Kung anu-anong balita ang lumabas pagkatapos gawin ni Lorna Tolentino ang isang eksena sa teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw, kasama sina John Estrada at Chin Chin Gutierrez. Mataas ang emotional level ng eksena at talagang umaapaw sa energy si LT na sinugod sina John at Chin Chin sa eksenang 'yon.
Ayon sa nasagap naming balita, nag-react daw si LT sa masakit na pagkakasampal ni Chin Chin sa kanya. Hindi raw kasi hinubad ni Chin Chin ang malaking singsing na suot niya sa eksena nila.
May bersyon pang kesyo nakalmot daw ni si Chin Chin ang mukha ni LT kaya right there and then, sa halip na sampal at sabunot lang ang natikman ng kaeksenang aktres, dinagdagan pa ito ng tadyak ni LT.
Pero sa text message na ipinadala ni LT sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nakiusap siyang, "Please lang, huwag na sanang palakihin pa ang tungkol d'yan. Isang simpleng eksena lang 'yan sa teleserye namin, kaya nagugulat ako sa reaksyon ng iba."
Pero kilala raw talaga si LT sa pagiging sobrang emosyunal sa ganitong mga eksena at napakasakit nga raw niyang sumampal, bagay na inirereklamo diumano ng mga nakakaeksena niya.
"I'm just doing those things professionally," paglilinaw ni LT nang makausap na namin siya sa telepono. "Kahit kaninong artista mo itanong 'yan, nakakaranas ng ganyan, at ang lagi mo lang dapat isipin, gawin mo nang tama ang dapat at inire-require ng eksena para maging makatotohanan yun.
"Hindi yun dapat pinepersonal. E, maski naman ako, nasasaktan din sa mga eksenang 'yan, pero hindi ako nagrereklamo. Walang maririnig sa akin, kasi naiintindihan ko na part ng trabaho 'yan."
Nabababawan ang aktres sa ganitong mga intriga. Para raw biglang nag-flashback sa kanya yung panahon ng rivalry nila ni Rio Locsin sa mga eksena ng sampalan at tarayan nila sa lumang pelikulang Stepsisters.
"Okey lang 'yan siguro noong nag-uumpisa pa ako. Pero hindi na bagay sa amin ni Chin Chin ang ganyang style ng publicity. Gusto ko naman na sa mga nalalabing panahon ko pa sa showbiz ay matandaan ako ng mga tao bilang professional, isang artistang respetado dahil marunong ding rumespeto ng kapwa ko artista," makahulugang pahayag pa ni LT.
STILL RECOVERING. Nagkaroon ng dalawang araw na pahinga si LT kapiling ang mga anak na sina Ralphe at Renz noong November 1 and 2. Dalawang araw yun na naglagi sila sa puntod ng yumaong asawa ng aktres na si Rudy Fernandez sa Heritage Park sa Taguig.
"Second year pa lang naming ginagawa ito, kaya naman naroroon pa rin ang lungkot," sabi ni LT sa kabilang linya. "Hindi naman talaga nawawala yung hurt and pain. It will just ease down as time goes by, pero hindi tuluyang nawawala. We will forever miss Rudy."
It took LT a year to face the cameras with high hopes and enthusiasm after the death of her husband. Almost another year ang preparation at pre-production process para sa Dahil May Isang Ikaw.
"Sa pagkakataong yun, wala akong hinarap kung hindi mga bagay-bagay na may kinalaman pa rin sa pagkamatay ni Rudy... Ang mga naiwan niyang obligasyon, matters that need to be settled, at awa ng Diyos, kung mayroon pa rin namang dapat harapin ay nakakayanan ko nang mag-isa, sa tulong pa rin ng mga nagmamahal na kamag-anak at kaibigan. Nakatulong yung travels, pamamahinga... Madalas noon, nandoon lang kami sa farm ni Isabel [Rivas] sa Zambales. Family outing, bonding with friends....
"Ngayon, mas normal na tumatakbo ang lahat sa amin at sa mga anak namin ni Rudy. Life has to go on. Alam naming may kulang, at mahirap basta mapunan yun. But we just have to face the fact na kasama na yun sa buhay namin. Nariyan lang siya to guide us, with the help of the Lord," saad ni LT.





archeryrich
November 4, 2009
11:18
haha! in fairness updated ka na sa DMII.. ayan nkakarelate ka na!
badjaobabe
Oo kaya,dati napanuod ako,si Ate Reg kumakanta,tapos kumanta si Jay-R biglang nilipat yung camera kay Jaya na,para Auntie lang sa audience na natripan umakyat sa stage at makipagsabayan sa mga idols niya.Hahaha
Naku,excited na akong magDMII mamaya. Si Red ata baliw na baliw na talaga sa pag-ibig isama mo pa yang ever baliw na si Denise,sarap sakalin,sarap ipulupot sa leeg niya yung gown na pinunit niya.hahahaha
badjaobabe
Bakit sa tingin mo hindi ba magandang idea yung ginawa nila? hehe
Naku,magkakashow na ulit pala yung peybrit labtem natin. Panigurado tiba tiba na naman ito sa AGB Mega Manila. Pag-uusapan na naman natin ito. Ganda ganda,ganda ganda ng katawan ni Aljur.hahahahaha
archeryrich
ha? hahaha
natawa naman ako sa aakyat na lang na susulpot na lang na parang auntie hahaha
so di mo alam kung kakanta ba sy o magbibigay ng payo ganon? hahaha
---
ambisyosong project to...ABS talaga di na nadala! aawas na naman to sa neto nila
----
ayyy pag kahit sa DMII or LIP itapat ito mag rerate pa rin
archeryrich
November 4, 2009
10:00
dapat ding gawin nla sa SOP, itrain nlang mghost ung ibang younger talents nila. ASAP can already survive w/o Gary V, Zsa Zsa, Martin... e ung SOP kaya? take out regine, ogie, janno, and jaya.
ano nga plang ngyari sa pex?? oo madalas akong ngbabasa ng comments dun minsan minsan ngpopost. saya nga ng DMII and LIP threads dun. naaalala ko ung TD dati, tlgang pngdedebatehan kung ano ung merits/demerits ng mga characters. haha!
franchescarya
nne
Basa ko sa scoopbox kahapon,marami daw mawawalang segments chuchu! Eh dapat nga inuunang tanggalin si Direk Louie tapos si Geleen Eugenio eh.Ewan ko,parang masaydong Mastershowman yung dating ng SOP. Wala ba yung tipong Music Bank ng Korea para sa mga youngsters.
DONE.DONE.DONE.
archeryrich
November 4, 2009
09:40 AM
sumisilip silip ako sa sop kc i like kyla, regine and ogie. mgrereformat b?? bkt ngaun lng? haha. ung mga kapuso viewers sa pex matagal ng aburido sa sop.
franchescarya
nne
sa PEX forums, mas nauna pa ang rosalinda pero mas marami ng hits at comments ng DMII
pag pasok mo sa DMII ang mga comments don as in all about the show, the casts, the kilig, the aktingan, the kwento
punta ka sa rosalinda, ang nakalagay don ang sked ng mga appearances ni geoff at carla...
walang nag aanalyze ng mga characterization ng mga bida or kung anong aabangan or kinikilig ba sila.
ah basta, subukan mo pag hindi na down ang PEX and you'll know what I mean
archeryrich
oks lang yang magkatapat. pinapanood ko pareho ang LIP at STH
ang LIP nga lang ang inaabangan ko sa araw araw kase mas nagagandahan ako sa kwento, simple lang pero ang ganda ng pagkagawa...pero sa weekend minamarathon ko ang STH...hinihintay ko pa ang dramatic moments kase yun ang sabi eh heavy drama daw pero mas marami pang beses akong pinaiyak ni vivian kesa ni jodi.
saka ang saya ng LIP community namin sa youtube hahahaa