Ilang ulit nang napabalita ang isyung hindi pumapayag ang mga Kimerald fans na makasama ni Gerald Anderson ang pop idol na si Sarah Geronimo sa anumang project, pelikula man o teleserye.
May kumalat kasing balita na magsasama sa isang Star Cinema or Viva movie sina Gerald and Sarah, pero wala pang kumpirmasyon ito mula sa alinmang kampo.
Gayunpaman ay ipinaramdam na ng solid Kimerald fans sa maraming Internet sites and blogs ang pagtutol nila sa anumang planong istorbohin ang iniidolo nilang Kim Chiu at Gerald Anderson love team. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nina Kim at Gerald sa ABS-CBN na Tayong Dalawa.
SARAH IS A KIMERALD FAN. Kahapon, October 31, sa Entertainment Live ng Kapamilya network, nagsalita na si Sarah Geronimo tungkol sa isyu. Sinabi ng pop star na tagahanga rin siya ng sikat na love team.
"I've always admired Kim," pag-amin ni Sarah, na kamakailan ay nanalo bilang Female Pop Artist of the Year sa 1st PMPC Star Awards for Music noong October 29. "Magaling siyang aktres. Napapanood ko siya. Fan ako nila... Nanonood po ako noon ng Sana Maulit Muli and napaiyak nila ako doon sa serye, silang dalawa ni Gerald.
"At nung mapanood ko sila sa Tayong Dalawa, ang laki talaga ng improvement [nila]... So, para sa akin talaga, si Kim at si Gerald ay para sa isa't isa!"
On the same show later, inamin nina Gerald at Kim na dahil sa reaksiyon ng Kimerald fans kay Sarah, nagkakailangan na raw ang tatlo kapag nagkikita-kita sa studios ng ABS-CBN, lalo na sa ASAP, kunsaan pare-pareho silang hosts.
"Well, nakakailang at nakakahiya talaga sa kanya!" pag-amin ni Gerald, na katabi si Kim habang ini-interview, na sumasang-ayon sa ka-love team.
"Dahil wala siyang kamalay-malay, pero naaapektuhan siya, nadadamay siya sa fans namin... Ang masasabi ko lang, wala po talagang away, wala pong tensiyon sa aming tatlo. Alam naman namin kung ano yung totoo," sabi ni Gerald.
Hindi pa naman silang tatlo nag-uusap tungkol dito.
"Hindi kasi kami magka-dressing room, e," sabi ni Kim. "'Saka, pag magkikita kami, ganun-gano'n lang e, daan-daan lang, e... So wala masyadong pag-uusap."
Ang masasabi lang nila kay Sarah ay, "Sorry!" mapagkumbabang wika ni Gerald. "Lalo na sa part ko, pasensiya na dahil talagang nadamay ka sa fans namin..."
Ang message naman ni Kim: "Sarah, pasensiya na sa lahat-lahat na mga issues na binibigay sa atin, na binabato sa atin... Alam naman natin ang totoo and wala naman talagang conflict o kung ano man."
MORE "KILIG" IN NEXT FILM. Kasalukuyang nagsu-shooting sina Kim and Gerald ng still untitled movie na magsisilbing comeback nila sa Star Cinema. It's their third together, although lumabas na sila sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment a couple of years ago.
Dito sa lumalabas na fourth film nila ay si Ruel Bayani ang director, the same director ng kanilang highly successful na Tayong Dalawa. Kasama dito sa pelikula si Robi Domingo ng Pinoy Big Brother Teen Edition, kunsaan produkto rin sina Kim at Gerald.






They have improved a lot. So sana bigyan sila ng chance to prove their talent as actors not just a loveteam.
PhilEntPortal
November 2, 2009
11:07 AM
KIMERALD the Best!
====
sa KAARTEHAN.
As fans we know how to distinguish bet. Gerald the actor and Gerald the person.
His private life is his and if there are still people who do not believe in his public avowals of love for Kim then that's their problem, not his. What is important is that Kim believes him and in him. We, his fans, also do. Go Kim, go Gerald! Be strong!
..
..nov 2009...Ang Tanging Pamilya
..dec. 2009..Gabby C.,Angelica P. and
Kim C..for MMFF
..jan. 2010..KIMERALD
..feb. 2010.. JLC and Bea..reunite
..march 2010..Robin and Toni
..April 2010..Aga and Angel
..
..soon for santino at piolo p.
Hindi magiging ganyan ka-protective ang Kimerald Supporters kung patas lang sana ang magiging treatment kina Gerald at Kim. Okay lang na i-partner si Gerald kay Sarah, basta ba may project din si Kim sa isang bigatin din na Star like Sarah G.
Apektado ang career ni Gerald. Kaya may press release ang manager ni Gerald na wala naman daw pinag-uusapang pelikula ang dalawa, eh samantalang si Kris Aquino na nga ang nagsabi ng project na yun nuon sa SNN.
May turn-off factor kasi kapag ganuon kaya kumambyo ang manager ni Gerald. Tapos may balita pang may kasamang buntis habang naglalaro ng basketball itong amboy na ito. Di ba nga at ilang linggong nawala sa top ten ng megamanila ratings ang Tyagong Akyat, nitong last ratings game nga halos mawala pa sa pang-ten. sana naman umakyat sa last episode kasi kawawa naman.
Kim and Sarah can go on their own dahil may mga sarili silang solid fans. Ewan ko lang si Gerald? meron sigur
The noted movie critic, Nestor Torre, has written a critique on the actors of Tayong Dalawa and has singled out Gerald as one who creditably portrayed his character as JR.
Gerald is Best Actor Nominee for Drama in a mini-series My Only Hopefor the PMPC Star Awards this Nov. along with Christopher de Leon, Jericho Rosales, etc. We, the Kimerald fans, prayerfully hope he will win. A tall order since he is pitted against veteran actors.
What a feat for the Amboy from Gensan who struggled with an American accent tinged with Bisaya only 3 years ago. Kris Aquino was amazed at his transformation--a full-fledged dramatic actor who now speaks fluent Tagalog. Congrats Gerald! You and Kim continually amaze us your fa
SANA WAG NANG UMEPAL SI SARAH SARADO! lol. . .
Tus wag na rin sna icompare ung loveteam nila sa Low class na aljurkris ba un? Cnu ung mga un?? lol
Musta n nga pla Nandito Ako movie umabot ba isang Milyon? lol...