kung hindi kay Angel sisikat siya. FYI lang, Angel is not God to alter destiny nor she doesn't have the power to convince fans to love Marian.
But i appreciate Angel for her gesture cause meaning walang bitterness on her part despite Marian's star now shines brighter.
Kudos to the girls!
alegreelizah:Idol ko yan si Chiz Escudero hanga ako sa lalim nyang mag-tagalog dapat lang naman gamitin ang sariling wika wala naman tayo sa amerika noh!LOL! At saka si yan okay naman ang lenguahe nya spanish at tagalog lang kasi father nya spanish so iyon ang alam nya at tagalog kasi dito naman sya lumaki cavitebakit kailangan mong mag-english hello po tao po!LOL!
hindi plastic si marian. talagang matagal na nyang gustong pasalamatan si angel ng personal. and they should thank ondoy kasi may nagawa rin itong mabuti sa relationships and charity side ng mga tao.
ms. marian keep your two feet on the ground and stay humble...malayo pa ang mararating mo...believe me!
basta ako like ko si marian..
primetime queen marian rivera..
Asikasuhin mo na may mga projects si Angel.
Baka magkatotoo yung naririnig kong lalayasan ka niya for Popoy!
Si Popoy na magmamanage sa kay angel at goodbye ka.
I think HINDI naman IMPOSIBLE.
kay antoinette pa din ako d ako bibitwa kasi proven nmn na first love ni ding dong yun
Si Marian kahit mangulangot cute pa din kayo baka dinosaur ang labas nyo sira ang mga mukha.