"Ready na ulit akong mapagod. For the longest time kasi, after Adik Sa 'Yo, ang pinakaginagawa ko ay yung SOP at Bubble Gang lang. Once a week lang sila pareho. Marami rin kasi tayong pinagdaanan na mga bagay-bagay na kailangan nating magpahinga talaga. Ngayon, na-miss ko na ang mapagod talaga. Yung everyday na taping, nakaka-miss siya," says Dennis Trillo.

Photo: Noel Orsal

Muli na namang magiging busy ang aktor na si Dennis Trillo dahil apat na shows ang nilalagare niya ngayon sa Kapuso network.

Nagsimula na siyang mag-taping para sa Darna bilang kababata ni Marian Rivera sa bahay-ampunan na bumalik bilang isa nang pulis.

Si Dennis din ang pumalit sa hosting job ni Dingdong Dantes sa Starstruck V. Si Dingdong na kasi ang papalit kay Richard Gomez bilang host naman ng game show na Family Feud. Hindi na kasi maaaring mapanood si Goma sa isang regular TV show kapag nag-file na siya ng candidacy sa pagtakbo niya bilang congressman sa Ormoc City.

Napapanood din si Dennis every Friday sa gag show na Bubble Gang at every Sunday naman ay nasa musical-variety show na SOP siya.

Natutuwa nga si Dennis dahil naging busy siya ulit pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga. Ang huling TV series ni Dennis ay ang romntic comedy na Adik Sa 'Yo with Jolina Magdangal, Marvin Agustin, and Jennica Garcia.

Kailan lang din ay nakasaksi siya ng isang trahedya na kumitil sa buhay ng kanyang kaibigan sa Boracay. Kasabay pa nito ay ang pagtatapos din ng relasyon nila ng young actress na si Pauleen Luna.

Ngayon ay ganap nang naka-recover na raw si Dennis sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan at ready na siyang maging busy ulit.

"Ready na ulit akong mapagod," nakangiting sabi ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "For the longest time kasi, after Adik Sa 'Yo, ang pinakaginagawa ko ay yung SOP at Bubble Gang lang. Once a week lang sila pareho. Marami rin kasi tayong pinagdaanan na mga bagay-bagay na kailangan nating magpahinga talaga.

"Ngayon, na-miss ko na ang mapagod talaga. Yung everyday na taping, nakaka-miss siya. Kaya noong bigyan ako ng role sa Darna, bakit ko naman hindi tatanggapin, di ba?"

ANGEL VS. MARIAN. Naging parte rin si Dennis ng Darna na pinagbidahan ni Angel Locsin sa GMA-7 noong 2005. Siya ang gumanap na Efren, ang love interest ni Darna. This time, si Marian Rivera na ang gumaganap na Darna.

Ayon kay Dennis, magkaiba ang dalawang Darna, bagamat hindi dapat i-compare ang mga ito.

"Iba naman kasi yung kuwento ni Angel sa kuwento ngayon ng Darna ni Marian. So, walang comparison," diin niya. "Hindi ko pa naman nakikita na naka-Darna costume si Marian sa taping ko, e. Pero base sa mga nababasa ko at sa observation ng maraming tao, sexy na Darna si Marian na tulad ni Angel noon.

"Maraming mangyayari sa character ko sa Darna kaya abangan nila parati sa GMA Telebabad," pahabol niya.

REPLACING DINGDONG. Sa paghu-host ni Dennis ng Starstruck V, marami ang natuwa pero marami rin ang hindi sang-ayon na siya ang ipinalit kay Dingdong. Aware naman daw dito si Dennis kaya pinag-aaralan na niya nang husto kung paano maging effective na TV host na tulad ni Dingdong.

"Alam ko na may mga hindi approve sa pagkuha sa akin to replace Dingdong. Alam ko na malayo na talaga ang narating ni Dong in terms of hosting. Kasi since sa simula pa lang ng Starstruck, siya na ang nakapuwesto diyan.