Hindi naman daw sa nagdadamot si Kris, pero nauna na kasi siyang naka-commit sa ABS-CBN. Kaya gumawa ng paraan si Kris para makausap si Jessica Soho, na executive ng GMA-7 News department.
"In all fairness naman, nakausap ko naman si Jessica," sabi ni Kris. "Tapos in-explain ko sa kanya yung situation. Tapos sinabi ko rin na, 'You know, we were honestly trying to buy.' And yung three minutes [spot], hindi maibenta. Kaya nila one minute. Sabi ko, 'Jessica, it's not like pinaboran ko lang ang ABS at sa ABS ko lang gusto. I wanted both [networks] because nga there's Ogie [Alcasid] and Regine [Velasquez], then Dingdong [Dantes] and Marian [Rivera] there.'
"Sabi ko nga, kung puwede. Pero wala talaga silang maibigay na spot. It's only by Thursday or Friday na magkakaroon na sa kabila, except for the exposure in Eat Bulaga!, na we're so blessed to have. But Eat Bulaga! kasi it's TAPE, not GMA. So, yun lang yung pinag-a-argue-han namin ng sister ko na iyak ako nang iyak sa phone. But they already gave the material back. Tapos sabi niya [Pinky], 'Brainwash ka masyado ng ABS.' Sabi ko, hindi. Until finally na-get na niya. Naintindihan na niya, so tapos na."
NOYNOY'S MTV. Dahil napag-uusapan na rin naman ang MTV ni Noynoy na "Di Ka Nag-iisa", tinanong na rin kay Kris kung labor of love ba ang appearance ng big stars sa MTV; na kinabibilangan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bea Alonzo, Anne Curtis, Erik Santos, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, at ang asawa ni Kris na si James Yap kasama ang team nito sa PBA.
"Yeah, grabe!" bulalas ni Kris. "Ay naku, talagang inaano ko. Sabi ko kay Noy... cost of production na lang, e. Three nights kami nag-shoot. Niregalo yun ni Direk Onat, who does The Buzz. And then, iniregalo ni Shane Sarte yung pag-aano niya... Tapos si Eddie Boy Tuviera did the steady cam. If you're gonna rent that steady cam on a daily basis, 50,000 pesos for a day. E, three nights yun, e, di 150,000 pesos na yun, di ba? Tapos yung direktor, normally ang direktor sa ganyang commercial, half a million yun. Di ba, kung iisipin mo, you're really so touched sa lahat ng ibinigay?
"Imagine n'yo na lang, commission Ogie to write a song and i-picture n'yo si Regine... how much she gets paid for her DOT [Department of Tourism] campaign, kung magkano yun? Tapos mapagsama mo... Di ba, kasi pag pinagsama mo ang premium stars from ABS and GMA... Sabihin mo na lang a commercial na pinagsama mo si Anne at si Bea with Marian, siyempre both camps will charge double kasi nagsama-sama sila. Not for anything, but I guess everybody knows na ang highest paid sa commercial, kami ni Sharon. So, just think kung magkano yun. And that was all given talaga."
Ayon kay Kris, silang dalawa ni Boy ang nagsilbi ring talent coordinator na nag-schedule ng shoot ng mga artista.
AI AI'S PERSONAL CONVICTION. Alam naman ng lahat na may Star Cinema movie si Ai-Ai with former President Joseph "Erap" Estrada, ang Ang Tanging Pamilya. Dahil nga rito, ine-expect tuloy ng mga tao na si Erap ang susuportahan ng Comedy Queen, lalo na't kakandidato rin for president si Erap at makakalaban ni Noynoy sa 2010 elections. Pero sa halip ay pumayag pa si Ai-Ai to appear sa MTV ni Noynoy.
Napag-usapan ba nila ni Ai-Ai 'yon?
"Kasi I asked her, si Boy kinomit siya and she committed herself. And then I said, 'Friendship, lalabas ito hindi pa nagso-showing ang movie mo. Sigurado kang okay?' And then she told me, 'Friendship naman, hindi pa kita kilala, hindi ko pa kilala si Ama [Boy Abunda], Coryista na ako. Nasiraan na ako ng sapatos para sa nanay mo.' Sabi niya, 'Naglakad ako nang nakaapak para lang mag-rally. Ngayong may opportunity ako na makatulong at para sa nanay mo ito. Siyempre, magkakamag-anak na tayo dahil sinabi ng mga kapatid mo na adopted Cojuangco-Aquino daw ako.'
"So, yun. Sinabi ko nga sa kanya, 'Gusto mo doon ka sa second batch? Kasi si Toni Gonzaga also told me... She said yes to us, but sabi niya, 'Ate Kris, yung movie namin. Sinabi lang ni Papa na nakakahiya, kasi siya [Erap] yung daddy ko sa movie.' Sabi ko, 'Oo naman, naiintindihan ko. Dun na sa next batch.' And then I told Ai-Ai that, 'Friendship, si Toni nag-request na second batch.' Sabi niya, 'Ay, hindi, go na tayo, Friendship, 'no! Go!' It was really her personal conviction. I think yun ang maganda rito kasi everybody who joined us, joined out of a personal conviction talaga.
"In fact, Ogie wrote that song hindi pa nagde-declare si Noy. He wrote that song and he texted me to say, 'I prayed and dreamt about it. So, when I woke up, it took me two hours. Nasulat ko kaagad.' Tapos sinabi niya sa akin, 'Regalo ko sa inyo. Whatever Noy will decide, basta it's yours. And then, maloloka ka, kasi, di ba, normally rough mix lang 'yan? Yung ibinigay niyang rough mix, si Regine na yung nagbe-belt [out] na ganun! So, ang bongga talaga na mararamdaman mo yung level of commitment nila!" masayang lahad ni Kris.
ISSUE ABOUT ERAP. Isa kaya ito sa dahilan kung bakit hindi pumunta si Erap sa The Buzz noong naka-schedule itong maging guest para sa birthday ni Boy last October 25?
"Hindi ko alam talaga," sabi ni Kris. "Yun nga yung iniisyu n'yong hindi siya dumating sa The Buzz. That day, nagpadala na naman ng fruits sa amin. So, feeling ko, it's not me and it's not Boy."
So, it's the network?






escee_q
you're absolutely right! i couldn't and still can't understand why people keep calling a music video an mtv.
iwan ko lang
until now di ko pa napanood ang MTV na yan
wow... what a stupid comment coming from an obvious hater
oh well, i agree sa ibang pepsters dito, having a good and kind heart doesn't mean that you're a good leader. Our country is in a big crisis right now, ika nga eh our economy is standing on the edge of a knife, stray but a little and it will surely fall.
Sana yung voters natin eh hindi magpa-dala sa emosyon nila. In addition, sana huwag taung magpa-silaw sa mga so-called plataporma nila. I think we should focus on the ability to execute these platforms
love ka namin NOYNOY. ikaw ang presidente namin. NOYNOY para sa makabagong pinoy.
Kesa sa mga ibang senador na may mga kaso, o mga umaambisyong maging presidente na alam naman nating walang kayang gawin.
Si bayani marami din siyang mali, disiplina ba ang sabi nia?? well, hindi niya nga maayos sa metro manila eh
Super galing nang pagkakagawa at ang lyrics nang song ang galing din. Si Regine pa ang kumanta, super sa ganda talaga.
Ako definitely maka Noy. IMHO, siya ang kailangan nang ating bayan although I'd rather not say anyhing bad about the other presidentiables.
.
.
loren is trashy...for the second time she is a mistress.. is that what you want our president to be??? seriously, we should look into considerations yung MORALITY SIDE ng candidates...erap was accused of immorality et al kaya napatalsik..nakakahiya if loren would be another erap..loren is not at all the good person that we see